Cacia’s POV Tagaktak ang pawis sa katawan ni Zelan matapos maghakot ng mga tuyong kahoy at tuyong dahon. Hindi ko naman siya inutusan, kusa siyang nagsabi na kailangan na raw namin ng mga kahoy at tuyong dahon kasi malapit ng maagaw ang dilim. Ayaw niya talagang maging madalim ang buong isla kapag gabi na. Gusto niya, hangga’t hindi pa siya tulog, may nakikita pa siyang bonfire. Parang takot ata siya sa dilim. “Magpahinga ka muna, Zelan. Ayos na ‘yan, marami-rami ka nang nakuhang kahoy at dahon, aabot na siguro ‘yan hanggang sa bonfire sa hating-gabi,” sabi ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. Tumuloy siya sa lamesa para uminom ng malamig na tubig. Mabuti na lang at may solar fridge kami dito, kung wala, wala, mauumay kami sa tubig na hindi malamig. Ako, sanay naman, kaya lang kung minsan

