Cacia’s POV Gabi at madalim na sa buong paligid. Tapos na rin kaming kumain ni Zelan. Ito ang unang gabi na matutulog kami dito sa island na hindi ko alam kung anong pangalan. “Wala manlang bang nilagay na mga ilaw dito sa paligid ng island? Masyadong nakakatakot kapag sobrang dilim. Ang kandila, iilang piraso lang. Mukhang hindi tatagal ng isang linggo,” sabi ni Zelan habang nasa labas pa kami ng kubo. Kumakain naman kaming dalawa ng chicharon ngayon na sinasawsaw sa suka. Humingi nga si Zelan kasi parang natatakam siya. Ayon, nang matikman niyang masarap ay sinaluhan na niya ako sa pagkain nitong chicharon. “Gagawa ako ng bonfire gamit ang mga kahoy na pinulot ko kanina. Pero dapat, bukas ikaw naman ang maghagilap iyon para kapag gumabi ulit, makakagawa ulit tayo ng ilaw dito gamit a

