Cacia’s POV Natawa ako nang matikman ko ang pagkaing niluto ni Zelan. Ang alat nga ng manok tapos nasunog pa ang ilalim ng kanin. Pero kahit na palpak siya sa unang ginawa niya, natutuwa pa rin ako kasi kahit pa paano ay nagtiyaga siyang magluto ng pagkain. Saka, walang perfect na tao. Sa unang beses, talagang mahihirapan siya. “Huwag ka nang umarte, Cacia. Alam kong malala ang lasa niyang pagkaing ginawa ko kaya ka tahimik diyan,” sabi niya habang nakatambay sa labas ng kubo. Wala naman akong sinasabi, galit agad siya. “Actually, tama naman ang pagluluto mo ng kanin. Luto siyang maayos, nakalimutan mo lang hanguin sa apoy ang kaldero kaya nasunog ang ilalim. Sa manok naman na niluto mo, ayos din ang pagkakaluto ng karne, crispy ang balat, sadyang nasobrahan ka lang sa paglagay na pampa

