CHAPTER 42 “Minahal kita, Addie. And will continue to love you dearly. Pero hindi ako magpapakatanga habang pinapaasa mo ako, binibitin, binabaliw sa patikim tikim.” “Mon! “ hiyaw ni Addie at nagbuno sila sa kama. Baka mapilayan siya sa higpit ng kapit sa kanya. Ganun pa man, alam niyang hindi siya matitiis ni Simon. Hindi siya kayang pilitin nito kaya nagpatuloy lang siya sa pagpiglas. Baka sakaling makalusot ulit. “Oh come on, Addie, paulit ulit na lang tayo sa ganito. Kailan mo ba ko pagbibigyan? Hindi ka na virgin. So what are you still holding back? What's left to protect?” Natahimik saglit si Addie pero mahalaga pa rin sa kanya ang pagka babae niya. Hindi niya lubos maisip na may ibang lalaki na gagalaw pa sa kanya, bukod kay Gabriel. “Sa kasal natin, Mon. Hindi ngayon!” Aalm

