SSP 1

1376 Words
Cacia’s POV Walang lingon-lingon, walang ba-bye at walang yakapan. Ganoon ang nangyari nang sunduin na ako ng isang lalaking tauhan nung mapapangasawa ko. Hindi ata magandang sabihin na mapapangasawa ko. Parang mas maganda atang sabihin na… sinundo na ako nung tauhan nung taong bumili sa akin. Kasi parang ganoon naman, e. Hindi ko masasabing kasal ang ganitong eksena. Para akong pinagbenta ng sarili kong ama. Awang-awa ako kay mama at saka mga kambal kong kapatid habang papalayo sa kanila. Si Kuya naman halatang naiiyak, tumalikod na lang siya nang makitang paalis na ako. Hindi ko rin naman tinago ang pag-iyak ko. Sino ba kasi ang hindi maiiyak sa ganitong pangyayari. Wala akong kaalam-alam na ganito ang mangyayari sa akin ngayong araw. Kahapon lang, masaya akong nag-shopping kasama ang mga kaibigan ko. Nag-sine pa kami at nagpa-massage ng katawan. Walang paglagyan ang mga tawa at saya ko kahapon habang kasama sila. Siguro, totoo nga na kapag sobrang saya mo kahapon, siya namang sobrang lala ng lungkot mo kinabukasan. Ganitong-ganito ako ngayon. Sinara na nung lalaki ang pinto ng sasakyan. Nakita ko na tumakbo ang kambal para habulin ako. Lalo tuloy akong humagulgol sa ganitong scene. Sa mga palabas ko lang nakikita ang ganitong eksena, hindi ko inaasahang nangyayari din pala ito sa totoong buhay at sa buhay ko pa talaga nangyari. Sumakay na sa driver seat ang lalaking sumundo sa akin. “Bawal iyakin, bawal makulit, bawal tanga, bawal matulog hanggang tanghali, bawal tamad, bawal bobo at bawal tumanggi sa lahat ng gusto o utos ni Sir Zelan. Lahat ng gusto niya ay dapat gawin at pagbigyan mo,” sabi ng lalaking sumundo sa akin. Nahinto tuloy ako sa pag-iyak at pag-e-emote dahil sa mga narinig ko sa kaniya. Parang hindi naman ata asawa ang hanap ng lalaking iyon. Parang alipin ata ang hanap niya, e. “Kuya, mabait po ba siya?” tanong ko tuloy. Baka kasi hindi. Ngayon palang ay natatakot na ako. Baka sadista ang lalaking mapapangasawa ko, este iyong lalaking bumili pala sa akin. “Mabait siya kapag okay ka. Kung wala namang problema sa iyo, wala kang dapat na ikatakot. Basta, tandaan mo lang ang mga sinabi kong bawal. Tandaan mo rin lalo na dapat sundin mo ang lahat ng gusto niya. Aba, Miss Cacia hindi biro ang malaking pera na pinakawalan niya para lang sa iyo. Ngayon, sa kaniya ka na, wala ng karapatan pa sa iyo ang pamilya o mga magulang mo. You are now owned by Sir Zelan,” paliwanag niya na lalong nagpalungkot sa nararamdaman ko. Even though I haven’t faced or fully met that man yet, it feels like things might not turn out well in our future together. Huwag ko naman sana danasin ‘yung napapanuod ko sa mga palabas sa tv na, na-arrange marriage sa lalaking sádistá. Sa lalaking masama ang ugali. Sa lalaking sasaktan lang ako. Sana ay huwag. “I’m Badong, by the way. Just call me Kuya Badong. Driver at personal bodyguard ako ni Sir Zelan. Ako ang inutusan niyang sumundo sa iyo ngayon,” pagpapakilala niya. Nakikita ko siya sa salamin, parang hindi ata bagay sa itsura niya ang pangalang badong. Tunog pang-matanda kasi ang pangalan niya. Saka, bata pa ang itsura niya, saka pogi. Akala ko nga kanina siya na ang mapapangasawa ko. Binatang-binata pa kasi ang itsura niya ngayon. Para bang kasing edad lang niya ang kuya ko. “I’m Cacia Lopez naman po,” maikling pagpapakilala ko sa kaniya. “Anong trabaho mo, Cacia?” tanong niya habang nakatingin sa akin gamit ang salamin sa harap niya. “Writer ako, may mga na-publish na akong book, pero dalawang taon na akong nahinto dahil… stress na rin ako sa nangyayari sa bahay,” sagot ko sa kaniya at saka ako tumingon sa bintana. Nahihiya ako. Nahihiya akong pag-usapan namin ang tungkol sa problema ng pamilya namin. Iyon kasi ang ayokong-ayokong ginagawa sa buhay ko. Iyong makipag-usap sa ibang tao habang topic ang problema o baho ng pamilya namin. “Sorry, Miss Cacia ah, pero grabe ‘yang papa mo. Nang malaman ko iyong binayaran ni Sir Zelan para lang hindi mawala ang lahat ng yaman ninyo, nalula talaga ako. I can’t believe how much debt your father has accumulated from the billionaires he gambles with at the casino. Ang lala niya, grabe,” sabi niya kaya lalo pa akong nahiya. Hindi na lang ako sumagot kasi totoo naman ang sinasabi niya. Grabe nga talaga si papa. “Kuya Badong, puwede ko bang malaman kung gaano ba kalaki ang binayaran ng boss mo para mabili ako kay papa?” tanong ko agad sa kaniya. Gusto kong malaman. Baka kasi kaya kong bayaran. May pera naman ako sa banko ko, e. “One billion, three hudred million, ganoon kalaki ang binayaran ni Sir Zelan sa lahat ng taong inutangan ng papa mo,” sabi niya kaya lalo akong nanlata. Paano ko naman babayaran ang ganoong kalaking pera. Walang-wala doon ang ipon kong pera sa banko. “Ang laki pala talaga,” sagot ko habang nakasibangot. “Naroon ako sa manisyon nang makita ko kung paano lumuhod ang ama mo kay Sir Zelan. Nakailang beses siyang nagmakaawang tulungan siya nito. Nung una, hindi ka pa damay e, kaya lang talagang may pagkabaliw ang ama mo. Sorry ulit kung nasabi ko iyon. Bigla niyang nilabas ang cellphone niya. Pinakita niya kay Sir Zelan ang picture mo. Doon ka na niya inalok kay Sir Zelan ng kasal. Na ibibigay ka niya sa boss ko kapalit ang pagbayad niya sa lahat-lahat ng utang ng ama mo.” Malaki ang binayaran ni Zelan, oo, pero iba pa rin talaga ang katumbas ng buhay ng tao. Dismayang-dismaya pa rin talaga ako sa ama ko sa ginawa niyang ito sa akin. “Mabuti pumayag si Zelan? Mabuti at napilit siya ni papa, kasi kung hindi, hindi ko rin kayang makitang mamulubi kaming lahat. Ayokong makitang naghihirap ang mama at mga kapatid ko. Kaya para sa ikakaligtas nila, gagawin ko ito,” sagot ko sa kaniya habang tumutulo ang mga luha ko. “Kaya lang…” nahinto siya sa pagsasalita kaya napatingin tuloy ako bigla sa kaniya gamit ang salamin na nasa harap niya. “Kaya lang ano, Kuya Badong?” tanong ko tuloy. “Maganda siguro kung ikaw na lang ang makaalam. Pero malay mo naman baka hindi naman niya gawin sa iyo ang mga ginagawa niya sa mga naging babae niya.” Kinabahan ako sa sinabi niya. Napaisip tuloy ako kung ano ba ang tinutukoy niyang ginagawa ni Zelan sa mga nagiging babae niya. Natakot tuloy ako bigla. Pinilit ko pa siyang sabihin kung ano ba ‘yung ginagawa ng boss niya, pero hindi na siya sumagot. Nag-drive na lang siya nang nag-drive hanggang sa makarating na kami dito sa napakalaking mansiyon ni Zelan. Mansiyon na tila mall na dahil sa sobrang laki. Paghinto ng sasakyan sa parking area, napanganga agad ako sa mga magagarang kotse na narito. Itsura pa lang ng buong paligid at ng mga kagamitan, halatang napakayaman nitong si Zelan. Bago kami bumaba sa sasakyan, nilingon pa ako ni Kuya Badong. “Tandaan mo, Miss Cacia, sumunod ka lang sa mga gusto niyang mangyari, wala kayong magiging problema ng amo ko. Iyan lang ang itatak mo sa isip mo para hindi maging miseráble ang buhay mo dito,” sabi niya dahilan para mapakunot ang noo ko. “Miseráble? Bakit, demonyo ba ‘yang si Zelan?” Hindi ko na tuloy maiwasang magtanong sa kaniya ng galit ang tono nang pananalita ko. Natatakot na kasi talaga ako. Lalo pa at ganito ang sinabi niya ngayong nandito na kami sa bahay ni Zelan. “Actually, mabilis siyang magalit. Maikli ang pasensya niya. Walang tao ang napapakalma siya kapag galit siya. Lahat ay takot sa kaniya kapag galit na ito. Kaya sinabi ko sa iyo ang mga hindi mo dapat ugaliin at gawin dito. Lahat ng sinabi kong bawal ay tandaan mo para walang maging problema. Good luck, Miss Cacia.” Pagbaba niya sa sasakyan, bigla akong nanlata lalo. Pakiramdam ko ay tapos na ang mga maliligayang araw ko. Pakiramdam ko ay dito na ako mámamatay sa bahay na ito. Nakakainis talaga si papa. Dahil sa kaniya dinadanas ko ito. Galit na galit talaga ako sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD