CHAPTER 08.2

1814 Words
CHAPTER 08.2 Papasok ako sa school at kakausapin ko si Glen. Wala akong paki kung ipagpatuloy nila ang relasyon nila ni Emily, hindi ito ang tamang panahon para isipin pa ‘yon gayong may dinadala ako sa ‘king sinapupunan. I’m not even sure if I will keep this. . . Kakausapin ko si Glen at tatanongin siya sa magiging desisyon niya rito. Hindi pwedeng ako lang ang magdusa, pareho namin ‘tong ginawa kaya dapat lang na kaming dalawa ang humarap nito. Inayos ko ang sarili, pinigilan pa nga ‘ko ni Lola kaya lang ay wala na siyang magagawa. Desidido na ‘ko sa gagawin. Pagdating ko sa classroom namin ay konti pa lang ang tao, kanina pa ‘ko pinagtitinginan habang papunta rito dahil sa namumugto kong mata kaya bahagya na ‘kong nasanay. Sa malayong side ng classroom ay naabutan ko ang tingin ni Freya sa ‘kin. Mapanuri iyon kaya tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. I can saw concern on her stare at me pero, sino naman siya para mag-alala? Dahil nakita niya ‘kong umiiyak sa eskinita na ‘yon noong isang araw? “Krisha, busangot ka, ah? Ang pangit mo ngayon?” Inirapan ko ang kaklaseng kakadaan lang sa tabi ko. “Mas pangit ka!” ganti ko kay Jette. Wala na siyang ginawang tama sa school namin kundi ang mam-bully. Walang ambag sa lipunan ang mga lalaking kagaya niya. Pareho lang sila ni Glen! “Tss,” pailing-iling na aniya sabay upo sa kanyang silya. Kita ko ang sadya niyang pagpadaan ng bag sa mukha ng payatot at feeling nerd namin na kaklase. Ni hindi man lang nagawang magreklamo ni Leo dahil sa takot at siguro. . . sanay na siya. “Stop that Mr. Castro! Ang aga-aga, gusto n’yo bang ipatawag ko kayo sa office?” sita ni Claudine. Pinakamatalino sa klase namin. “Sige, samahan pa kita,” pabalang nitong sagot. Agad namang nagtawanan ang mga kaklase ko. Umirap lang si Claudine bago umupo sa silya niya. “Pasaway talaga kayo, ang aga-aga!” segunda ng epal na si Zole. Tameme naman kung ihaharap mo sa totoong problema. Siya ‘yung klase ng tao sa classroom na kailanman ay hindi mawawala sa attendance. Sipsip at epal. Hinintay kong mag-lunch bago nagpasyang puntahan si Glen at kausapin. Mabuti na lang at hindi pumasok si Emily sa araw na ‘to, baka mabasag ko lang ang mukha niya ‘pag nakita ko siya. Kaya lang, pagdating ko sa classroom nila ay nagimbal ako sa nabalitaan. “Nag-transfer na si Glen kahapon, hindi niya ba sinabi sa ‘yo?” ‘Yon ang sinabi ng kaklase niya nang magtanong ako. Nanghina ako sa nalaman, ang baliw na ‘yon ay nag-transfer? Ang kapal talaga ng apog niya! Nang mag-uwian ay pinuntahan ko ang bahay nila, ang magulang niya ang kakausapin ko kung ganun! Hindi niya ‘ko pinakilala sa parents niya at kahit hindi ko kilala ang mga ‘yon. . . wala na ‘kong pake! Pagdating ko sa bahay nila ay sarado ‘yon at mukhang walang tao. Sadya rin na kulang ang mga paso ng halaman sa harapan ng bahay nila. Nasapo ko ang noo sa frustration. Nang may dumaan na ale ay agad akong nagtanong. “Nasaan na po ang tumitira sa bahay na ‘to?” tanong ko sa matanda na nagtitinda ng mais. “Naku hija, lumipat na sila Tessa. Bakit?” “Saan po lumipat?” pagbabakasali ko. “Hindi ko alam, ang sabi ay bumalik na sa probinsya nila.” Nagtagis ang bagang ko. Sa Batanes ang probinsya nila Glen, sobrang layo nun