Cacia’s POV “Akyat sa itaas,” utos niya saka ako tinulak ng mahina. Sa lakas ng boses niya ay sumunod naman agad ako. Ako ang nauunang naglalakad, habang siya naman ang nasa likuran. Habang naglalakad ako sa hagdan papunta sa itaas, pakiramdam ko ay matatalisod ako. Nag-uumpisa na kasing manginig ang mga tuhod ko. “D-dito ba?” turo ko sa masterbedroom. Hindi siya sumagot. Bigla na lang din ulit niya akong tinulak papasok sa loob. Nagulat ako dahil pagkapasok na pagkapasok sa loob ay nagtanggal na agad siya ng mga saplot. Ito ang unang beses na makita kong hubu’t hubad siya. Pero nakatalikod siya kaya hindi ko nakita iyong harap niya. Hindi ako makagalaw. Nakaupo ako ngayon sa kama habang siya ay nasa loob na ngayon ng banyo. Maliligo muna raw ulit siya. Kanina, bago siya pumasok sa ban

