DANIELLA
NAKAHINGA ako nang maluwag nang bigyan ako ng second chance ni sir Andriuz para sa interview. Kahit papaano, may maganda ring nangyari sa araw na 'to. Akala ko puro kamalasan nalang.
Habang hinihintay kong tawagin ang pangalan ko para sa interview, hindi ko maiwasang maisip ang lalaki kanina sa police station. Ano bang problema ng lalaking iyon? At bakit parang obsessed siya sa diamond na pinalunok niya sa'kin? Halata naman na peke 'yon.
“Dani, 'wag kang kabahan.” Hinawakan ni Amara ang kamay ko kasi nahalata niyang tensyonado ako. “I know you'll do great. Just stay calm and be yourself. Okay?"
I tried to smile at her, kahit na alam ko na malaki ang pressure na nararamdaman ko.
"Hoy Dani Girl ayusin mo 'yong interview ha. Wag kang tatanga-tanga!"
Tinapunan ko ng masamang tingin si Migz. Tinawag pa akong tanga ng baklang 'to. Pero thankful pa rin ako sa kanila ni Amara kasi palagi silang nakasuporta sa'kin, kahit na minsan nakakainis ang mga banat ni Migz.
"Migz, Amara, sa tingin ko natatae ako." Napakagat ako ng labi. Ganito kasi ako kapag kinakabahan, bigla nalang natatae.
Tinapunan ako ng masamang tingin ni Migz. "Gaga ka Dani! Pigilan mo 'yan baka tawagin ka na. Mamaya mo na 'yan ilabas pagkatapos ng interview mo."
Gusto ko pa sana magtanong kay Amara kung alam niya saan ang Comfort Room, pero hindi ko na itinuloy dahil biglang bumukas ang pintuan ng HR Manager's office. Lumabas ang isang babae na may suot na salamin habang may hawak na clipboard.
"Daniella Marie Marasigan!" tawag ng babae sa pangalan ko kaya agad akong tumayo sa upuan. Napahawak nalang ako sa tiyan ko at nagdasal na sana hindi ako biglang matae sa gitna ng interview
"Ako po 'yon, ma'am."
"Good afternoon Miss Daniella. Sir Andriuz has made a special request for us to handle your interview. Please, follow me.”
Sinundan ko ang babae papasok sa opisina ng HR. Pagdating ko sa loob, nakita ko ang isang magandang babaeng na nakaupo sa kanyang mesa. Abala siya sa laptop at halos hindi niya ako nilingon. Napatigil ako sa may pintuan, pero hinila ako ng babaeng may clipboard at inakay papunta sa harap ng desk.
"Miss Daniella, please take a seat. This is Miss Vivien, our HR Manager. She'll conduct your interview."
Umupo ako at sinubukan kong i-compose ang sarili ko, kahit ramdam ko ang kaba sa dibdib.
"Good afternoon, Miss Marasigan," bati niya nang sa wakas ay iniangat ang tingin mula sa laptop. Mataray ang kanyang mukha, pero may professional na aura. Sa tingin ko nasa late 30's na siya.
"Good afternoon po," sagot ko habang bahagyang tumango bilang respeto.
Tahimik siyang tumingin sa'kin, na para bang binabasa niya ang bawat detalye ng mukha ko. Medyo uncomfortable, pero nanatili akong composed.
"By the way I'm miss Vivien Ramirez, the human resource manager. Since sir Davidson Zaldivar had some issue with his schedule today, ako muna ang mag-aasikaso sa interview ng mga OJT applicants."
Davidson Zaldivar? Siya ba 'yong sinasabi ni Amara na pinsan ni Sir Andriuz Zaldivar?
"Alright Ms. Daniella." Tumingin si Miss Vivien sa aking resume na nakalapag sa kanyang mesa. “Let’s start with a few questions. Are you ready?”
Ngumiti ako nang mahina, kahit na parang gusto kong mag-collapse sa kaba. “Yes po, I’m ready.”
“Good,” sagot ni Miss Vivien habang inaayos ang mga papel sa harap niya. “I’ll start with a simple question. Can you tell me a little bit about yourself and why you’re interested in this OJT position?”
Nag-isip ako sandali, pinipilit na alalahanin ang tamang sagot. Alam ko na ang kompanya na 'to ay isang malaking pangalan, kaya't hindi ko pwedeng sayangin ang pagkakataong 'to. Halos isang buwan ko itong pinaghahandaan kaya hindi pwedeng hindi ko masagot ng maayos ang mga tanong.
"Ahm...I’m Daniella Marie Marasigan, a fourth-year student in Business Administration. I’ve always been interested in learning how big companies operate, and this internship is the perfect opportunity for me to gain hands-on experience. I believe this will help me grow professionally and personally.”
Nakita ko ang bahagyang pagtango ni Miss Vivien habang binabasa ang resume ko. Nakaramdam ako ng konting ginhawa kasi mukhang masungit lang pala ang aura niya, medyo mabait din naman siya makipag-usap.
“That's great, Ms. Marasigan. Your resume looks good. I noticed that you’ve had some part-time jobs while studying. Can you tell me how you managed both work and academics?”
Napangiti ako ng bahagya. Alam ko na ito ang isa sa mga tanong na madalas nilang itanong sa mga aplikante.
"Well, po, I always make sure to prioritize my time. I plan ahead and make a schedule to make sure I balance my responsibilities. I always remind myself that education is my priority, but I also value work experience."
Nakita ko sa mga mata ni Miss Vivien na parang mas lalo siyang naging interesado sa mga sagot ko.
"Good answer," komento ni Miss Vivien, habang nagsusulat siya ng ilang notes. "It seems like you’ve got good time management skills. Now, for my next question, how do you handle stress, especially when juggling multiple tasks or dealing with difficult situations?"
Dahil sanay na ako sa mga ganitong tanong, hindi na ako nag-isip ng matagal bago sumagot.
"Sinusubukan ko pong manatiling kalmado at magpokus sa mga solusyon kaysa mag-panic. Kapag marami akong ginagawa, nagiging organized po ako at inuuna ko ang mga bagay na pinakamahalaga o may deadlines. Kung may problema naman, tinatry ko po na lutasin ito agad para hindi na lumala. I also make sure to take short breaks to avoid burnout. I think it’s important to keep a clear mind to make better decisions."
Nakikita ko ang pagtaas ng kilay ni Miss Vivien. Parang may maliit na ngiti sa mga labi niya na nagpapakita ng pagpapahalaga sa sagot ko.
"I see. You seem to have a good approach to stress. But let me ask you this—have you ever encountered a difficult person or situation in the workplace? How did you handle it?"
Naalala ko ang mga pagkakataon sa mga part-time jobs ko noon. Hindi talaga maiiwasang may kasamahan ka sa trabaho na hindi mo makasundo. Pero natutunan ko kung paano maging professional at hindi magpadala sa emosyon.
"Yes, ma'am. I’ve encountered difficult situations before, especially when working in teams with people who have different work styles. Sa mga ganitong pagkakataon, I try to understand their perspective and communicate openly. Kung may hindi pagkakaintindihan, sinusubukan ko pong magbigay ng constructive feedback at makinig sa kanilang side. Para po sa akin, ang transparency at respect ay mahalaga para makahanap ng solusyon."
Nakita ko ang bahagyang pagtango ni Miss Vivien at ang malumanay na ngiti sa kanyang labi. "Well, Ms. Marasigan, I must say you have answered all of my questions thoughtfully."
"Thank you po, ma'am," sagot ko, medyo kabado pa rin sa aura ni Ms. Vivien.
"Well, Ms. Marasigan, I believe that's all for now. We’ll inform you of the results soon, but I can already tell you're a strong candidate."
Nagpasalamat ako at umalis sa opisina ng HR na may nararamdaman pa ring kaba, ngunit may kunting pag-asa na rin. Hindi ko akalain na magiging maayos ang lahat matapos ang lahat ng mga aberyang nangyari kanina.
Paglabas ako ng opisina, sinalubong ako ni Amara at Migz na matiyagang naghihintay na matapos ako.
"Dani? How's the interview?" excited na tanong ni Amara.
"Hmm, medyo okay naman," sagot ko habang nag-aayos ng aking bag. "Medyo tense lang, pero mukhang nagustuhan naman ng HR Manager ang mga sagot ko."
"Good! I knew you could do it."
"Dani Girl! Alam kong nakapasa ka! I can feel it!" Migz shouted, clapping his hands dramatically. Kahit kailan talaga OA palagi ang baklang ito.
Naramdaman kong parang sumakit ulit ang tiyan ko, at sa tingin ko mukhang kailangan ko na talagang magtungo sa comfort room.
"Migz, Amara..sa tingin ko kailangan ko ng magpunta sa CR." Nagmamadali akong tumakbo pero agad akong sinigawan ni Migz.
"Gaga! Hindi diyan ang CR. Nasa likod ng lobby! Magmadali ka!" Tinuro niya ang kabilang direksyon.
Napakamot ako sa ulo, medyo nahihiya, pero tinuloy ko pa rin ang pagtakbo sa direksyon na sinabi niya. Dumaan ako sa ilang pinto at mabilis na tinungo ang lugar na tinutukoy niya. Nang makapasok ako sa Comfort Room, nakahinga ako nang maluwag.
Tumagal ako ng ilang minuto sa CR at nilabas ang sama ng loob. Mabuti nalang napigilan ko kanina na hindi matae habang nasa gitna ng interview.
Paglabas ko ng CR, nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. Agad akong bumalik sa lobby kasi baka naiinip na sa paghihintay si Migz at Amara. Kay Amara wala akong problema kasi mataas ang pasensya niya, pero si Migz hindi 'yan nauubusan ng mga reklamo.
"Shutah ka Dani Girl! Bakit ang tagal mo sa CR!" agad na reklamo ni Migz nang makalapit ako.
"Tumigil ka nga Miguelito. Hindi nga nagreklamo si Amara na maganda, ikaw pa kaya." Inirapan ko siya. Bumaling ang tingin ko kay Amara na mukhang may kausap sa tawag kaya hindi ko na muna siya dinistorbo.
"For your information, magkasing ganda lang kaya kami ni Amara. Anyway, hindi ko muna sisirain ang mood ko ngayon kasi nakita ko na ang future husband ko na sobrang hot at gwapo!" Halos maglupasay si Migz sa sahig kaya kumunot ang noo ko.
"Sino na naman 'yan Migz?" Tinaasan ko siya ng kilay kasi kapag gwapo talaga, napaka-attentive nitong si Migz.
"Ay sorry ka nalang Dani girl. Hindi mo nakita 'yong pinsan ni Sir Andriuz. Apakagwapo! Ang sarap iuwi sa bahay at itali sa headboard ng kama at amoy amuyin."
"Yong pinsan ni Sir Andriuz? 'Yong Davidson Zaldivar? Nandito siya?"
"Oo girl, nandito si sir Davidson. Nandiyan siya ngayon sa loob ng opisina ng HR manager. Dalawa sila ni Sir Andriuz."
"Ah okay." Nagkibit-balikat nalang ako.
"'Yon lang ang reaksyon mo? Walang wow factor? Hindi mo ba itatanong sa'kin kung ano ang itsura ni Sir Davidson? Kung gaano siya katangkad at kabango."
"Ay naku Migz, kilala mo ako, wala akong interes sa mga lalaki kahit gaano man 'yan sila kagwapo."
"Mabuti naman. Kasi kapag inagaw mo sa'kin si sir Davidson...kakalbuhin ko talaga ang kilay mo Dani Girl."
Napailing nalang ako sa pagiging delusional nitong si Migz.
"Alam mo Dani Girl, ngayon lang ako excited sa orientation."
"Ano naman ang exciting sa orientation? Nakakaantok kaya ang mga ganun. Parang seminar lang." Napakamot ako sa ulo, minsan hindi ko talaga maintindihan itong mga trip ni Migz sa buhay.
"Well, Dani...ang future hubby ko na si sir Davidson lang naman ang dahilan kung bakit ako excited. Sinabi niya kanina sa'min ni Amara na he's going to be one of the speakers, kaya naman makikita mo rin siya bukas sa orientation."
TO BE CONTINUED...