CHAPTER 1

1586 Words
I smiled sweetly at the guy and offered my hand for a shaking hand. “Hi, you are Akiera Hades, right?” The guy hold my waist at nilapit ang mukha sa tenga ko. “Yes, that’s me, sweetie,” malandi niyang tugon at pabirong hinalikan ang pisngi ko. Oh my God! This guy knows how to play with a woman. A flirty man, huh. Nakarinig ako ng hiyawan at tilian ng mga kasama ko. Oo nga pala, nandito pala kami sa studio at hindi ko man lang naisip na baka may gawin sa akin ang lalaking ‘to. I laughed awkwardly and distanced myself from Aki. Narinig ko pa ang matunog nitong ngisi kaya bigla akong lumingon sa kaniya. Hindi man lang yata naalis ang titig nito sa akin kahit may mga kumakausap na sa kaniya. Pinagtaasan ko tuloy siya ng kilay at nanlaki pa ang mga mata ko nang kindatan niya ako. “Oh my God!” Nagulat ako nang hampasin ni ate Bianca – my manager – ang balikat ko. Niyugyog-yugyog niya pa ako at pinanlakihan ako ng mga mata. “Girl, Akiera winked at me, oh my! Baka hindi na ako makatulog mamaya!” Napakamot ako sa gilid ng noo ko nang hampasin na naman ni ate Bianca ang braso ko. Masyado siyang malakas manghampas kaya hinimas ko iyon. Sana ay hindi iyon bumakat. “Ladies and gentlemen, proceed na kayo sa stage. Last practice for today and tomorrow naman!” Sigaw ng choreographer namin kaya nagsikilos na kami. “Girl, huwag mong kalimutang ibigay ang number ko kay Akiera – my baby – ah, I know naman na hihingiin niya ‘yon sa’yo mamaya. Go na, dance gracefully, ‘wag masyadong i-touch ang bebe ko.” Tipid lang na ngiti ang tinugon ko sa mahaba niyang sinabi. Aware ako sa pagkakagusto ni ate Bianca kay Akiera. Hindi ko naman siya masisisi dahil ang lalaking iyon ay hindi makatarungan ang pagiging handsome. The first time na makita ko siya ay noong naging partner kami sa isang Ballet Competition. Ngayon lang kami nagkasama dahil nagdesisyon ang choreo nila at namin na mag-collab for the upcoming competition. Hindi naman talaga kami magka-partner noon. May accident na nangyari sa supposed to be my partner. So our choreographer talked to her husband. Mabuti na nga lang ay alam nila ang steps ng pr-in-actice namin. I shyly hold both of my hands to Akiera’s shoulder. Doon magsisimula ang sayaw at inaantay na lang namin ang tugtog. “You are cute, huh, what’s your name?” Napamaang ako sa biglang pagkausap sa akin ni Akiera. It’s almost five days na ng practice namin tapos hindi pa rin pala niya ako kilala? “Are you serious?” Maarte kong wika at inirapan siya. Everyday akong tinatawag ng kasamahan namin. Oras-oras, minu-minuto pa nga tapos ngayon he asked me, what’s my name? “I’m just joking, Aster. Masyado ka kasing kabado, eh sasayaw lang naman tayo.” Hindi ako against sa second name ko pero this is the first time na may tumawag sa akin no’n. Hindi ko na siya nagawang sagutin nang magsimula nang lamunin ng musika ang buong studio. “More emotions pa!” “That’s right, Akiera and Kiara, give us more kilig!” “Your hands, more graceful, please!” “That’s it, you all doing perfect!” “I loved it!” Nagpalakpakan kami nang matapos ang huling practice ngayong araw. Ang iba ay sumalampak na sa sahig dahil sa pagod. Dumiretso ako sa bag ko at kukuha na sana ng towel nang unahan ako ni Akiera. “Here,” at inabot sa akin ang towel na hawak niya. “I saw your manager while we are dancing, kinuha niya lahat ng towel sa bag mo at umalis.” Napatingin ako sa pinto kahit wala na roon si ate Bianca. Bumuntong hininga na lang ako at kinuha ang towel na inalok ni Akiera. “Thank you!” “No problem, give me your phone number.” “Nandoon ‘yong phone ko sa locker eh, mamaya ko na lang bigay ‘yong number ni ate Bianca ‘pag nakuha ko na.” “I said, your number, Aster.” Napatingin ako sa kaniya at nalilitong binuka ang bibig. Naitikom ko ‘yon nang titigan niya ang mga labi ko. “Ah, wait, what?” “Bigay mo na lang kung gusto mo,” medyo iritadong tugon nito. Nagtaka ako sa biglaang pagbabago ng emosyon niya. “Why gali… Alright, akin na ang phone mo,” pagsuko ko nang sumama na ang pagkakatingin niya sa akin. Umalis siya habang tina-type ko ang number ko. Habang hinihintay ko siyang makabalik ay inayos ko na lang ang mga gamit ko. “Hey, babe, want to have dinner with me?” Naiwas ko ang sarili ko nang bulungan na naman ako ni Akiera. I’m not comfortable kapag may bumubulong sa akin. It makes me want to shout and throw some things. Tinakpan ko ang tenga ko at yumuko. “No, Kiara, she’s not here, you’re safe kaya don’t think of it na,” pangungumbinsi ko sa sarili ko. Umu-okay na ako pero may biglang humawak sa batok ko. Malakas ko iyong hinawi at sinuntok ang mukha ng kung sino mang humawak sa akin. Binato ko lahat ng nadampot ko. Wala ng pakialam kung may matamaan o wala. “I told you many times! Ayoko nang saktan mo ako. Bakit ba hindi ka tumitigil?!” “You are crazy. Sana hindi na lang kita nakilala!” “Hindi ko pinangarap lahat ng ‘to!” “Please, don’t slap me. It hurts so bad!” Sumiksik ako sa pader at hinarang ang bag sa mukha ko. I’m scared to death dahil palapit na ang mananakit sa akin! Malapit na siya! Oh my God! “Aster!” Lumiyad ako at nanlalaki ang mga matang tinignan si Akiera na nakakunot ang noong nakatingin din sa akin. “Are you okay? Tignan mo, ang dami mong sugat sa pinaggagagawa mo!” “Huh?” Tinignan ko ang dalawang braso ko at may mga galos nga ako. Pang ilang beses na bang nangyari ‘to? Nanghihina ako at hindi ko na alam kung paano pang mawawala ang ganoong nangyayari sa akin. “Anong ginawa ko?” Naiiyak ko nang tanong kay Akiera. Umiling-iling siya at pinunasan ang pisngi kong may luha. “I’ll take you home, dito ka lang muna, ayusin ko lang gamit natin,” mahinahon nitong saad at umalis na sa harap ko. Ngayon ko lang napansin ang jacket na nakapatong sa bewang at pababa sa hita ko. Nang alisin ko ‘yon ay biglang nag-init ang pisngi ko. ‘What the heck, Kiara!’ Nahihiyang tumingin ako sa paligid upang malaman kung marami pa bang tao. Iilan na lang iyon at lahat sila ay sinusulyapan ako. Mukhang lahat ng taong narito ay nasaksihan ang nangyari sa akin. Hays! Napakagat na lang ako sa labi ko nang mabasa sa mga mukha nila ang takot at awa sa akin. Ganoon naman palagi ang tingin sa akin ng mga tao kapag nag-iiba ang ginagawa ko. Inilingan ko na lang iyon at yinuko ang ulo. Hindi ko magawang kumilos dahil natatakot akong lumihis ang jacket sa napunit kong damit. Hindi ko alam kung anong nangyari do’n. Siguro ay nasagi at napunit noong magbato-bato ako ng kung ano-ano. Nahihiya kong tinignan si Akiera nang lumapit siya sa akin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya hinintay ko na lang na siya ang mag-umpisa ng usapin. “May I know your password sa locker? Kukuhain ko ‘yong cellphone mo.” “Ahh yeah, it’s 0695,” ngumuso ako nang sulyapan niya ang hita ko. Sinigurado muna yata niya na maayos ang pagkakalagay ng jacket sa akin at umalis na para magpunta sa dressing room. “May pants ako do’n, Pakikuha, Aki, Thank you!” Nag-thumbs up siya nang marinig ang sigaw ko. I wait him for a couple of minutes. Nang makita ko siya ay tumayo ako hawak-hawak ang jacket na nakatakip sa hita ko. Naglakad na ako papunta sa CR upang magbihis nang ibigay niya sa akin ang pants. Hindi ko na siya kinausap dahil lalo akong nahihiya kapag nakatingin siya sa akin ng seryoso. “Hey, Aki, no need to take me home, I have my car naman,” nahihiya kong sabi nang makalapit ako sa kaniya. “Okay ka na ba?” Tumango ako at nginitian siya. Matagal niya akong tinitigan at bandang huli ay tumango rin siya. Hindi niya binigay ang bag ko habang naglalakad kami papuntang parking lot. Iniabot niya lang ‘yon nang nasa tapat na kami ng kotse ko. “A-ano, I’m sorry sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong nangyari pero sana ay wala akong nasaktang iba,” ani ko habang kinukuha ang gamit ko. “Wala naman bukod sa sarili mo,” tugon niya at tinignan saglit ang mga galos ko sa braso. Nagpaalam na akong aalis na at tumango naman siya. Ngumiti ako at kinawayan siya bago paharurutin ang kotse. “Ano’ng nangyari sa’yo?” Tanong ni Cyhael nang makarating ako sa bahay. I shook my head and lay down beside her. Doble ang pagod na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na lang sinabi sa kanila ang nangyari sa studio dahil alam kong mag-aalala sila. Nagpaalam ako at umakyat na sa kwarto ko. I want to sleep na kaya hindi ko na nagawang makapagpalit. Padapa akong humiga sa kama at pinikit na ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD