DANIELLA SINABI sa'kin ng HR manager na may matatanggap akong email in few hours kung nakapasa ba ako sa interview o hindi. Pero ilang oras na akong nag-aabang ng email mula sa HR, wala pa rin. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, iniisip na baka busy lang sila o may mga mas urgent silang inaasikaso. Pero hindi ko rin maiwasang magduda. Baka hindi talaga ako natanggap. "Here's your ice coffee, Dani." Inabot sa'kin ni Amara ang isang Caramel Macchiato saka siya umupo sa tabi ni Migz. Magkakasama kami ngayong tatlo dito sa isang coffee shop malapit sa building ng Zaldivar Group of Companies. Nilibre lang ako ni Amara kasi hindi kasama sa budget ko ang mamahaling kape. Nescafe lang sa tindahan ang afford ng budget ko. "Salamat, Amara," pilit akong ngumiti kahit na nilalamon na ng kaba

