CHAPTER 03
Krisha Fyel Reyes
High School is fun! Lalo na kapag bida ka sa lahat ng bagay.
“Bhe, may ibang shade ka ng liptint d’yan?” tanong ko habang sinusuklay ang mahabang buhok sa harap ng salamin. Sobrang haba na nito at baka next month ay ipaputol ko na.
“Meron ako rito sugar dolls. Itong pretzel heart na shade, kaso hindi bagay sa ‘yo. Masyadong dark, eh.”
Tumigil ako sa ginagawa at inabot ang pinakita niyang liptint. Binuksan ko ang takip at pinahid sa kamay para tingnan ang shade. Dark nga.
“‘Di bale, mas maganda ito.” After putting on the tint, I blend it using my lips. Bumagay naman siya sa akin at sa mahaba kong buhok na naka-half ponytail. Kinuha ko ang cellphone at agad na nag-mirror selfie.
“Hoy, mag-flash naman kayo ng C.R! Ang baho, eh!” reklamo ni Zole, kaklase ko. Umirap lang ako at hindi na siya pinansin. Tinalo niya pa ang President namin, masyado siyang pabida.
“Let me just remind you guys na hindi make-up room ang banyo natin,” aniya pa bago umalis.
“Ang feeling talaga,” bulong-bulong ng kaibigan kong si Emily.
“Hayaan mo na, papansin lang ‘yon.” Sinilid ko ang cellphone sa skirt at inayos ang suot na blouse. Masyadong mahaba ang palda ko kaya itinaas ko. Nilagyan ko na lang ng perdible para hindi mahulog.
“Hoy, alam mo na ba ‘yung chika?”
“What’s the tea?”
“Tungkol kay, Claudine? Hindi raw siya nakasali sa honor students ngayong grading.” Ngumiwi ako.
“Baka nakakalimutan mong kaklase ko si Ms. Perfectionist?”
“Oo nga, ‘no?” Tumingala siya at saglit na nag-isip. “Ito alam mo?”
“Ang alin?”
“Wala na talagang chance na magkabalikan sina, Claudine. May bagong girlfriend si Kelvin.”
“That explains it.” Napatango ako, naalala ko ang nangyari kanina.
“Claudine, what happened to you?” Nagmo-moment kami ni Glen sa abandonadong classroom nang bigla na lang may tumakbo at umiyak sa kabila.
“Hayaan mo na ‘yan!” ani Glen na sinubukan pa akong hagilapin sa braso at halikan sa pisngi.
“Saglit lang, eh!” Tumayo ako mula sa pagkakakandung sa kanya at sumilip sa butas na pader.
Nakita ko si Claudine na umiiyak. Feel na feel niya ang moment at may patanong-tanong pa siya sa sarili.
“Ano ba ‘yan, ang drama!” inis kong asik matapos siyang panoorin. Disturbo siya masyado.
Tumigil siya sa pag-iyak pagkatapos ay nagpalinga-linga upang hanapin saan nanggaling ang boses ko. Hindi niya ako nakita dahil maliit lang ang butas kung saan ko siya pinapanood. She wiped her tears, isang beses pa siyang tumingin sa paligid bago tumakbo paalis.
“‘Di ba ex mo rin si Kelvin?” tanong ni Emily. Iyon lang ang narinig ko sa mga dinaldal niya.
“Oo,” proud kong sagot. Aba siyempre! Kung gano’n kaguwapo ang ex mo, dapat ka talaga maging proud. “Pero matagal na ‘yon, Grade Seven pa lang yata tayo?”
Kelvin is a known varsity player in our school. Guwapo kaya marami talaga ang nahuhulog na panty dahil sa kanya. Isama niyo na ako.
Crush ko siya rati, ni-crush back niya ako kaya naging kami. Pangit niya nga lang maging boyfriend, hindi marunong.
“Taray! Daming ex, ah? Pang-ilan siya?” I shrugged my shoulders while fixing my stuff.
“Ewan ko. Hindi ko na mabilang,” I answered. Lumabas kaming dalawa ng C.R.
“Hindi ka ba susunduin ni Glen? tanong niya nang magsimula kaming maglakad sa hallway.
“Hindi na, nagkita na kami kanina.” Napangisi ako nang maalala ang ginawa namin sa abandonadong classroom.
“Naku! Ilang months na nga kayo? Three, ‘di ba? Dati walang mintis sa pagsundo sa ‘yo ‘yon. Dapat yata bantayan mo na ang boyfriend mo.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Come on, Emily! Hindi ko naman pagmamay-ari ng buo ang boyfriend ko, ‘no? May buhay siya at may buhay rin ako.”
“Krisha! Ganda natin ngayon, ah?” Ngumisi sa ‘kin ang isang lalaki na taga-kabilang section. Kita ko ang pagpasada niya ng tingin sa ‘kin mula ulo hanggang paa kaya nainis agad ako.
“Hm? Pangit mo pa rin hanggang ngayon, ah?” pabalang kong sagot. Nagtutumpukan sila at mukhang may binubully na naman.
Tama nga ang hinala ko nang makita si Jette, kaklase ko at kilala talagang basagulero. And as usual, si Leo na naman ang puntirya nila.
“Hay! Nakakatakot mabully ng grupo nila.” Umiling ang kaibigan ko.
Uwian na kaya nagkalat ang mga tao sa hallway. Nag-aya pang gumala sa ‘kin si Emily kaya lang ay tinanggihan ko na. Wala naman akong gaanong ginawa sa araw na ‘to pero nakakapagod. Gusto ko na lang humilata sa kama pagdating ng bahay.
“Lola, nandito na po ako!” bati ko pagdating sa bahay namin. Yumuko ako para hindi niya makita ang make-up ko pero hindi pa rin nakatakas.
“Ano ba ‘yang labi mo? Kinagat ng aso? Bakit ang pula niyan?” Umirap ako at nagkamot ng ulo.
“’La, uso na po ngayon ang liptint. Sige na po, pasok na ako sa kuwarto at may gagawin pa akong assignment,” dahilan ko para wala na siyang ibang masabi sa ‘kin.
Bata pa lang ako nang-iwan ako ni Mama kay Lola. Hindi ko alam kung nasaan ang ama ko kaya lumaki ako sa poder ni Lola. Ayos lang naman, mahirap ang buhay pero nakakaluwag din naman. Malaking tulong na dalawa lang kami ang nasa bahay.
Hinagis ko ang shoulder bag sa study table na hindi ko naman ginagamit. Tambak lang ito ng mga kung ano-anong abubut at basura.
Humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone. Unang bumungad sa ‘kin ay ang mensahe ni Glen, nagtatanong kung nakauwi na raw ba ako.
Glen is handsome, he’s got bad boy look kaya nagustuhan ko siya. Transfery siya sa school namin. Dahil friendly akong tao, mabilis ko siyang naging kaibigan that eventually turns into kaibigan. Three months na kami at so far, maayos naman ang relasyon naming dalawa.
“Krisha, kakain na!” sigaw ni Lola mula sa labas. Tinatamad kong hinagis ang cellphone sa kama bago tumayo. Kaya lang ay bigla akong nahilo, napaupo ako at napahawak sa sentido. Nang mawala ang hilo ko ay saka lang ako tumayo. Kaka-cellphone ko lang siguro ‘to.
Nagpalit muna ako ng damit-pambahay bago lumabas. Sa kusina ay naabutan ko si Lola na hinihintay ako sa hapag.
“Ano pong ulam?” tanong ko pag-upo.
“Paksiw na isda, ‘di ba paborito mo ‘yan?” Ngumuso ako at nginiwian siya. Lagi niya na lang akong pinupurga ng paksiw.
Nagsandok ako ng kanin bago kumuha ng ulam. Masarap naman talaga ang paksiw ni Lola kaya lang ay araw-araw ko na yata ‘tong ulam.
Isusubo ko na sana ang pagkain sa kutsara nang matigilan ako. Nanuot sa ilong ko ang malansang amoy ng isda. Parang pinilipit ang tiyan ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili na maduwal.
Tumayo ako at patakbong pumunta sa sink namin. Hindi ko pa nga nakain ang pagkain ay nasusuka na ako. Maluha-luha na angg mata ko kakaduwal nang tumigil ako.
“Ano ba ‘yan, La! Panis ‘yong paksiw, eh!” naiirita kong reklamo. Nakakunot-noo namang tumayo si Lola.
“Anong panis? Kanina ko lang ‘yan niluto.”
Para akong tinanggalan ng kaluluwa nang maisip ko ang isang bagay. Hindi, hindi puwede.