Cacia’s POV
Naiiyak ako, hindi ko alam kung bakit. Ang ganda kasi nang pagkakaayos sa akin nung makeup artist. Ang gara, ang ganda at sobrang kumikinang ang mahaba kong wedding gown. Para akong isang princessa sa isang palasyo dahil sa magarang gown na ito na sigurado akong milyon ang inabot nang pagpapatahi ni Zelan. Tapos, paglabas ko kanina sa villa, napanganga rin ako sa ganda ng ayos ng pagkakasalanan namin ni Zelan. Ang aesthetic ng combination ng lahat, pink at gray. Iyong mga upuan, lamesa, arko at iyong mga bulaklak. Fresh na fresh ang mga pink roses kaya kung titignan mo, para kang nasa isang magandang garden. Sobrang pinaggastusan ni Zelan ang kasal na ito. Ganitong kasal iyong pinapangarap kong mangyari, pero hindi sa ganitong pagkakataon. Ikakasal nga ako ng bongga ngayon pero sa taong hindi ko naman mahal at gusto.
“Napakaganda mo, anak,” sabi ni mama habang tinititigan ang itsura ko. Namumula ang mga mata niya nang tignan ko siya. Ngumiti naman ako kasi totoo ang sinasabi niya. Ibang-iba ang itsura ko ngayon dahil sa mga naging ayos sa akin nung magaling na make-up artist.
Tinignan ko naman si Kuya Casper. Ngumiti siya at saka tinapik ang balikat ko.
“Now I understand why you have many suitors. It’s only now that I’ve looked at you for a long time, you’re actually beautiful,” sabi niya sa unang pagkakataon. Kailanman kasi ay hindi pa niyan ako napuri. Lagi kasi kaming nag-aaway nung hindi pa ganito ang sitwasyon ngayon. Kung hindi pa pala ako maikakasal ng biglaan sa ibang lalaki ay hindi pa kami magiging ka-close ng ganito.
Nang ang kambal naman ang tignan ko, tameme lang sila. Taas-baba ang tingin nila sa akin. Halatang manghang-mangha sila sa suot at ayos ko ngayon.
“You’re like a queen, Ate Cacia,” Tony said.
“No, she’s more like a princess,” Toria corrected Tony.
“I can be both a queen and a princess, whatever suits me, so don’t argue about it,” sagot ko sa mga kambal kong kapatid.
“Oh, puwede palang pareho. Kahit ano naman, bagay kay ate kasi napakaganda niya kahit walang ayos,” sabi ni Tony kaya napangiti ako at saka ko sila niyakap.
Masaya ako kahit pa paano kasi binigyan pa ako nang pagkakataon ni Zelan na makasama ko sila dito sa kasal namin. Kung wala siguro sila tapos kinakasal kami ni Zelan ngayon, sobrang lungkot ko.
This kind of extravagant wedding is what some women dream of. Lavish reception, luxurious food, extravagant attire, and a grand location. Zelan spent millions here. He spent a huge amount of money just for this worthless wedding.
Ayos na ayos ang lahat, kaya lang biglaang kasal kasi talaga ito. Sudden marriage to someone I don’t know, don’t love, and don’t want. Halos wala akong kakilala dito, kung mayroon man pamilya ko lang. Hindi ko manlang tuloy na-invite mga kaibigan ko. Hindi ko rin naman gusto kasi nakakahiya. Tiyak na magugulat lang ang mga iyon kapag nalaman nilang kinasal na ako, tapos hindi manlang nila nabalitaang nagka-boyfriend ulit ako. Imbis na matuwa sila, baka pagtawanan pa nila ako.
Maya maya, nag-umpisa na ang wedding ceremony. We even had a famous singer as a guest. The song she sang was so touching that as I walked down the aisle they had set up here at the beach resort, I could feel goosebumps rising. This must be what it's like to walk amidst people during a wedding. But it would probably be even more tear-jerking if I were the one getting married and all the people close to my heart were witnesses.
Seryosong nakatingin si Zelan sa akin habang papalapit ako sa kaniya.
Habang naglalakad ako sa gitna ng mga taong bisita namin, titig na titig silang lahat sa akin. Kinikilala at kinikilatis siguro ako. Maganda at maayos ang pagkakaayos sa akin ng mga glam team ko kanina. Walang pangit sa naging ayos ko. Magagaling sila, kasi tiyak na mahal ang bayad sa kanila ni Zelan.
Masayang-masaya ang pamilya ni Zelan habang nakatingin sa aming dalawa, pamilya ko lang iyong parang sinukluban ng langit at lupa. Iisa ang nararamdaman naming lahat, pare-pareho kaming hindi masaya sa nangyayari ngayon. Alam kasi naming wala namang dapat na ikasaya sa biglaan na kasal na ito. Nakakaawa tuloy kami, kami lang kasi iyong parang may alam kung anong totoong nagaganap dito. Na hindi naman talaga pagmamahalan ang naging simula namin ni Zelan kaya kami kinasal, kundi dahil sa pagbili niya sa akin.
Nag-usap nga kami kagabi ni Kuya Casper, sinabi niya sa akin na sakaling may masama mang mangyari sa akin dahil sa kagagawan ni Zelan, tawagan ko lang daw siya. He secretly gave me a cellphone last night, so I was very happy. I will hide the cellphone carefully so that Zelan won’t see it.
Nung magtanong na ang pari kung may tutol ba sa kasal namin ni Zelan ay umaasa ako na may sasagot ng oo. Umaasa ako na dumating ang jowa ni Zelan para pigilan ang kasal na ito. Umaasa akong may mangyayaring aberya para hindi matuloy, kaya lang walang nangyaring ganoon. Tahimik ang lahat kaya natuloy ang kasal namin. Nakasuot ako ng belo kaya hindi halata ng lahat na tumutulo ang mga luha ko. Kung mayroon mang nakakaalam na umiiyak ako ay si Zelan lang.
“Please, Cacia, don’t make a scene here, stop crying,” he whispered when he heard me softly sobbing. Hindi ako sumagot. Hindi ko rin kasi mapigilan ang pag-iyak ko. Sinong hindi maiiyak sa ganitong sitwasyon.
“If you don’t stop crying there, I will send your family home early, do you want that?” he said, so I finally calmed down. I still wanted to be with them, so I just stopped crying.
Nakinig at sumagot na lang ako sa pari kapag may tanong ito. Bawal humindi at bawal pangit ang sagot. Napag-usapan na namin ito kanina ni Zelan.
Nang inanunsyo na ng pari na kasal na kami at puwede nang mag-kiss, humarap na kami sa isa’t isa ni Zelan. Tinaas na ni Zelan ang belo ko. Nakangiti siya. Ngiti na alam kong pakitang-tao lang. Sa totoo lang, napatitig ako sa mukha niya. Madalang kong makita na nakangiti siya. Ang guwapo niya kapag nakangiti, sobra. Para siyang anghel kung titignan, pero ang totoo, hindi talaga, kasi masama ang ugali niya.
He slowly brought his face closer to mine. Although I wanted to avoid it, I couldn't because... I also wanted to?
Pumikit na lang ako nang alam kong dadampi na ang mga labi niya sa mga labi ko. It felt like there were racing horses inside my chest when I felt Zelan’s soft lips on mine. It’s not my first time kissing a man, but why did I feel nervous in this moment? Is it because he’s handsome and I know many have a crush on him?
Sabi kasi ni Ate Pila, marami raw talagang babae ang nagkakadarapa sa kaniya. Na para sa akin naman ay kapani-paniwala dahil mala-artista ang mukha at datingan ni Zelan.
Palakpakan ang mga tao kaya dumilat na ako. Doon ko nakita na nakadilat pala siya habang naka-kiss sa labi ko. Nang dumilat ako, sakto naman na binaklas na niya ang mga labi niya sa labi ko.
He took my hands and then we walked amidst our guests. Pink rose petals rained down on Zelan and me. I looked at Zelan as we walked. He had a wide smile on his face, and there was laughter in his laughter now. Hindi ko alam kung bakit biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo ko sa eksena na ito. Lalong naging guwapo sa mga mata ko si Zelan habang masaya siyang tumatawa at tumatakbo habang hawak ang mga kamay ko. It seems like he’s genuinely happy. It seems like he’s genuinely happy to have married me. Why is that what I see?
**
Habang kumakain na ang lahat ng bisita, nandito kami ni Zelan sa may maliit na stage, magkatabi habang sabay din na kumakain. “Will we sleep beside each other later or will you sleep with your family tonight?” he asked, which surprised me.
“Zelan, earlier during our wedding, I felt like such a sinful person. We lied to God because we promised Him with words that aren’t true. This marriage feels fake to me. So why do you think I would want to sleep beside you?”
Binaba niya ang hawak niyang spoon at fork. Naiba ang timpla ng mukha niya.
“Fake? Okay, so this marriage is fake to you. Of all the women who married me, you’re the only one who isn’t thrilled and happy. So many dream of marrying me, so I can’t believe there’s no joy for you in the luck that has befallen you. Oo, masasabi kong suwerte ka kasi nabayaran ko na ang malaking utang ng ama mo, naikasal ka pa sa akin.” Hindi ata tama na naging honest ako sa kaniya. Mali ata ang nasabi ko. Pakiramdam ko ay galit na agad siya sa akin dahil sa mga sinabi ko.
“Zelan, hindi naman sa sinasabi kong hindi ako suwerte,” singit ko sa kaniya para maibsan agad ang galit niya, “oo, masaya ako na nabayaran mo ang lahat ng naging utang ng papa ko. Saka, guwapo ka, oo, suwerteng-suwerte ang magiging asawa ko, at ito na nga, naikasal na tayo, ako na iyong magiging asawa mo, pero, Zelan, may chance ba maging seryoso tayo sa isa’t isa?” tanong ko para rin malaman ko.
Tumawa siya. Tawa na kinagulat ko. “So, after you said that this marriage is fake to you, you still hope that we will be serious with each other? Cacia, you’re making me laugh. No one else can make me laugh, only you,” sabi pa niya habang napapailing.
“So, no? We won’t be serious? I really don’t understand why you even married me. Why you chose to be my spouse? You should have just made me a housemaid in your home. So at least, I could somehow pay off what you paid for my father’s debts. Because, this marriage, it’s one of my dreams in life. To marry the person I love and want,” pag-aamin ko sa kaniya. Hindi naman kami nadidinig ng mga bisita namin kaya puwede naman siguro na maging ma-drama ako sa kaniya.
“Iyon ba ang gusto mo, sige ba, pagbibigyan kita!” sagot naman niya kaya napangiti ako.
“So, ano, pakakawalan mo na ako? Ipapasawalang bisa mo na agad ba ang kasal natin?”
Kumunot ang noo niya. “H-ha? Anong pinagsasasabi mo? Hindi ba’t sinabi mo na dapat ay gawin na lang kita kasambahay ko para makabayad ka? Pagbibigyan kita, iyon ang ibig kong sabihin. Pero hindi ko isasawalang-bisa ang kasal natin. Kasal na tayo kaya habang buhay ka nang sa akin. Habang buhay mo na ring pagbabayaran ang utang ng ama mo.”
Napatayo tuloy ako. “Hindi, gawin mo na lang ako katulong mo tapos ipasawalang-bisa mo na lang ang kasal natin, ganoon na lang, Zelan, para magawa ko pa rin iyong mga pangarap kong mangyari sa buhay ko. Please, Zelan?”
Umiling siya. “I don’t want to, Cacia. When I say I don’t want to, I don’t want to, end of discussion!”
Tumayo na rin siya at saka ako nilayasan.
Napatingin ako sa pamilya ko. Nagtataka sila nakatingin sa akin. Tumayo tuloy si Kuya Casper para lapitan ako. “Ayos ka lang ba?” tanong niya. Tumango na lang ako kasi ayokong magkagulo. Kapag nagkagulo kasi ay lugi kami. Baka kung ano pang gawin ni Zelan sa kanila kaya mananahimik na lang muna ako.
“Ayos lang ako, magbabanyo lang daw siya kaya umalis,” pagsisinungaling ko sa kaniya.
“Akala ko kung ano nang nangyayari, sige, babalik na ako sa lamesa namin,” sagot niya kaya tumango na lang ako.
Ayokong mag-stay dito sa stage dahil nakatingin nang nakatingin sa akin ang mga bisita ni Zelan, umalis na rin ako doon at saka pumunta sa villa namin ng pamilya ko. Papasok na dapat ako sa loob ng villa namin nang bigla akong tawagin ni Zelan. Nagtaka ako kasi seryoso na ang itsura ng mukha niya ngayon. Malayong-malayo sa itsura niya kanina nung nasa harap kami ng mga bisita namin. Sa ganitong itsura niya, katatakutan mo siya kasi ang sabi nila, kapag seryoso na ang mukha nito at hindi na ngumingiti, malamang sa malamang ay badtrip na ito.
“B-bakit?” tanong ko naman agad paglapit ko sa kaniya.
“Sumunod ka sa akin sa loob ng villa ko,” sagot niya sabay-talikod sa akin.
“Zelan, hindi ba’t parang hahanapin ata tayo ng mga bisita? Bumalik na muna kaya tayo doon,” sabi ko naman sa kaniya para hindi kami matuloy na pumasok sa loob ng villa. I feel like something bad is going to happen.
“Puwede ba, Cacia, sumunod ka na lang sa akin. Kanina ka pa e, inis na inis na ako. Nagtitimpi lang din talaga ako, pero ngayong tayong dalawa na lang ang magkasama, hindi na puwede ‘yang kakulitan mo!”
Hinila niya ako papasok sa loob ng villa niya. Ni-lock niya rin ang pinto ng villa para walang makapasok dito. Sa puntong ito, takot na takot na rin talaga ako.
“Zelan, what are you going to do? I’m scared,” I said to him.
“Ano bang ginagawa ng mga bagong kasal? Siguro naman alam mo na ang ibig kong sabihin?” sagot niya habang nakangisi nang parang nakakaloko.
OMG! Magse-séx na ba agad kami? Oh no, I’m not ready yet.