Cacia’s POV Tubig ang gumising sa akin. Tubig na maalat. Pagdilat ng mga mata ko, malakas na sinag na araw ang nakita ko sa langit kaya napapikit ulit ako. Dahan-dahan akong bumangon. Nagtaka ako dahil basang-basa ang buong katawan ko, tapos… “Oh, my God! Nasaan ako?!” Napatayo ako bigla nang mapagtanto kong nasa beach ako. “B-bakit ako napunta dito? Tumingin ako sa buong paligid, nasa beach nga ba ako o nasa isang island? Tumingin-tingin pa ako sa ibang paligid. Walang tao, walang restuarant o kahit anumang malaking resort. Pero may isang kubo akong nakita na nakatayo malayo sa akin. Panaginip ba ito? Nagtatakbo ako papunta sa kubo. Pagdating doon, nakita kong nandito lahat ‘yung mga pinamili namin kanina sa mall. May nakita rin akong dalawang maleta dito. Buwisit, ano ba ito? Nanagin

