CHAPTER 07 Fight

1709 Words
CHAPTER 07 “K-krisha, a-ano’ng ginagawa mo rito?” Gulat na gulat ang mukha ni Emily. Tila nawalan ng dugo ang mukha niya sa pamumutla, nangangatal ang mga kamay niya at feeling pa-inosente ang itsura niya ngayon. May balak pa yata ang babaeng ‘to na gawin akong tanga. “N-nand’yan ka pala?” Pagak siyang natawa sabay ayos ng buhok niyang nagulo sa kababalaghan nilang ginagawa. Kumuyom ang kamao ko. Tumaas ang dibdib ko at pakiramdam ko ay makakapatay ako ng tao ngayon sa galit! Ang kapal ng mga mukha nila! “Huwag mo nga akong gawing tanga!” sigaw ko. Hindi ko na mapigilan ang galit, tuloyan na yatang nag-sink in sa ‘kin ang nakita. I trusted these two person but they betrayed me! Binalingan ko si Glen at naabutan ko ang pagpikit niya ng mata at paghilot sa kanyang sentido. “Krisha, nakita mo na kaya. . .” “Oo, Glen! Nakita ko kaya ano?” galit kong ani. Pakiramdam ko ay hihimatatin ako sa sobrang galit! I am being betrayed by a friend and a boyfriend! Just wow! Wala na bang ikasasama ang araw na ‘to? “Krisha, you don’t understand,” malamig na aniya. Umawang naman ang labi ko, hindi makapaniwala. “Porquet naka-English ka you don’t understand agad? Ano’ng akala mo sa ‘kin Glen bobo? Ano ang hindi ko maintindihan sa nakita ko? Tell me!” Tumaas na ang boses ko sa galit. “Krisha, huwag kang gumawa ng gulo.” Sumingit si Emily kaya muli ko siyang binalingan. “Oh, talaga?” sarkastiko kong ani. Ang kapal naman talaga ng mukha niya na pagsabihan ako ng ganyan. Siya itong gumagawa ng gulo hindi ako! “Bakit? Nahihiya ka sa gulong mangyayari o natatakot ka? Ngayon ka pa talaga tinablan niyan pagkatapos ng naabutan ko ngayon? Just wow Emily!” Muntik ko na siyang palakpakan sa pagkakamangha. Iba na talaga malalandi sa panahon ngayon, ang tatapang na! “Krisha,” si Glen kaya muli ko siyang binalingan. “Ano? Ano na ngayon Glen?” hamon ko sa kanya. Bumuntonghininga siya nang malalim at nag-iwas ng tingin. “Mag-break na tayo.” Saglit na natahimik ang utak ko sa narinig. Unti-unti ay namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata ko, hindi dahil sa sakit kung hindi dahil sa galit! Pakiramdam ko ay nanginig ang kalamnan ko sa narinig mula sa kanya. I scoffed, sinusubukan kong ikalma ang sarili dahil gustong-gusto ko na siyang banatan. Ang kapal din naman ng mukha niya! Mas lalo lang tumindi ang galit ko. I stepped forward, nakakuyom pa rin ang mga kamao ko. Gusto kong sampalin si Glen pero nanghihina pa ‘ko sa kakapalan ng mukha niya. “Krisha, nagbago na ang nararamdaman ni Glen.” Natigilan ako sa paghakbang palapit kay Glen nang magsalita na naman si Emily kaya siya ang binalingan ko. “Hindi na ikaw ‘yung g-gusto niya kaya sana hayaan mo na siya. Saka isa pa, hindi ka n-naman talaga seryoso sa kanya hindi ba?” “Ah, kaya naisip mo may karapatan kang manuklaw ng boyfriend ng iba?” sarkastiko kong sagot. Her eyes widened at what I said. “Hindi mo alam ang sinasabi mo! Mahal ako ni Glen kaya ako ang pinipili niya ngayon. Kaya nakikipag-break na siya ngayon ‘di ba?” “Alam mo ikaw? Hindi ko alam saan mo nilagay ang utak mo ngayon, eh? Nakakabobo ka kausap.” “Krisha, tama na ‘yan.” Nagsalita si Glen kaya siya naman ang binalingan ko. Nasa gitna na ‘ko nilang dalawa. I can’t believe what’s happening right now. I don’t usually fought for stupid boys, bago pa man nila ako masaktan ay nauuna na ‘kong manakit. Wala pa ‘kong ipinaglaban na lalaki sa kabit. And I still won’t do that right now. Ngunit may iba sa sitwasyon. Si Glen, may kailangan siyang panindigan sa ‘kin. “Isa ka pa! Maghahanap ka na rin lang ng iba, doon pa sa mahina ang utak at mukhang paa!” Dinuro ko siya. “Anong sinabi mo?” Hindi na maipinta ang mukha ni Emily. Tumawa ako para mas lalo siyang insultohin. “Ang totoo! Iyon ang sinasabi ko.” ”Ang kapal din ng mukha mo Krisha. Akala mo kung sino ka! Sa pagkakaalam ko mas malandi ka pa sa ‘kin, halata naman sa numero ng mga exes mo.” Tuluyan na ‘kong natawa. “Aminado akong malandi ako, eh ikaw? Hindi ka malandi dahil mang-aagaw, ahas at higad ka! Alamin mo ang pagkakaiba ng mga ‘yon.” “Walang hiya ka!” sigaw niya sa ‘kin. Sa itsura niya ay mukhang handa na siyang sabunutan ako. Sige! Gawin niya, akala niya ay aatras ako sa kanya? Pwes hindi! “Mas ka!” Lumapit siya sa ‘kin at agad na sinabunutan ang buhok ko. Agad ko ring hinawakan ang buhok niya at nanggigigil na hinila ang buhok niya. Hinila ko nang malakas ang buhok niya kaya napasigaw siya at napahiga sa lupa. Kinuha ko ang pagkakataon na ‘yon para pumatong sa kanya at mas sabunutan pa siya. Hindi niya pa rin binibitiwan ang buhok ko kaya ipinagpatuloy ko ang pagsabunot sa kanya. “Walang hiya kang babae ka! Akala ko kaibigan ka traydor ka pala!” sigaw ko. “Mas malandi ka! Aray ko!” “Bagay lang sa ‘yo ‘to!” Nakakuha ng lakas si Emily na itulak ako at makabangon. Sa isang iglap ay siya naman itong nakapatong sa ‘kin. I tried to pull her hair kaya lang ay bigla akong nahirapan. Gamit ang isa niyang kamay ay tinangal niya ang pagkakahawak ko sa kanyang buhok. Nang mabitiwan ko siya ay ginamit ko ang braso panangga sa mga sampal niya sa ‘kin. Nasasaktan na ‘ko kaya paulit-ulit ang ginawa kong sigaw. “Tama na ‘yan, Emily! Tigilan mo na ‘yan!” Narinig ko si Glen ngunit hindi ko makita ang ginagawa niyang pag-awat sa ‘min. Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko kaya napasigaw ulit ako. “T-tama na! Tigilan mo na ‘ko Emily!” naiiyak kong ani. Nanghihina ang buo kong katawan. “Hindi! Ang kapal ng mukha mo bagay lang ‘to sa ‘yo!” “Tama na Emily! Nasasaktan na ‘ko!” pakiusap ko sa kanya ngunit ipinagpatuloy niya ang ginagawang pagsampal at sabunot sa ‘kin. Doon ko lang naalala ang sitwasyon ko. Kung bakit ako pumunta rito ngayon at kung ano ang meron sa sinapupunan ko. Pinangunahan ako ng galit sa nakita na nakalimutan kong may dinadala ako ngayon. Nakalimutan ko ang mas malaking problema na kinakaharap dahil sa mga walang hiya na ‘to. Napahagulhol ako ng iyak, sa pagkakataong ‘yon ay para akong mababaliw. “Emily sabing tama na, eh!” “Bitiwan mo ‘ko Glen!” “T-tama na! Tama na please!” umiiyak kong ani habang sinusubukang ipagtanggol ang sarili. “Pakiusap!” “Anong tama na? Pagkatapos ng mga sinabi mo sa ‘kin sasabihin mong tama na—” “Buntis ako! Buntis ako Emily!” sigaw ko. It felt like it’s my last straw para tigilan niya na ‘ko. At ginawa niya nga. Nang makakuha ng pagkakataon ay agad akong tumayo at lumayo sa kanya. Mahapdi ang katawan ko sa mga kalmot ngunit binalewala ko iyon upang ipagpatuloy ang sasabihin. “Buntis ako Glen!” matapang kong sabi sa kanya. Gulat siya at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Ganun din si Emily. “Pumunta ako para sabihin sa ‘yo na may laman ang tiyan ko!” “Hindi ‘yan totoo, b-buntis ka?” si Emily. “Wala ka sa posisyon para magtanong dahil hindi ka kasali rito,” sigaw ko kay Emily bago muling bumaling kay Glen. “Ano? Pipiliin mo pa rin ba ang babaeng ‘yan? Hindi ako manglilimos ng pagmamahal mo pero gusto kong malaman mo na may responsibilidad ka sa ‘kin. Kaya magdesisyon ka ngayon Glen!” Wala akong paki sa kanya, kaya ko nang mag-isa. . . kakayanin ko. Pero bibigyan ko siya ng pagkakataon dahil. . . umaasa ako. Nilapitan ko ang nakatulalang si Glen at bahagyang tinulak. “Ano na?” I said impatiently to him. Lumapat ang mga mata niya sa tiyan ko. Ano? Akala niya may makikita na siya? “S-sigurado ka bang akin ‘yan?” Nahulog ang panga ko sa sinabi niya. Walang pagdadalawang-isip na sinampal ko ang pagmumukha niya. “Ang kapal din naman ng mukha mong tanungin sa ‘kin ‘yan,” hindi makapaniwala kong ani. Tumawa siya at hinawakan ang baba. “Alam natin ang background mo Krisha, huwag kang magmalinis dito dahil—” Muli ko siyang sinampal dahil hindi ko kaya ang sinasabi niya. “Hindi ako nagmamalinis Glen, ang kapal naman ng mukha mong magsabi niyan gayung ikaw ‘tong nakita kong may kalandian na iba ngayon? Magsama kayo sa impyerno!” Tinulak ko siya pagkatapos ay tumakbo na ‘ko paalis. I felt defeated right now. Kumuyom ang kamao ko habang patuloy na tumatakbo, ni hindi ko alam saan ako tutungo. Nang tumulo ang luha ko ay agad ko itong pinalis. Kaya lang. . . pasaway sila at sunod-sunod agad ang mga patay. Ayaw nang magpaawat. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Napakarami kong iniisip na hindi ko na alam ano ang uunahin. Nang mapagod kakatakbo ay naupo ako, hindi ko alam nasaan na ‘ko basta ang alam ko lang ay nasa masikip at hindi matao akong eskinita. I cried my heart out. Iniyakan ko ang nalaman ngayon at ang mga nangyari kanina. Nasa akin nga ang huling salita pero ang mga pang-iinsulto nila sa ‘kin ay nanatili. Mga wala silang hiya! Naisip ko ang mga mapanghusga nilang mata, how Glen’s eyes were painted with unjust judgement about me. Hindi ako makapaniwala! Patuloy ang pag-iyak ko hanggang sa maramdaman kong may lumalapit. Nakita ko ang anino niya sa ‘king paanan. “K-krisha? Krisha ikaw ba ‘yan?” Saglit akong hindi gumalaw, nang iangat ko ang tingin ay sumalubong sa ‘kin ang inosenting mata ng isa kong kaklase. Si Freya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD