DANIELLA
"Hoy babae! Sabi ko bitiwan mo 'yan!" Pagbabanta niya dahilan para bitiwan ko agad ang pantalon niya.
Umayos ako ng tayo, at agad na umiwas ng tingin kasi ramdam kong nag-init ang pisngi ko sa hiya.
Hindi na masama, mukhang daks si kuya.
Lord! Patawarin mo itong malikot kong kamay, kung anu-ano ang nahahawakan.
Ilang saglit lang, bumaba ang dalawang pasahero kaya nagkaroon ng dalawang bakanteng upuan.
Nagmamadali akong kumilos para ako ang unang makaupo at makapwesto sa may bintana, kaso bago ko pa man maabot ang bakanteng upuan–bigla akong hinila ng lalaki at siya ang unang nakaupo sa may bintana. Kahit ayaw ko siyang katabi, mabilis pa rin akong umupo at baka maunahan pa ako ng iba dahil walang ibang bakanteng upuan.
"Hoy ang daya mo! Ako ang dapat na nandiyan sa may bintana! Hinila mo ako!"
"Wag mo akong kausapin babae. Hindi ako nakikipag-usap sa amoy araw."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Hindi ko siya matantya—gwapo nga, pero ang ugali niya, wala sa lugar. Pero amoy araw ba talaga ako?
Inamoy ko naman ang sarili ko.
Gage! Totoong amoy araw nga ako. Siguro dahil 'to sa kakatakbo ko kanina para makasakay ng bus.
Nílait niya ako kaya sympre hindi pwedeng hindi ako gumanti. Agad ko siyang pinagmasdan para maghanap ng malàlait sa kanya.
Nakaside view siya kaya kita ko kung gaano katangos ng ilong niya. Ang kàpal pa ng kilay, bumagay sa medyo malalim niyang mga mata, umiígting pa ang panga. At 'yong Adam's apple niya pútcha ang séxy!
Pero teka lang, akala ko ba naghahanap ako ng maipípintas sa kanya, bakit parang pinupuri ko pa ata siya?
Kinurot ko ang sarili ko para magising sa karupukan at kalàndian.
Muli kong binalingan ng tingin ang lalaki at naghanap ng mali.
Wala akong mahanap na maipintas sa mukha niya, pero nang makita ko ang suot niya– nagkaroon ako ng ideya.
Nakasuot siya ng business suit, akala mo kung saan pupunta.
"Ano ngayon kung amoy araw ako? Eh ikaw nga parang tanga sa suot na business suit? Ano ka boi, CEO? Pero halata naman na hindi ka CEO, baka feeling CEO kamo. Eh Halata naman na pareho lang tayong pupunta sa job interview."
Tumawa ako saka ko siya inirapan. Pero sa totoo lang bagay sa kanya ang suot niyang business suit. Para siyang isang tunay na CEO.
Pero imposible naman na CEO talaga siya. 'Yong mga CEO, mayayaman 'yan at bilyonaryo. At kung totoong mayaman siya bakit siya sasakay ng bus at nakikipagsiksikan?
Dahil ang tunay na CEO, maraming kotse.
Itong katabi ko, marahil napapanggap lang.
"Woman, wag mo akong kausapin. Ayaw kong marinig ang nakakarindi mong boses."
"Oo na boss, hindi na kita kakausapin. Feeling CEO amputa."
Hindi ko na siya kinausap. At ilang minuto lang nakita kong naglabas siya ng isang maliit na diamond mula sa kanyang bulsa. Kasing laki ito ng mga nakikita kong diamond sa mga engagement rings. Pero itong hawak niya, diamond lang.
Sobrang ganda nito, halos kumislap ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang maliit na diamond. Mukhang totoong diamante, pero baka fake lang.
At kung totoo man ang hawak niyang diamond, baka ninakaw niya lang. Halata namang hindi niya afford ang mamahaling diamante kasi hindi naman siya tunay na CEO.
"What are you looking at, woman?" Tumaas ang kilay niya nang mapansin niyang nakatingin ako sa hawak niyang diamond.
"Wala." Tinaasan ko rin siya ng kilay at agad na iniiwas ang mga mata ko. Pero dahil tsismosa itong mga mata ko, muling dumapo ang tingin ko sa sa kanyang kamay at sa makintab na diamond.
"Fake ba 'yan?" Tumagilid ako ng konti, kunwari hindi ko siya pinapansin, pero ang totoo, hindi ko maiwasang mang-usisa.
"Excuse me?" Nagulat siya sa tanong ko, at tumitig siya sa akin ng matalim. Parang hindi niya inexpect na may magtatanong tungkol sa diamond na hawak niya.
"Just so you know, it's real. Mas totoo pa itong diamond na hawak ko kaysa sa boóbs mo."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Ang bastos talaga ng lalaking 'to. Dinamay pa ang bóobs ko.
"For your information mister, totoo itong bóóbs ko kahit hawakan---" Natampal ko ang bibig ko dahil sa sinabi ko. Kasi naman nakakainis ang pagiging arogante ng lalaking 'to. Nakakadala.
"You think I'm lying? You're too curious for your own good, woman."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Diko na alam kung magagalit ba ako o tatawa dahil sa lakas ng loob niyang magyabang. Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to. Gusto ko sanang mag-salita ng masakit, pero naisip ko na baka ako pa ang magmukhang tanga kaya pinili ko nalang tumahimik.
Napabuntung-hininga ako at sumandal sa upuan ko. Hindi ko na siya tinanong tungkol sa diamond at hindi ko na rin siya kinausap. Alam kong may mga pagkakataon na hindi na lang talaga dapat makialam.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko para makapagpahinga at mawala ang inis. Para pagdating ko mamaya sa Zaldivar Group of Companies, good mood ako at nang sa ganon masagot ko ng maayos ang interview.
"ITAAS ANG MGA KAMAY! WALANG KIKILOS NG MÀSAMA!"
Kumunot ang noo ko sa narinig ko habang nakapikit ang mga mata.
Iminulat ko ang mga mata ko dahil baka guni-guni lang ang narinig ko, pero ilang ulit akong napalunok ng laway nang mapansin ko ang tatlong armadong lalaki.
“Sundin niyo lahat ng sasabihin namin kung ayaw niyong màmatay!"
Halos manigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makapagsalita sa takot at ramdam ko ang mabilis na tíbok ng puso ko.
Sa buong buhay ko, ngayon pa lang ako nakaranas ng ma-holdap. At ngayon pa talaga na nagmamadali ako para sa job interview ko.
"Dámn it! 'Yong diamond ko?" nag-aalalang bulong ng katabi kong arogante.
"Ibigay mo na 'yan. Halata namang peke 'yan." Hindi ko maiwasan na magtaray sa kanya kahit nasa alanganin kaming sitwasyon.
"Anong peke? Mas mahal pa 'tong diamond kaysa sa buhay mo. It's 5 carat diamond worth 5 million."
"Sinungaling," asik ko sa kanya. Pero bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, nagulat ako nang bigla niyang ipinasok sa bunganga ko ang diamond.
"Hoy ikaw babae!" Tinutukan ako ng baril ng holdaper kaya mabilis kong itinaas ang magkabila kong kamay.
Ramdam ko ang malamig na bakal ng baril habang nakatutok ito sa noo ko.
Sa sobrang kaba ko, napalunok ako ng laway at kasama ko rin na nalunok ang diamond.
Tangina! Nakakahilo ba itong diamond? Baka mamatay ako.
Lord, ayaw kong mamatay ng vírgin.
-----------------555----------------
Paano kapag parehong magtagpo ang landas nila sa iisang kompanya?
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dani kapag nalaman niyang ang lalaking pinagkamalan niyang manyàkis at sinabihan niyang feeling CEO ay magiging bagong boss niya pala?
Magbago kaya ang tingin nila sa isa't isa, kapag isang araw magising silang magkatabi sa kama?