CHAPTER 04 The Helpless

2042 Words
CHAPTER 04 Freya Roqueza It’s not fair! How people easily point a finger on me just because I did it before. Hindi ba pwedeng magbago? Hindi ba pwedeng magsisi? Hindi ba pwedeng mangako na hindi na uulitin ‘yon? Kung ano ba ang pagkakamali ko, ganun na kaagad akong klase ng tao? Ginusto ko ba ‘yon? Hindi! It’s the situation who pushed me to do it. At totoong nagsisi na ‘ko sa nagawa. “Vena, nakita mo ba ang relo ko? Inilagay ko lang ‘yon sa bag pero biglang nawala.” Narinig ko ang hinaing ng isa kong kaklase, hindi ko gaano pinansin dahil abala ako sa pagbabasa ng notes. “What? Wala akong nakita na relo mo Clau, ‘yung Dior watch ba na ibinigay ng Daddy mo?” “Yes.” Napatingin ako sa likuran, tuluyan na silang binalingan. Kilala sila sa room namin na may mga kaya sa buhay. Halata naman, eh. Sa puti at linis ng kanilang uniporme at sa kintab ng kanilang mahahabang buhok. “Krisha, have you seen my watch?” Sinundan ko ng tingin si Claudine nang lapitan niya ang isa pa naming kaklase. Recess na kaya kaming apat na lang ang tao sa classroom namin. Natigilan naman si Krisha sa paglalagay niya ng liptint. Ibinaba niya ang hawak na salamin at matalim na tiningnan si Claudine. “Pinagbibintangan mo ba ‘ko?” “What? Of course not, nagtatanong lang ako,” depensa ni Claudine. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa ‘kin. “English-english ka pa d’yan, bakit ba ‘ko ang tinatanong mo? ang layo ng upuan natin sa isa’t isa. Burara ka lang, eh! Si, Freya ang tanungin mo, oh!” Agad na napaawang ang labi ko. Mabilis na bumaling sa ‘kin si Claudine. Halata sa mga mata niya na naiiyak na siya. Nanlalaki pa ang mga mata ko sa gulat, nagtama ang mata naming dalawa at hindi ko nagawa ang umiwas. “Tama, baka na sa ‘yo ang relo ni Claudine. Ikaw lang naman ang mahilig kumuha ng mga gamit, eh,” ani Vena nang makalapit kay Claudine. Agad na kumirot ang puso ko sa narinig, uminit ang sulok ng mga mata ko. Naiiyak kaagad ako. Dahan-dahan akong umiling, “Hindi ko alam ang sinasabi ninyo. Wala akong kinukuha.” “Eh, hindi ba ikaw rin ‘yung kumuha ng—” “Stop that, Vena. Masama ang mambintang,” ani Claudine sa kanya. Dumagundong ang puso ko sa kaba, ito na naman ba? Mauulit na naman ba? “Kilalang magnanakaw ‘yan, eh.” Sa ilalim ng upuan ay nakakuyom na ang kamao ko. Nanginginig ako ngunit sinusubukan kong kumalma, naninikip ang dibdib ko ngunit hindi ko iyon pinahalata. Umiling lang si Claudine saka umalis. Inirapan naman ako ni Vena bago siya sumunod sa kasama niya. Nang tingnan ko si Krisha ay nagkibit lang siya ng balikat sa ‘kin, umirap, sabay balik sa ginagawa sa harap ng compact mirror. Bumaling ako sa blackboard at tahimik na pinalis ang butil ng luha na tumulo. Bakit ba ako ang pinagbibintangan nila? Lagi na lang ganito, lagi ring ganito ang nararamdaman ko. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko, I pouted my lips trying to stop myself from crying. Tumayo ako at nagpasyang pumunta sa walang taong lugar. Hindi ako nag-snack kasi wala akong pera, balak ko sana ay mag-aral na lang sa classroom kaya lang ay may ganun na naman na nangyari. Nakakapagod. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. Napangiti na lang ako nang makita ang maaliwalas na langit sa field. Naglalakihan ang mga puting ulap. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit, ang mga kaklase ko ay naglalakad sa malayo— kasama ang mga kaibigan nila. Nagkwekwentuhan sila, nagkakatuwaan habang bitbit ang mga paborito nilang snacks. Nakakainggit, gusto ko rin ng ganyan. Kaya lang wala akong kaibigan at pera. Iniwas ko na lang at tingin at tumitig sa sapatos kong sira-sira na. Tipid akong ngumiti bago muling tumingala sa langit. Sa susunod na araw ay card giving na. Kamusta kaya ang grades ko? Sana naman ayos lang. Kahit mag-average lang ako ng eighty-five ayos na sa ‘kin. Ang importante ay naipasa ko ang grading na ‘to. Konti na lang, matatapos na ‘ko sa pag-aaral. Kung wala nga lang ang K-12 ay graduate na ‘ko sa taong ‘to. Pero pwede na rin, at least may skill akong malalaman sa dalawang taon ng Señior High. Sana lang ay makatulong kapag maghahanap na ‘ko ng trabaho. Gusto kong mag-college, pero alam kong mahirap. Kaya ko naman yata pero mahihirapan ako pagdating sa pinansyal at oras. Besides, iba ang dapat kong unahin. Nang maburyo katitingin sa ulap ay kinuha ko ang keypad na cellphone sa bulsa. Naglaro muna ako ng snake game roon bago bumalik sa room nang mag-ring ang bell, indication na tapos na ang recess. “Narinig n’yo ‘yon? May kinuha na naman daw si, Freya.” “Talaga? Ano na naman?” “‘Yung relo raw ni Claudine, may nakakita.” Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Agad kong binalingan ang dalawang babae na nag-uusap sa hallway. Nang bumaling ako ay agad silang umiwas ng tingin. Nagpapanggap na parang bago lang ay hindi ako ang pinag-uusapan nila. Nakakunot na ang noo ko habang nagpapatuloy sa paglalakad. Lahat sila ay napapatingin sa ‘kin, lahat sila ay binibigyan ako ng pamilyar na nang-aakusang mga tingin. Bawat hakbang ko papunta sa classroom namin ay bumibigat lalo ang dibdib ko. Ito na naman, ang pamilyar na bulongan at tinginan ng mga tao. Ilang beses na ‘tong nangyari kaya dapat ay masanay na ‘ko, pero hindi. Sa tuwing nangyayari ‘to ay lalo lang akong natatakot. Agad akong naupo sa upuan ko nang makapasok sa classroom namin. “Ayan na siya, hindi n‘yo kasi dapat iniiwan ang mga gamit ninyo!” Napaawang na lang ang labi ko nang marinig ang isang kaklase. Naupo ako sa upuan ko pero hindi pa rin siya tumitigil. Alam kong ako ang pinaparinggan niya. “Lagi pa naman ‘yang nandito sa tuwing recess, hindi ‘yan umaalis dapat next time dala na natin ang bag natin.” Hindi ako mahihiyang aminin na hindi ako umaalis sa tuwing recess kasi wala akong pera pambili sa canteen. Gusto kong sabihin ‘yon para ipagtangggol ang sarili ko. Kaya lang, ilang beses na ‘tong nangyari. At alam kong wala silang tenga at puso para makinig sa ‘kin. Nasasaktan ako sa tuwing nangyayari ‘to. Sino ba naman ang hindi? Nakakalungkot lang kasi kahit ano’ng gawin ko, hindi ko na mababago ang isip nila sa kung ano’ng tingin nila sa ‘kin. “Kahit naman sobrang hirap na ng buhay namin, hindi ako magnanakaw, ‘no! Nakakahiya sa mga magulang kong nagsisikap.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Gusto kong lumaban at ipagtanggol ang sarili at mga magulang pero alam kong maiiyak lang ako. Mahina ako sa ganito. Sigurado akong hindi pa ‘ko nakakapagsalita ay nag-aalpasan na ang mga luha ko. “Kaya nga, hindi ba sa convinience store ‘yon dati tapos nagsunod-sunod na? Hindi ba may sakit na tawag sa mga magnanakaw?” “Meron ‘yung—” Hindi ko na napigilan at napatayo na ‘ko. Hindi ko na kaya ang mga sinasabi nila na may sakit daw ako. “Pwede bang tumigil na kayo!” Napaawang ang labi nilang dalawa sa biglaan kong sigaw. Tama ako dahil madaling nabasag ang aking boses, pumiyok pa ‘ko sa huling salita na binitawan. “Hindi ako ang kumuha ng relo ni Claudine at mas lalong wala akong sakit!” Sa pagtatanggol sa sarili ay naiyak na lang ako. Wala akong ibang kaibigan kaya wala akong kakampi, gusto ko lang naman mag-aral at makapagtapos pero bakit ganito? Hirap na nga ako sa buhay bakit mas lalo pa ‘kong pinapahirapan ng mga tao sa paligid ko? “Talaga? Kung hindi ikaw, ipakita mo ang bag mo sa ‘min!” Nanlaki ang mga mata ko. “Sige! Tingnan ninyo ang bag ko.” Kung ito lang ang magbibigay