CHAPTER 33 Sa ilalim ng mga bituing kumikislap, ginanap ang dinner date nina Addie at Gobernador Eros sa isang bahagi ng malawak na hardin ng mansyon. It was so dreamy. It is every woman's dream date with a dreamy guy. Pilit na pinigilan ni Addie na maging madaldal, she keeps the admiration to herself sa ganda ng nakikita niya, ang mga kristal na baso, at masasarap na putaheng inihanda ng private chef, at kung gaano kagwapo ni Eros. Parang pinipiga ng konsensya ni Addie ang kanyang puso. “Ah Eros…” “Yes Adriana? May sasabihin ka ba?” Napa iling na lang si Addie at pilit na ngumiti. "Wala po Gob.” Ngumiti na lang din si Eros. Ayaw naman niyang mamilit. He wants to take it slowly, baka mas gusto ni Addie ng ganun kaysa sa pinupuwersa. Habang sila ay kumakain, tumutugtog ang isang vio

