DAVIDSON
ANG malas ko talaga ngayon. Hindi lang nasira ang sasakyan ko, pati 'yong engagement ring na pinagawa ko para kay Reina, nalunok pa ng hampaslupang babaeng 'yon! Anong klaseng kamalasan ba ang bumungad sa'kin sa araw na 'to?
"Bullshít! Kapag nakita ko ang babaeng 'yon at hindi niya maibalik ang diamond ko, ewan ko na lang kung anong gagawin ko sa kanya!"
Sunod sunod ang reklamo ko habang tahimik na nagmamaneho si Andriuz. Tinawagan ko siya kanina para sunduin ako sa police station.
"Siraúlo talaga ang babaeng 'yon! Sinipa pa ako!"
"Pffttyy---" Narinig ko ang mahinang tawa ni Andriuz dahilan para kumunot ang noo ko.
"What's funny?" Paanong natatawa pa siya sa sitwasyon ko? Napaka-epic fail ng araw ko at heto siya, parang enjoy na enjoy.
"Wala. I just can't deny being impressed by the woman you're talking about. Biruin mo siya lang ang babaeng nakagawa sa'yo ng ganon."
Tumingin ako kay Andriuz, may halong pagkabigla at inis. "What do you mean impressed? She's a thief!"
"Well, she managed to escape you, didn't she? That's an accomplishment in itself."
Nilingon ko si Andriuz, nakita ko sa mga mata niya ang amusement.
"This is not funny, Andriuz. I want that diamond back. Ano nalang ang ibibigay ko kay Reina kapag nakabalik siya galing France?"
Hindi ko kayang harapin si Reina kung walang proposal ring para sa kanya. I just can't imagine disappointing her after all this time.
"Relax, bro," aniya habang bumaling muli sa kalsada.
"Ano ba kasi ang nangyari? Can you tell me in detail how that diamond ended up with that woman?"
Napasandal ako sa upuan, pilit na pinapakalma ang sarili habang inaalala ang buong kaganapan.
"It wasn’t like that. Nagmamadali ako kanina dahil tumawag sa'kin si Secretary Nick, he informed me that the interview for the OJT students was moved earlier than scheduled. I was rushing to get to the office kasi bukod sa OJT interview, may mga meetings pa akong dapat asikasuhin. Dahil sa pagmamadali, hindi ko na-check ng maayos ang kotse, at habang nasa daan bigla nalang tumirik ang makina. I don’t have time for delays, kaya nagdesisyon akong sumakay nalang ng bus. Sobrang siksikan at ang babaeng 'yon dalawang beses akong sinampal kasi napagbintangan akong nanghipo sa kanya. Sinabihan pa akong manyakis!"
Biglang tumawa nang malakas si Andriuz, halos mawala sa focus sa pagmamaneho
"Seriously? Dalawang beses ka niyang sinampal?" Napiling si Andriuz pero natatawa pa rin.
"Sorry Davidson. Alam kong magpinsan tayo but I think that woman deserves a reward. Siya ang kauna-unahang tao na nagpakulo ng dugo sa isang vice-president ng Zaldivar Group Of Companies. Kinatatakutan ka ng halos lahat ng empleyado sa kompanya, pero siya sinabihan ka lang ng manyakis."
Nakita ko ang expression ni Andriuz—hindi ko alam kung seryoso siya o tinutukso lang ako.
"And then ano ang sunod na nangyari?" tanong ni Andriuz, halatang inaabangan ang susunod kong sasabihin.
"Pagkatapos nun, napikon na ako. Sinubukan kong ipaliwanag na hindi ko siya hinipuan, pero sa halip na makinig, sinabihan niya lang ako na luma na ang mga palusot ko!"
"And the diamond ring?"
"Here’s the worst part. Habang magkatabi kami sa upuan, biglang may sumulpot na mga holdaper. Sa takot ko na baka kunin ng mga holdaper ang diamond, ipinasok ko sa bunganga niya."
"Wait, what? Ipinasok mo sa bunganga niya ang diamond? Davidson, seryoso ka ba? Sa lahat ng pwede mong gawin, bakit bunganga niya ang napili mong taguan?"
"Anong magagawa ko? It was an emergency! At tyaka mukhang sinadya niyang lunukin 'yong diamond dahil nabanggit ko sa kanyang five milyon ang halaga nun."
"So you're telling me... she swallowed a five-million-peso diamond dahil sinabi mong gano'n kahalaga 'yon? Hindi mo ba sinubukan na kausapin siya."
"Noong nasa police station na kami, I told her that I want the diamond back, but she just looked at me like I was crazy. Sinipa pa niya ako at tumakbo."
"Siguro natakot sa'yo."
"Natakot? Wala akong ginagawang masama! Sinisigaw ko lang na ibalik niya ang diamond ko habang hinahabol siya!"
Muling natawa si Andriuz, tila hindi na napigilan ang sarili. "Davidson, hinabol mo ang babae habang sinisigaw mo na gusto mo ang diamond na nasa loob ng sikmura niya? Who wouldn’t be scared?!"
"Seriously Andriuz? Pagkatapos ng kamalasan na nangyari sa'kin pagtatawanan mo lang ako? Man, you better help me find her."
"Alright. I'll help you find her. Pero hindi mo rin ako masisisi kung bakit tawang tawa ako. Davidson, I swear, this is probably one of the craziest things I've ever heard."
"I don't care how ridiculous it sounds, pero kailangan maibalik sa'kin ang marquise diamond. Sobrang halaga sa'kin ang proposal na 'to. Reina’s been waiting for this engagement ring. I can’t let this mess ruin everything."
"Okay, okay, I get it. Pero paano natin siya hahanapin? Natatandaan mo ba ang itsura niya?"
Napailing ako habang inaalala ang mukha niya. Pero kahit anong galit ko, hindi ko maitatanggi na may ilang bagay sa mukha ng babae na 'yon na hindi ko malilimutan.
"Morena siya," tipid kong sagot. I don't want to describe her too much. I can't let myself get distracted by her looks.
Nakita kong kumunot ang noo ni Andriuz.
"Davidson sa tingin mo mahahanap na'tin siya sa binigay mong description? Think about it? Ang daming morena na babae dito sa Pilipinas? Wala na bang ibang detalye?"
"Mahaba 'yong buhok niya. At siguro nasa 5'5 feet ang tangkad niya."
"And that's it?" tanong ni Andriuz, medyo nag-aalangan.
"Yeah, that's it. Hindi ko naman siya tinitigan ng matagal. Puro galit lang ang nararamdaman ko nung mga oras na 'yon."
"Maganda ba siya?"
"Oo–Mali! Hindi pala siya maganda. She's fúcking ugly."
Napansin ko ang mapang-asar na ngiti ni Andriuz.
"Don't make it sound like I was impressed, Andriuz. Oo, may itsura siya, pero para sa'kin si Reina lang ang pinakamaganda sa mga mata ko."
"You keep telling yourself that, bro. Pero sa paraan ng pag-describe mo sa kanya, I bet she made quite an impression on you."
Matalim kong tinitigan si Andriuz. Sinubukan kong huwag pansinin ang mga sinabi niya. Pero ang totoo, kahit anong gawin ko para kumbinsihin ang sarili ko, may isang bagay na hindi ko kayang kalimutan tungkol sa babae na 'yon. Maybe it was the way she stood up to me, or how she managed to escape from me so effortlessly. Hindi siya katulad ng ibang babae na kilala ko—masyado siyang matapang, masyado siyang unpredictable. And somehow, nakakadagdag lang 'yun sa frustration ko, sa inis ko.
"Huwag na tayong mag-usap tungkol sa kanya, Andriuz. I don't care about her looks. Hanapin na lang natin siya. Get the diamond back, and forget this whole mess."
"Alright...any idea paano natin siya mahahanap?"
"Hmmm... maybe we can start by checking sa mga pinakamalapit na hospital. Baka may record sila ng pasyenteng pumasok na may kakaibang reklamo—like someone who swallowed something unusual."
"Sa tingin ko magandang ideya 'yan. If she went for medical help, they might have records of her."
"Tama! Naalala ko na."
"Anong naalala mo?" tanong ni Andriuz, halatang naguguluhan.
"Habang magkatabi kami sa bus, nasilip ko 'yong resume na hawak-hawak niya. I didn't get to read it fully, pero may nabasa akong pangalan. Sa pagkakatanda ko, Dan---Daniella Marie ang pangalan na nakasulat don."
"How about her lastname, hindi mo ba naalala? Mas mapapadali ang paghahanap natin sa kanya kung alam natin ang apilyedo niya."
"Hindi ko nabasa ang apilyedo niya. But it seems her lastname might start with an 'M.' I could barely make it out, but I'm pretty sure about the first name—Daniella Marie."
"Alright, that's a good lead. Kailangan nalang natin magpunta sa mga hospital at magtanong-tanong tungkol sa isang Daniella Marie na maaaring pumasok dahil sa kakaibang insidente."
"But before that, Andriuz, kailangan muna nating bumalik sa kompanya. I have an important meeting with the board members and I don't want to look unprofessional just because of this situation. After that, let's start looking for Daniella Marie."
"Okay, let's drop by the office first," aniya, at dahan-dahang lumiko papunta sa direksyon ng Zaldivar Group Of Companies.
Habang nagmamaneho, hindi ko mapigilan ang pag-iisip sa mga susunod na hakbang. Ang paghahanap kay Daniella Marie ay parang isang mahirap na puzzle—hindi ko alam kung saan mag-uumpisa, ngunit kailangan kong gawin ang lahat para makuha ang diamond. It was supposed to be a special moment with Reina. Ilang buwan kong pinaghandaan ang proposal kaya hindi ako papayag na hindi maibalik ang marquise diamond.
Nang makarating kami sa kompanya, kaagad kaming tumungo ni Andriuz sa opisina ng HR Manager dahil may nakalimutan kaming importanteng dokumento na kailangan namin para sa meeting.
At sa hindi inaasahan, nakita ko si Amara sa labas ng opisina ng HR Manager. May kasama siyang lalaki, at sa tingin ko may hinihintay sila.
Habang papalapit kami, agad kong napansin na palihim na nag-ayos ng necktie si Andriuz. Napailing nalang ako kasi sobrang obvious na may gusto siya kay Amara, ayaw niya lang aminin.
"Amara," tawag ko dahilan para mapalingon siya sa'min. Agad siyang napangiti nang makita ako. It’s been a while since I last saw her, and she had truly grown into a woman. Kaibigan ko ang kuya niya, at noon naglalaro pa siya ng Barbie kapag nagpupunta kami sa bahay nila. And now, she was confident, composed, and undeniably beautiful.
"Sir Davidson, Andriuz, good afternoon po." Amara’s voice was calm and polite.
"Shutah! Amara siya pala 'yong pinsan ni Sir Andriuz? Mine ko na 'to, sobrang gwapo," bulong ng kaibigan ni Amara pero rinig ko naman. Akala ko lalaki siya, but he seems to be part of the LG.BTQ community.
"Migz, behave. You’re embarrassing me."
"Amara, what brings you here?" tanong ko kay Amara.
"Nandito po kami para sa OJT interview, shir...I mean, sir po," 'yong kaibigan ni Amara ang sumagot.
"So how's the interview?"
"Maayos naman po sir. We both got accepted for the OJT program. Pero hinihintay pa po namin ang isa pa naming kaibigan. Nasa CR pa siya."
"Natatae," dugtong ng kaibigan ni Amara, kaya binatukan niya ito.
"What? Totoo naman na natatae si Dani Girl."
Napailing nalang ako at natawa sa kanilang dalawa.
"Well, congratulations sa inyo, Amara, Migz. Good luck with your OJT. I will take charge of conducting the orientation, so see you tomorrow."
"Thank you po, sir Davidson," sagot ni Amara, at ngumiti siya sa'kin. Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Andriuz na nakangiti rin at nakatingin kay Amara.
Pumasok na ako sa opisina ng HR Manager, at bago ko pa tuluyang maisara ang pinto, narinig ko ang boses nila Migz at Amara sa labas.
"Shutah ka Dani Girl! Bakit ang tagal mo sa CR!"
"Tumigil ka nga Miguelito. Hindi nga nagreklamo si Amara na maganda, ikaw pa kaya."
Natigil ako saglit nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Gusto ko sanang buksan ulit ang pinto para silipin sa labas kung sino ang kausap nila Amara at Migz kaso tinawag na ako ng HR Manager.
"Sir Davidson, here's the document you requested. Please double-check it before the meeting."
Inabot sa'kin ng HR Manager ang folder. Kinuha ko ito ngunit hindi maalis ang isipan ko sa boses na narinig ko kanina. Hindi ako sigurado, pero tila kilala ko ang babaeng kausap nila Amara.
TO BE CONTINUED...