DANIELLA MAAGA akong nagising para masigurado kong hindi ako late sa orientation ngayon. 10:30 ang start ng orientation, pero 'yong alarm clock ko na-set ko nang 6:00 AM, para sigurado akong kahit magkaroon ng traffic ay makararating pa rin ako on time. Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng simpleng business casual attire—isang beige blazer, puting blouse, at black slacks. Sinamahan ko rin ng black heels na hindi masyadong mataas para komportable akong maglakad. Naglagay ako ng kaunting makeup para hindi magmukhang stressed. Hindi ko rin kinalimutang magdala ng notebook at ballpen para sa mga importanteng notes. Habang nasa biyahe ako, napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate. May message si Migz kaya binuksan ko ito. Migz: Dani girl, nasa lobby na ako ng Zaldivar. I just ma

