CHAPTER 62 Tahimik ang buong silid ni Don Ricardo, ang head of the family ng Roman Clan. Matagal nang hindi lumalabas ng kanyang silid matapos ang sunod-sunod na pagsubok sa kanilang angkan. Sa loob ng kanyang kwartong may kurtinang makapal at mga antigong kasangkapan, ang maririnig lamang ay oxygen apparatus at mahinang pag hinga ng Don. Dahan-dahang bumukas ang pintuan. Maingat ang bawat hakbang ni Simon, ang ulirang anak sa paningin ng lahat. Hawak-hawak niya ang kamay ni Sam na nakasunod lang sa kanya sa likuran. Lumapit si Simon sa kama kung saan, ilang taon nang nakahiga si Don Ricardo, payat na ang katawan, tila isang alaala na lamang ang dating makapangyarihang haciendero. Subalit kahit ganoon, hindi nawawala sa kanyang presensya ang dignidad ng isang ama. “Dad,” malumanay

