CHAPTER 25 Dahan-dahang ibinaba ni Tristan ang strap ng dress ni Addie. Isang sampal ang muntik nang dumapo kay Tristan. Hindi lang tumama ang sampal na ‘yon dahil sinalo agad ng kamay niya ang pulsuhan ni Addie. Sabay halakhak. “Addie, don’t worry. Alam mo naman hindi ko gagawin sa’yo ‘yan. Kilala mo naman kung sino ang gusto ko. I’m just testing you kung bibigay ka kagad.” Hinampas ni Addie ang dibdib ni Tristan at huminga ng malalim parang nabunutan ng tinik. “Kilala mo rin naman kung sino ang gusto ko. Tinakot mo ‘ko. Kasi naman. Alam naman ng lahat na seryoso kang tao. Hindi ka nagbibiro. Lalo pa ng ganyan.” Tumayo na si Tristan at umupo sa tabi ni Addie. “Paalis na raw si Gabriel. Siguradong papunta na siya rito. Maghanda na tayo. Mag kamiseta ka na lang para lalong mainis pag na

