CHAPTER 06.2 Positive

1012 Words
“Hindi mo alam ano ‘tong pinasok mo! Hindi mo alam ano’ng mangyayari sa ‘yo dahil sa kagagahan mong ‘yan! Ikawng bata ka!” punong-puno na aniya. Kulang na lang ay lumuhod siya para magmakaawa na hindi nangyayari ang lahat ng ‘to. Ako? Gulat at nananatiling walang pumapasok sa utak. Hindi ko alam ano’ng gagawin ko, wala akong maisip na tamang gawin. Siguro nga, nababaliw na ‘ko! Tama si Lola, wala akong alam kaya. . . paano na? “Bakit kailangan mong ulitin ang pagkakamali ng ina mo!” umiiyak niyang sigaw. There, that thing only added to my pain right now. Tumayo ako at walang paki na pumasok sa ‘king kwarto. Tinawag pa ‘ko ni Lola pero nagkulong na ‘ko. Buong araw lang akong nakahilata sa kama at nakatulala sa kisame. Hanggang ngayon ay wala pa ring pumapasok sa utak ko. Alas kwatro nang magpasya akong e-text si Glen para makipagkita. Uwian na ngayong oras. Wala man lang siyang text sa ‘kin ngayong araw. Hindi ko na napansin dahil masyado akong okupado sa kinakaharap. Hindi niya ba napansin na absent ako? Ibig sabihin hindi niya ‘ko sinilip sa room? Siguro ay wala siyang pake. Tss. Tinanong ko siya kung nasaan siya sa text. Ang sagot niya sa ‘kin ay sa computer shop malapit sa campus namin. Tumango ako at nag-ayos. Bumuntonghininga ako at hinanda ang sarili. Hindi nakakatuwa ang mga nangyayari kaya hindi ko na inabala ang sarili na ngumiti. Hindi pwedeng walang kolorete ang mukha ko ngayon lalo na’t mahalaga ang sasabihin ko. Dapat maganda ako sa paningin niya para naman maisip niya bakit namin ‘yon ginawa. Sa oras na talikuran niya ‘ko at ang dinadala ko. . . hindi ko alam ano’ng magagawa ko. Ang kapal din naman ng mukha niya kung ganun. I know how shallow our love for each other. I can say it’s love but it’s shallow. We’re only sixteen and I don’t take serious relationship. Serious to the point na iisipin kong pang matagalan na ang relasyon namin. At some point, I know that the both of us were only playing. Nagpapadala lang kami sa pagiging bata. Masyadong nagpapadalos-dalos. That is why I’m having doubts about him right now. I don’t know how is he going to react to this. For sure, hindi niya magugustohan. Lumabas ako ng kwarto at nanginginig ang kamay na pinulot ang pregnancy test na itinapon ko kanina. Nagbihis ako ng maikling floral dress at kulay itim na sandals. Hinayaan ko ang mahaba at kulot na buhok sa pagkakalugay. Nang makitang maayos na ang itsura ko ay agad na ‘kong lumabas. Bumungad sa ‘kin ang nakatulalang si Lola sa hapag. Agad na umangat ang tingin niya sa ‘kin nang makita ako. “Saan ka pupunta?” malamig na tanong niya sa ‘kin paglabas ko. “Pupuntahan ko ang boyfriend ko. Ipapaalam ko sa kanya ito.” Humigpit ang hawak ko sa dalang shoulder bag. Sa loob nito nakalagay ang ebedinsya sa sasabihin ko kay Glen. She scoffed. “Anong akala mo sa lahat madali? Hindi ka man lang ba tinataasan ng balahibo ngayon Krisha? Krisha!” sigaw niya sa ‘kin nang nilayasan ko siya sa gitna ng sermon. She’s trying to knock some of my senses, hindi ko nga lang alam sa ngayon kailan ‘yon mangyayari. Wala akong pake kung matutuwa si Glen o hindi sa sasabihin ko sa kanya ngayon. Isa lang ang mahalaga. Buhay ‘to kaya dapat ay panagutan niya. Pareho naming ginusto ang nangyari kaya hindi pwedeng ako lang ang magdusa. Sumakay ako ng jeep papuntang campus. Mabilis lang ang biyahe ngunit nakaramdam ako ng hilo, tinanong pa nga ‘ko ng isang Ale kung ayos lang ako. “High School ka pa lang pala?” tanong niya nang marinig ang sinabi ko sa driver kung saan ako bababa. “Opo,” tipid kong sagot, hindi na ako nag-abalang ngumiti pa. “Ang matured mo na manamit at mag-ayos. Hindi halata.” Tumahimik lang ako at hindi na sumagot. Nang makababa sa campus ay agad akong naglakad papuntang eskinita kung nasaan ang computer shop. Marami pang mga students ang lumalabas sa school, ang iba ay kakilala at classmates ko pa. “Uy, Krisha ba’t ka absent?” Napairap ako nang salubongin ni Alfredo ng ganun sa pinto ng com shop. Sa labi niya ay mayroong multo ng ngiti. Classmate ko siya at isa sa may mga crush sa ‘kin. “Wala ako sa mood sumagot, nasaan si Glen nakapwesto?” tanong ko. Sigurado na nandito ang boyfriend sa loob. Sinuyod ko ng tingin ang helira ng mga unit habang hinihintay ang sagot ni Alfred. “Si, Glen? Naku! Pumunta roon sa likod.” Hindi pa ‘ko tapos sa pagsuyod sa loob nang muling dumapo ang tingin ko sa lalaking nasa harap. “Sa likod?” kunot-noo kong ani. Hindi ko alam kung jino-joke time ba ‘ko ng lalaking ‘to ngayon dahil kung oo ay sasapakin ko talaga siya. “Oo, kalalabas lang.” Tinitigan ko si Alfred. Ayaw kong maniwala sa kanya kaya Ibinalik ko ang tingin sa loob, nang makitang wala nga ang hinahanap ko ay bumuntonghininga ako at pinuntahan ang tinutukoy ni Alfred. Ayaw kong maniwala dahil alam ko ano ang mga kaganapan sa likod ng computer shop na ‘to. Matapang akong naglakad, medyo nauubosan na ng kaoting pasensya. Nawala ang expression sa mga mata ko nang makitang nasa likod nga si Glen. Pakiramdam ko ay tinaponan ng malamig na tubig ang sikmura ko nang madatnan ang ginagawa nila. Nasinghap ko ang hininga at agad na kumuyom ang mga kamao ko. Pinanood ko silang gawin ‘yon. Kung umasta sila ay tila ba mga hayop na uhaw na uhaw sa desyerto. “Masaya ba kayo?” tanong ko nang hindi na makayanan ang panonood. “Oh, my gosh!” Agad na nanlaki ang mga mata ni Emily. Mabilis pa sa palaka na nakatalon siya galing sa pagkakaupo sa benti ni Glen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD