CHAPTER 15 “Bakit ka naninigarilyo, sabi ko ‘di ba, ayaw kong nagyoyosi ka, umiinom, nag susugal. Ayoko ng nag bibisyo ka. Masama sa’yo ‘yan, Gabi.” Habang tinititigan ni Addie si Gabriel na humihithit ng sigarilyo, nakaramdam siya ng matinding lungkot. Naalala niya ang masayang kabataan nilang lumipas. Ang mga mata ni Gabriel noon ay kumikinang, may saya kahit na mabigat ang pressure na kanyang dinadala. Kahit pa nag-aalab ang pag-niig nila kani-kanina lang, ilang posisyon, ilang halik, pag bayo at pag baon ang ginawa nila kanina, pero parang may pader pa rin sa pagitan nila. May mga bagay na hindi nila masabi sa isa’t isa. Gustong-gusto ni Addie na hawakan ang kamay ni Gabriel, yakapin at sabihin na magiging ayos din ang lahat. Bakit hinayaan ni Gabriel na malugmok ng ganito ang sa

