CHAPTER 60 “Sino po ang ama ko, Nay?” tanong ni Addie sa ina niyang si Selina nang malamang may ama pa pala siya. At ang kagulat-gulat ay natagpuan na ito ng kanyang ina. “Kasama ko siya ngayon. Naghihintay sa loob ng kotse.” “Addie, anak…” Hindi malaman ni Addie kung anong gagawin nang makita ang isang lalaki na tinawag siya sa kanyang pangalan at nagsabing “anak”. Sa gitna ng katahimikan ng bulwagan ng Hacienda, tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa. Napahawak si Addie sa braso ng kanyang ina. Matikas pa rin ang lalaki sa kabila ng edad nito na sa tanya niya ay nasa singkwenta na o higit pa. Ang suot nitong mukhang mamahalin, at ang tindig nitong parang senador o business tycoon ay sadyang kapansin-pansin. Ang puting buhok nito ay maayos na nakasuklay at ang kabuuang anyo nito