ng seguridad sa kanila na hindi ko kinuha ang relo ni Claudine hahayaan ko sila, kompyansa akong wala akong kinuha kaya wala silang makikikita r’yan. Inirapan ako ng kaklase ko, naglakad siya palapit sa ‘kin at marahas na hinablot ang luma kong bag. Gusto kong magsalita nang makitang natanggal ang tinahi ko sa strap nito. “Pwede bang dahan-dahanin mo ang—” Napigilan ko ang paghinga nang basta niya na lang binuksan at tinaob ang bag ko. Dahil sa ginawa niya ay nalaglag ang dalawang notebook, papel, lapis at ballpen ko. . . kasama na roon ang hindi pamilyar na relo. Isang bagay na alam kong hindi ko pagmamay-ari. Namutla ako sa kinatatayuan, kung hindi lang ako nakahawak sa katabi kong upuan ay napaupo na ‘ko sa sahig. Lahat ng mga kaklase ko ay nakiki-isyuso na sa ‘min. Lahat sila ay nagsinghapan, tinitingnan ako na para bang gumawa ako ng isang napakalaking krimen. “Ano ‘to?” Pinulot niya ang relo at pinakita sa mga kaklase namin. “Claudine! Hey guys, nandito na si, Claudine!” Rinig kong sigaw ng isa ko pang kaklase, mas lalo akong kinabahan. Pinapalibutan nila ako at lahat sila ay binibigyan ako nang mapanghusgang mga tingin. “Claudine, sa ‘yo ‘tong relo hindi ba?” Napatingin ang babaeng maputi at singkit ang mga mata sa pinapakitang relo sa kanya. Lahat sila ay nag-aabang sa sasabihin niya, ako lang itong ayaw marinig ang magiging sagot niya. “Yes, that’s mine,” malamig na aniya. Tuluyan na ‘kong naiyak. Umiling ako, sinusubukang ipagtangggol ang sarili ngunit lahat sila ay hinuhusgahan na ‘ko. “Magnanakaw na nga sinungaling pa!” “Ew, magnanakaw.” “Nawala rin ‘yung kwentas ko last month, baka siya rin ang kumuha.” “H-hindi, hindi ako ang kumuha niyan!” Naiiyak akong umiling. “Ah, talaga? Ito na ang ebedinsya, oh! Maraming witness Freya tatanggi ka pa?” Tinulak niya ‘ko kaya bumunggo ang likuran ko sa kahoy na upuan. “H-hindi ko alam paano napunta d’yan ang relo. Hindi ko kinuha ‘yan!” Hindi ko na alam paano ipapaliwanag ang sarili. Naiiyak na ako at kinakabahan sa mga maaaring mangyari sa ‘kin. “Ah talaga!” Nanlalaki ang mga mata ni Vena nang lapitan niya ‘ko. Umiling ako ngunit nahawakan niya ‘ko sa braso at niyugyog na para bang may makukuha pa siya sa ‘kin na kung ano. “Wala nang maniniwala sa ‘yo Freya! Magnanakawa ka ‘yon ang totoo kaya huwag mo nang e-deny!” sigaw niya sa ‘kin sabay hablot sa ‘king blouse. Dahil sa rupok ng butones ko ay agad na may tumalsik. Nasasaktan ako sa ginawa niya kaya walang pag-aalinlangan ko siyang natulak. “Vena!” sigaw nilang lahat. Napalakas yata ang ginawa kong pagtulak dahil agad siyang napahandusay sa sahig. Kinabahan ako lalo na nang makita ang gulat at singhapan ng mga kaklase ko. “Freya ang kapal naman ng mukha mo! Ikaw pa ang may ganang manulak!” Dinaluhan ng mga kaklase ko si Vena at tinulungang tumayo. Galit na galit ang mga mata niyang nakatitig sa ‘kin. “Magsisinungaling ka pa talaga?” aniya nang makatayo ulit. Umiling ako habang inaayos ang nasirang blouse. Nagmamadali kong pinulot ang mga gamit ko. Nang matapos ay kinuha ko ang bag at tumakbo palayo roon. Paano napunta ang relo ni Claudine sa bag ko? H-hindi ko kinuha ‘yon, hindi talaga! Hindi ako magnanakaw, hindi totoo ang mga sinasabi nila! Pero paano nga? Paano napunta ‘yon sa bag ko? Isang beses lang nangyari ‘yon, isang beses lang at hindi ko na inulit. Habang tumatakbo ay nanginginig akong napatingin sa mga kamay ko. Baka nga tama sila? Baka nga may sakit talaga ako? Baka nga ako ang kumuha ng mga nawawalang gamit sa school namin? K-kasi, ‘yon ang nararamdaman ko ngayon. Parang may mga ala-alang nawala sa ‘kin. Baka nga ako? Napatigil ako sa pagtakbo nang bigla akong may mabangga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD