CHAPTER 67 Habang pauwi sina Gob Eros at Tina sakay ng SUV ng gobernador, hindi nila alam na may nanghimasok sa kotse. Tinanggalan ng brake. Sa isang matarik na kurbadang daan, nawalan ng kontrol ang sasakyan. Bumangga ito sa gilid ng bangin, gumulong, at tumigil lang dahil sa punong-kahoy. Dinala rin sa parehong ospital sina Eros at Tina. Si Tina ay maraming galos pero ligtas na. Si Eros ang malala ang tinamo dahil ginawa niyang shield ang kanyang sarili para hindi masaktan si Tina. Niyakap niya ito kaya siya ang napuruhan. Unconscious si Eros sa loob ng buong araw. Doon lamang nabunyag na may foul play. Ang mga pulis ay nag-imbestiga. At bagaman walang direktang ebidensyang mag-uugnay kay Donya Serafim pero lahat ng pangyayari ay nagtuturo sa motibo at galit na nag-ugat sa kasal ni Ad