dito! Bagsak ang katawan na naupo ako sa isang plant box. Hinilot ko ang sentido dahil sumasakit ang ulo ko. It’s over, haharapin kong mag-isa ‘to. Marami akong naisip na mga bagay, mga dapat gawin, mga dapat kausapin, dapat simulan. Pero lagi akong bumabalik sa tanong na. . . Paano? Habang naglalakad pauwi ay nanatili akong tulala. Maraming bumabati sa ‘kin sa eskinita, ang iba ay nagka-cat call pa pero hindi ko pinansin. Nadaan ko pa ang maingay na majongan at ang punuan na tubig ng puso, may mga kapitbahay na nagpapapansin pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nang matanaw ko ang maliit naming bahay, ay natigilan ako sa paglalakad. Sa labas ay napapalibutan ang bob wire naming gate ng mga halaman sa babasaging paso at mineral bottles. Ngayon ko lang napansin na namumulaklak na pala ang pabirong orchids ni Lola na kulay violet. Gawa sa kalahating seminto at kalahating kahoy ang aming bahay. Kulay brown na rin ang aming yero na halatang niluma na ng panahon. Nang matanaw ko si Lola na nagsasampay ng mga labahan ay agad na kumirot ang dibdib ko. Matanda na siya pero nagagawa pa rin niya ang lahat ng mga gawaing bahay, hindi na siya napagod kahit galing pa siya sa trabaho sa munisipyo. Muling nag-init ang sulok ng mga mata ko. Wala na ‘kong ginawang tama sa kanya, lagi na lang sakit sa ulo ang dulot ko. Isa akong pagkakamali, no wonder pagkakamali rin ang dulot ko. ‘Yon yata ang ambag ko sa lipunan. Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko na napapansin ang pagdaan ng mga araw dahil laging ukupado ang utak sa pag-iisip ng mga bagay. Sometimes, I will end up crying and hurting myself. Mabuti na lang at iniiwasan ako ni Emily sa school, mas madali ‘yon sa ‘kin para hindi ko mabasag ang mukha niya. I admit, I’m unfunctional at school. Lagi akong pumapasok sa school pero ang utak ko naman ang absent. Kaya naman nang dumating ang araw ng second quarter card giving ay hindi na ‘ko nag-expect ng malaking grades. Hindi ako matalino, hindi rin ako competitive, I settle for mediocre grades pero ngayon. . . siguradong hindi matatawag na mediocre ang grades ko. Mas mababa pa roon, failing. Pasang-awa, ‘yon ang tamang term doon. I don’t know what exactly my grade is. Walang kumuha ng card ko. Hindi iyon pwedeng kunin kung wala ang parents or guardian. “Ikaw, Clau? Sino’ng kukuha ng grades mo?” rinig ko ang usapan ng isa kong kaklase. “Huh? Ah, s-si Yaya. . . ” At least may yaya. Napabuntonghininga ako nang malalim. Napatingin ako sa paligid at halos lahat ng mga kaklase ko ay present ang mga magulang nila. Ang iba ay proud na proud sa grades ng mga anak nila. Ako lang yata ‘tong walang magulang dito, eh. Ayaw ko namang abalahin si Lola sa trabaho niya kaya hindi ko na pinaalam ang tungkol sa card giving. “Krisha? May ginagawa ka?” tawag sa ‘kin ni Ma’am. Abala siya sa pakikipag-usap sa parents ng mga kaklase ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya, “Wala naman po, Ma’am. Bakit?” “Paki walis nito please, nakakahiya kasi sa parents,” aniya sabay turo sa sahig na puno ng buhangin. May pumasok siguro na sobrang putik ng sapatos. Nakakahiya naman sa kanya! Tumango lang ako at kumuna na ng walis sa broom stand namin. “‘Yung parents mo Krisha, hindi pupunta?” tanong sa ‘kin ni Ma’am habang nagwawalis ako. “May trabaho po si Lola,” tipid kong ani. “‘Yung parents mo? Hindi ba sila makakapunta? O kahit sinong guardian.” Itinikom ko ang bibig, hindi ko alam ano’ng isasagot sa kanya. “T-tawagan ko po si, Mama,” sabi ko na lang. Nang matapos sa ginagawa ay ‘yon nga ang ginagawa ko. Bago lumabas ng room ay naabutan ko pa ang maaliwalas na mukha ng Mama ni Leo, tuwang-tuwa siya sa gagawing pagkuha ng card. Tahimik naman ang anak niya sa gilid. Nang medyo wala ng tao ay tinawagan ko si Mama. Nag-ring pero walang sumagot hangang sa namatay ang tawag. Nanlumo ako agad. Tinawagan ko ulit at sa pagkakataong ‘yon ay may sumagot na. “Oh, Krisha? Napatawag ka? May kailangan ka ba? Kakabayad ko lang sa tuition mo, ah? Project na naman? Sige, ipapadala ko na lang sa ‘yo ang pera. Busy kasi ako ngayon, eh,” sunod-sunod nitong sabi. “Mama. . . ” Hindi ko na tinuloy at tinikom ko na lang ang bibig. “Ano Krisha? Busy ako, eh?” “Wala po, pera po ang kailangan ko,” imbes ay sabi ko na lang. “Ang gastos naman ng school n’yo! Lumipat ka na lang kaya sa public? Huwag na d’yan sa Hermosa! Semi private pero mukha namang public! Pareho lang naman, eh.” Marami pa siyang sinabi bago pinatay ang tawag. Tila may lumubog na naman sa loob ko. Wala akong ama na tatawagan dahil hindi ko naman kilala sino ‘yon. May iba ng pamilya ang Mama ko. Actually, sa susunod na bayan lang ang kanila pero ni minsan. . . hindi niya nagawang bumisita sa ‘min. Bukod sa pagpapadala ng pera, wala na siyang ginawang iba. Masyado siyang abala sa sariling pamilya at trabaho. Anak niya ‘ko sa pagkadalaga, sa pagkakamali. Kaya madali lang sa kanya ang iwan ako kay Lola. Bumalik ako sa classroom at muling naupo sa upuan ko, wala kaming pasok ngayon kaya wala akong pinag-kakaabalahan. Hindi na rin ako sumasama sa mga barkada ko, mukhang hindi naman nila napansin ‘yon dahil hindi na nila ako hinanap o tinanong man lang. As if I care, mabuti na rin ‘yon dahil gusto ko ng katahimikan. “Salamat po, Ma’am! Nakaka-proud naman ang anak ko!” Napatingin ako sa Mama ni Leo, hawak-hawak na niya ang card ng anak. Naisip ko na. . . kailanman ay hindi ako magkakaroon ng gan'yang klase ng ina. Una sa lahat, anak ako sa pagkakamali. Hindi rin ako ang ideal na anak na dapat ika-proud. It’s the other way around actually. I laughed bitterly at myself. Wala yata talaga akong silbi. Puros problema lang ang dala ko sa mundo, pagkakamali na nga ako, pagkakamali rin ang dala ko. Buong buhay ko, never kong naramdaman ang pagmamahal ng mga magulang, nadyan naman si Lola pero laging kulang. Akala ko, matatagpuan ko ang pagmamahal na ‘yon sa labas ng bahay. Pero hindi, malayong-malayo. And looked where did it bring me now? I’m trying hard to escape my lost, I’m trying hard to seek love. . . trying hard that it leads me to a wrong path. Wala ng tama sa buhay ko. Buong araw akong nilunod ng masasakit na realidad sa buhay ko. Kung paano ako nasira at kung paano ko ito patuloy na sinisira. I’m so occupied that I just found myself climbing at an old staircase of our highest building in campus. With the thought of. . . what if I end everything? Will it stop my pain? Hindi ko na kasi kaya, my mind and body is giving up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD