CHAPTER 08 Pregnant

1733 Words
CHAPTER 08 “K-krisha, ikaw ba ‘yan?” tanong sa ‘kin ni Freya. Ramdam ko ang pag-aalinlangan sa boses niya ngunit hindi ko na iyon pinansin. I’m busy crying tapos bigla siyang dadating? Panira rin sa mood ang babaeng ‘to, eh! “A-ayos ka lang ba? Ano’ng nangyari sa ‘yo?” Nairita agad ako sa mahinhin niyang boses. Akala mo ay hindi siya makabasag ng pinggan. Suminghap ako at pinunasan ang mukha gamit ang palad. Naghalo na ang pawis at luha sa katawan ko. Magulo ang damit at ang buhok ko ngayon, hindi ko ma-imagine ang sarili na mukhang dugyot! Nakakaasar! “Krisha, ano’ng nangyari sa ‘yo?” Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Iniwas ko ang katawan sa kanya at pinagpatuloy ang pagpunas sa pisngi. Isang beses kong pinasadahan ng tingin si Freya at agad kong nakita ang awa sa mukha niya. Kinakaawaan niya ‘ko ngayon! I hate it, hindi ko gusto ang tingin na ibinibigay niya sa ‘kin. Masyadong maamo ang mukha niya kaya lagi akong naiirita sa tuwing nakikita siya, hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil na rin sa mga usap-usapan tungkol sa kanya. Na. . . magnanakaw raw siya. Saka isa pa, hindi naman kami close nito, ah? Bakit feeling close ‘to ngayon? Dahil nakita niya ‘kong umiiyak sa eskinita na ‘to? “Umalis ka rito, hindi kita kailangan,” malamig kong ani. ‘Yon ang kailangan ko ngayon. Gusto kong mapag-isa at hindi ako natutuwa na nakita niya ‘kong ganito. “Halatang hindi ka okay, eh. Saka isa pa, delikado sa eskinitang ito. Baka mapagdeskitahan ka ng mga tambay,” aniya sabay linga-linga sa paligid. Napatingin din ako at medyo natakot nang makitang madilim at masyadong tahimik ang paligid. Papatay-patay rin ang lamp post sa unahan. Hindi ko alam na rito ako napadpad matapos tumakbo. “M-may maitutulong ba ‘ko sa ‘yo?” tanong niya nang ibalik sa ‘kin ang tingin. Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ang bait nito sa ‘kin ngayon? Hindi naman kami close, I even bullied her at school sometimes. “Wala kang maitutulong kaya umuwi ka na lang.” Tumayo ako at pinagpagan ang suot. Napaismid ako nang maramdaman ang hapdi ng mga kalmot sa braso ko. “Ah, mukhang—” Natahimik siya nang samaan ko siya ng tingin. Bumaba ang tingin ko sa kanyang suot na lumang palda at blouse, uniform namin sa school. “D’yan ka na.” Tinalikuran ko siya at tinahak na ang daan papuntang sakayan ng jeep. Habang nasa biyahe pauwi ay tulala lang ako, galit na galit pa rin dahil sa mga nangyari kanina lang. Hindi ko ma-imagine ang kakapalan ng mga mukha nila. Lalong-lalo na si Emily! Hindi ko matanggap na nakaya niyang gawin ‘yon sa ‘kin. Wala siyang utang na loob! Ako ang dahilan kung bakit sikat siya sa campus ngayon, dahil dumidikit siya sa pangalan ko! Isa lang siyang dating manang at baduy, ngayon ang kapal-kapal na ng mukha! Akala mo naman kagandahan, mukha namang paa. Magsama sila ni Glen! Pareho silang mga walang-hiya! Isa pa ang lalaking ‘yon! Porquet tapos na siya sa ‘kin maghahanap na siya ng iba! Hindi ako makapaniwala! Puros galit at hinanakit lang ang nasa utak ko habang pauwi. Saka lang yata ako natauhan nang makarating sa tapat ng bahay at nakitang naghihintay si Lola sa ‘kin sa labas. Madilim na ang langit kaya bakit pa siya nagpapalamok dito? Kita ko ang pagpikit niya nang mariin nang makita ako. “Saan ka galing?” sigaw niya sa ‘kin. Bumuntonghininga siya at akma akong susugurin pero pinipigilan niya ang sarili. Pagod ako kaya ayaw kong makipag-usap sa kanya. Ayaw kong magpaliwanag o banggitin man lang ang pangalan ni Glen dahil sa galit ko. “Magpapahinga na po ako,” walang emosyon kong ani bago pumasok sa bahay. Agad naman siyang sumunod kasama ang sunod-sunod niyang mga tanong. “Saan ka galing? Ano? Nakausap mo ba ang ama ng dinadala mong ‘yan? Ano’ng sinabi niya? Pananagutan ka ba?” Malalim na buntonghininga lang ang pinakawalan ko. Mababaliw na ‘ko kaiisip sa mga bagay-bagay. Pakiramdam ko ngayon ay lumulutang na lang ako sa ere dahil tila wala ng laman ang utak ko. Ubos na ‘ko para sa araw na ‘to. Natahimik lang si Lola nang pumasok na ‘ko sa kwarto. Isang beses niya pang pinalo ang pintuan ko ngunit hindi na ‘ko kumibo. Naligo ako at nagbihis para matanggal ang lagkit sa katawan ko. Nang matuyo ang buhok ay humiga na ‘ko sa kama. Marami akong iniisip ngunit dahil sa pagod ay agad na bumagsak ang talukap ng mga mata ko. Kinabukasan ay nanatili ako sa bahay, tahimik na si Lola ngunit marami pa rin siyang mga tanong na hindi ko nasasagot. Hanggang ngayon, ayaw pa rin pumasok sa kokote ko ang totoo kong sitwasyon. “Ang ama ng bata, nakausap mo na ba?” Nasa hapag kami nang itanong niya ulit ‘yon. Kumpara sa mga nauna, mas kalmado na siya ngayon. Tumango ako at ilang segundo pa muna ang binilang bago ako nakapagpasya ng sasabihin. “Huwag na nating asahan ‘yon,” walang emosyon kong ani. Binagsak ni Lola ang hawak na kutsara, umiling siya at nagsimula na naman ng walang katapusan niyang sermon. Tahimik lang akong kumain habang parehong nabubusog sa mga kinakain at mga panunumbat niya. Naiirita ako pero wala akong gana na magsalita. Isa pa, kasalanan ko ang lahat ng ‘to kaya dapat lang, wala akong karapatan na magreklamo dahil ako rin naman ang may gawa. Wala naman akong ginawa masyado sa araw na ‘yon pero madali pa rin akong nakatulog sa pagod. I thought I’m going to sleep peacefully but I woke up four AM in the morning and end up panicking and overthinking. Ewan ko ba, bigla na lang akong inatake ng mga masasamang isipin. Umiiyak ako habang sinasabunutan ang sarili. Ang tanga ko! Ang gaga ko para magpauto sa lalaking ‘yon! Ang kakapal ng mga mukha nila! Hindi pa rin ako makapaniwala! I slapped myself while crying hard, para akong mababaliw kaiisip kung ano na ang mangyayari sa ‘kin. Not to mention that I’m pregnant. Mas nauna ko pa talagang inisip si Glen ngayon at ang ginawa niya! Ang kapal ng mukha niya! I can’t get over what he did! “Krisha, ang bobo mo! Bobo ka nga nga sa school pati ba naman sa ibang bagay? Ang bobo mo!” umiiyak kong ani habang sinasampal ang sarili. I’m so frustrated with myself right now! Galit ako sa sarili ko dahil ang tanga-tanga ko! “Krisha! Ano ba ang nangyayari sa ‘yo?” I questioned myself while crying hard. I’m literally ruining my life at ngayon ko lang naisip ang lahat! Ngayon ko lang naisip pagsisihan ang mga nagawa. I’m pregnant. That’s the fact right now. At hindi ako makapaniwala sa sarili dahil ngayon lang yata nag-sink in sa ‘kin ang lahat. Ang tunay na dapat kung unahin at harapin. Bakit ba ‘ko nakarating sa point na ‘to? I became too impulsive! Masyado akong nag-enjoy sa buhay na hindi ko namamalayang naging padalos-dalos na naman ako! But. . . did I really enjoy those things? Really Krisha? Isn’t it escape? Ayan! Sa pagtakas mo isang bagong problema na naman ang haharapin mo! Paano na ‘to ngayon? I’m just sixteen and I still can’t manage to spend for myself. . . yet, I’m pregnant. Totoong buntis ako, hindi ako nananaginip! Paano na ‘to ngayon? Ano’ng gagawin ko sa batang ‘to? H-hindi ko siya maaalagaan, wala akong ipapakain sa kanya! Ano na ang mangyayari sa ‘kin? Nag-aaral pa lang ako! I slapped myself again because of the frustration and this stupid over thinking. I’m hurting myself ‘cause I’m punishing her. I hate her! Sana hindi na lang ako naging ako ngayon! Kung pwede nga lang humiling na takasan ang buhay na ‘to ay ginawa ko na! Pwedeng humiling pero alam kong hindi mangyayari! Edi sana hindi ka nagpakasarap kung ayaw mo pala sa ganito! Umiyak ako, sinaktan ang sarili, hanggang sa napagod at muling nakatulog. Wala pa yata sa isang oras ang tulog ko nang muli akong magising. Nahihilo ako at pakiramdam ko ay babaliktad ang aking sikmura. Isang beses akong naduwal, sapo-sapo ang aking bibig ay tumakbo ako palabas ng kwarto para sumuka sa banyo. Hawak ang aking buhok para hindi masukahan, naiiyak ang mga mata ko sa hapdi ng tiyan at lalamunan ko. I barely eat last night tapos ngayon lahat ng kinain ko ay sinuka ko lang. Kulang na lang pati internal organs ay ilabas ko para lang matapos na ‘to! Ni hindi ko masuka ang sermon at nga panunumbat ni Lola! “K-krisha, ayos ka lang?” Dinaluhan ako ni Lola at hinimas-himas aking likod. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata kaya agad akong na-guilty. Pakiramdam ko sa mga nagdaang araw ay ngayon lang ako nakaramdam ng hiya, sakit, galit, at pagsisisi. Kanina lang nag-sink in sa ‘kin lahat ng katangahan ko sa buhay. “Umupo ka muna, mag-iinit lang ako ng tubig saka bibili ako ng biscuit sa tindahan. ‘Yon muna ang kainin mo habang hindi pa luto ang kanin,” deri-deritsong aniya. Nahihimigan ko ang panick sa kanya. Tumango lang ako bilang sagot, masakit at nanghihina ang katawan ko. Dagdagan pa ng ulo dahil sa kaiiyak kanina. Uminom ako ng tubig at halos sukuan ko ang isang baso sa gaspang ng lalamunan ko. I felt like a dang trash right now! I’m probably the ugliest person at this hour, the dumbest also. Kinakaawaan ko ang sarili. Pinalis ko ang luha nang marinig na nandyan na si Lola mula sa tindahan. Pinakain niya ‘ko ng crackers habang nagbibilin na dapat ay alagaan ko ang sarili ko. Marami siyang sinabi ngunit iyon lang ang tumatak. Puros tango lang ang ginawa ko, ayaw kong magsalita dahil alam kong sa oras na gawin ko ‘yon ay mababasag ang boses ko. Gusto kong magpahinga at matulog na lang sa buong araw dahil sa nangyaring pagsusuka. Kaya lang ay nakapagpasya na ‘ko kanina nang gagawin sa araw na ‘to. Huminga ako nang malalim at pilit na tinapangan ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD