Prologue

1301 Words
Cacia’s POV  Nagising ako sa ingay nila Mama at Papa na tila maagang nagtatalo sa ibaba. Mula dito sa itaas ng bahay, dinig na dinig ko ang hiyawan nila. Kaya naman kahit papungay-pungay pa ang mga mata ko ay bumangon na agad ako para lumabas ng kuwarto ko. Sa labas, nadatnan kong naroon sina Tony at Toria, ang mga kapatid kong kambal na babae. Ten years old pa lang sila at maka-ate ang mga ito kaya nang makita nila ako, agad nila akong sinalubong ng yakap. “What’s happening downstairs? Why are mom and dad fighting?” tanong ko sa kanila habang yakap-yakap sila. Iyak nang iyak ang mga ito kaya nag-alala ako. “We heard that you’re leaving the house. They said someone bought you. Dad even packed your things. Your two suitcases are already downstairs,” sumbong naman ni Toria sa akin kaya nagtaka naman agad ako. Bumaklas muna tuloy ako ng yakap sa kanila para pumasok ulit sa kuwarto ko. Tumuloy ako sa closet room ko, nagulat ako nang makita kong gulo-gulo nga at halos wala na rito ang ibang mga damit at gamit ko. Hala, ano ito? “They said you’re marrying a wealthy man. That’s the only way, they said, to prevent us from becoming poor. To keep our house and properties from being taken away from us,” sabi naman ni Tony nang sundan pa rin nila ako hanggang dito sa closet room ko. Bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Nakita kong niluwa nito si Kuya Casper na seryoso ang mukha na nakatingin sa akin. For the first time, nakita ko rin na hindi masungit ang itsura niya. Sa tingin ko ay tila alam na rin niya ang nangyayari. “Ito na ang resulta nang pagsusugal ni Papa. Sabi na e, mauubos din ang yaman natin. Nakasanla na raw sa isang bilyonaryo ang lahat ng business, ari-arian at pati na rin itong manisyon natin,” sabi niya kaya mukhang totoo na nga ang sinasabi ng kambal. Kinakabahan na tuloy ako lalo. “So, it’s true what the twins are saying that I’m going to marry a wealthy man? For what? Bakit ako ang sagot? Bakit ako ang tila magbabayad?” tanong ko sa kaniya habang palala na nang palala ang nararamdaman kong kaba. “What I heard earlier from our parents, Papa supposedly talked to a single billionaire man. He agreed to take on or pay off all of Papa’s debts. However, in exchange, you have to marry that man,” sagot niya kaya doon na nanghina ang mga tuhod ko. Napaupo ako bigla sa sahig. Hala, bakit ako? Ano iyon, parang ibebenta na niya ako sa lalaking iyon? “Kuya, ayoko! Hindi ito puwede! Ano, ako laruan? Si papa naman, ginawa pa akong pambayad sa mga utang niya. Siya itong sugal nang sugal, tapos sa huli ako ang mapapasama. Ayoko, Kuya Casper. Hindi ito puwedeng matuloy. Tulungan mo ako. Wala pa nga akong nagiging boyfriend dahil ikakasal na agad?” Naiyak na ako kaya lumapit na sa akin ang mga kapatid ko para yakapin ako. Hindi ito nangyayari sa bahay na ito, na halos buo kaming magkakapatid ay magkakayakap. Ito kasing si Kuya Casper, madalang naming maka-bonding. Seryoso siya palagi at masungit. Ayaw nito sa mga sweet moments, like iyong mga yakapan at kiss sa pisngi. Pero dahil malalagay na ako sa alanganin, heto, nakikiyakap na rin siya sa akin. Mas lalo na tuloy akong natatakot kasi alam kong mukhang seryoso na talaga ang mangyayaring pagpapakasal ko sa lalaking sinasabi ni papa. Kuya Casper said I should come downstairs and talk to our parents. If I don’t agree with what they want, he advised me to tell them so the wedding won’t happen. Kahit kasi si Kuya Casper ay hindi rin payag sa gustong mangyari ni papa. He’s also afraid that I might end up with a bad wealthy man. Kaya pagbaba ko sa ibaba, agad namang natigil sa pagtatalo sina mama at papa nang makita ako. Sabay silang napatingin sa akin. Napapunas ng luha si mama nang tignan ako. Sa itsura pa lang ng mga tinginan niya sa akin, halatang-halata na nag-aalala na agad siya para sa akin. “Cacia, honey, come beside me. We need to talk. Biglaan ito, anak. Humihingi kami ng tulong sa iyo ng mama mo at ng mga kapatid mo. Tulungan mo kaming huwag pulutin sa kangkungan. Anak, sorry na agad. I’m sorry if I became a gambler. I’m sorry if this is the result in the end. Yes, I admit, all of this is my fault. We really need your help now,” sabi niya habang hawak-hawak ang mga kamay ko. “Cassius, please, don’t do this to Cacia. Have mercy on your daughter. There might be another way! Ginawa mo naman kasing baboy ang anak mo na para bang ibebenta mo na lang kapalit ng lahat. Hindi ito tama, Cassius,” pigil sa kaniya ni mama na nagsimula na namang umiyak. Nanginginig tuloy ang mga tuhod ko habang nakikipag-usap sa kanila. Sa mga salitaan at galawan kasi ni papa ay mukhang tuloy na tuloy na talaga ang kagustuhan niyang ipakasal na ako. “Mama is right, Papa. Please don’t sell Cacia. It’s not right that she’ll be the one to answer for all the problems you've caused. You’re the ones who created this problem, so you should also find a solution,” sabat na rin ni Kuya Casper. “Ito na nga, gumagawa na nga ako ng paraan. Ito na lang ang tanging paraan para masalba ang lahat ng ari-arian natin. I also don’t want to lose Cacia here with us, I love her so much, she was my first princess, but if I don’t do this, we’ll all end up on the streets. Singko mang duling, wala nang matitira sa atin. All in all, our house, business, lands, jewelry, and money are no longer with me. In fact, at any moment, we could be evicted from this house. I also don’t want all of you to be affected. You probably wouldn't want all of us to end up on the streets either; we can’t survive like that. So even though this is painful for me to do, I really can’t think of any other way but to marry Cacia off to a billionaire man. mahaba niyang paliwanag. Tinignan ko si mama, Kuya Casper at ang mga mahal kong kambal na kapatid. Hindi ko ata kayang makitang mamulubi ang pamilya ko, lalo na ang kambal. Hindi ko kayang makita na pare-pareho kaming naglalakad sa labas habang namamalimos o ‘di kaya naman ay naghahalungkat ng makakain sa basura. Kaya para sa kanila, gagawin ko na. Wala na rin nga sigurong paraan kundi ito na lang, ang makasal na ako. Makalipas ang ilang minutong tahimik at puro iyakan lang, doon na ako nagsalita. “S-sige ho, pumapayag na ako sa gusto ninyong mangyari, huwag lang kayong pulutin lahat sa kangkungan,” sabi ko kaya doon ko narinig na lalong humagulgol si mama. Si Kuya Casper naman napailing at saka nag-walk out. Ang kambal, lalo na ring humagulgol ng iyak. “Thank you, anak. Thank you and patawarin mo ako kung ganito ang nangyari sa huli,” sabi ni papa na napaluhod na lang bigla sa harap ko. No choice na ako. Mahal na mahal ko silang lahat kaya hindi ko kakayaning maghirap sila. Pero tatandaan ko ang ginawang problema na ito ni papa. Simula ngayon, hindi na siya ang pinaka-favorite ko sa pamilya namin. Kasi kung sino pa pala iyong mahal na mahal ko at mahal na mahal din ako ay siya pang makakagawa sa akin ng ganitong kakaibang karanasan sa buhay ko. I hate Papa so much! Because of him, I’m going to marry someone I don’t like, I don’t love, and I don’t even know.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD