bc

The Show (Agent Series 2)

book_age18+
747
FOLLOW
2.7K
READ
spy/agent
murder
arrogant
independent
bxg
mystery
realistic earth
lies
secrets
brutal
like
intro-logo
Blurb

THE FOLLOWING CONTENT MAY COINTAIN ELEMENTS THAT ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.

ACCORDINGLY, VIEWER DISCRETION IS ADVISED.

PLEASE READ AT YOUR OWN RISK. 

•••••••••••••

We dance in rhythm

With the audience thinking that we are amazing

Not knowing that there's something

In the stage while we're dancing

•••••••••••••••

This is the second agent series.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
The third time I tried to get out of my condo unit, Aki's hand always got mine when I attempt to open the door. Hindi ko naman magawang mainis kapag nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya. I sighed and looked at the man beside me. His mysterious yet seductive brown eyes are locked at me, frustrated and worried. “Aster, please, huwag mo nang gawin ‘to,” pumungay pa ang mga mata ni Akiera habang nakatingin sa akin. This is not the time para sukuan ko ang matagal ko ng plano. Hindi ko na kayang manahimik habang ang iba ay paranoid sa paligid nila. I’m tired living like this. Inilingan ko siya at ipinaintindi sa kaniya ang nangyayari sa mundong ginagalawan namin. Kakasimula pa lang ng March ay pang-apat na ang namatay sa Ballet Group. This is so f*cking insane dahil wala man lang makuhang lead ang mga pulis para mahuli ang serial killers. "That’s why you’re here, babe,” malambing kong saad at hinawakan ang kaniyang pisngi. “If I didn’t come back within four hours, you know what to do.” Tinaas at baba ko pa ang kilay ko pero hindi pa rin siya kumbinsido. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang gilid ng ulo ko. There. That’s what I’ve been waiting for. Ang ganoong gawain ni Akiera ang nagpapagaan ng magulo kong kalooban. Pumikit ako nang mariin at kinalma ang nagwawala kong puso. Ang luha sa kaniyang mga mata ay nangingilid na. “Hindi mo naman kasi kailangang maging pain nila, Aster, ako na lang.” Umiling ako dahil alam kong hindi nila magagawan ng masama ang lalaking nakayakap sa akin. Duh? He’s known for being a gangster. Bata na lang siguro ang hindi nakakaalam no’n. This guy ay feeling innocent sa paligid niya! “Akiera, look at me,” wika ko at pinilit pang hinarap ang mukha niya sa akin. “Ako lang ang kaya nilang saktan. They know what you are, babe, suicide na sa kanilang malaman na kalalabanin mo sila,” natawa pa ako pero siya ay nakatingin lang sa akin. Naitikom ko tuloy ang bibig ko at hindi na lamang dinugtungan ang sasabihin. He’s so soft right now. Sumiksik ang ulo niya sa leeg ko at nakailang buntong hininga pa. “Tawagan mo ako agad, please lang, mahal!” I hugged him too at narinig ko ang mabilis ring t***k ng puso niya. My heart is racing so fast. Natatakot ako para sa mangyayari sa akin. Hindi ako pwedeng mag-fail. I need to get those ugly serial killers! Hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil nagkaroon kami ng practice ngayong Friday. This practice today is for the upcoming ballet competition in Russia. 5pm ang call time namin pero 4:30 na ay hindi pa rin ako nakakaalis. Ayaw akong pakawalan ni Akeira. Niyakap niya lang ako ng mahigpit at paulit-ulit na sinasabing mahal na mahal niya ako. Tuwing Friday nangyayari ang karumal-dumal na pagpatay ng serial killer. Nagdesisyon kaagad ako na gawin ang matagal ko ng plano nang magkaroon kami ng practice ngayong Friday. Kay Akiera ko lang sinabi na gagawin kong pain ang sarili ko para mahuli na ang serial killer. Kahit ilang beses na akong pagsabihan ng manager ko ay hindi ako nakinig. Hindi ko na lang sinabi sa kaniya ang plans ko for tonight. Hindi matatapos ang gulong ‘to kung hindi ako gagawa ng paraan. And this is the only way to finally know who’s behind the artist in ‘The Show”. “Kailangan ko nang umalis, Aki,” ani ko habang pilit na inaalis ang bisig niyang nasa bewang ko. Hindi niya agad ako pinakawalan. Mas humigpit pa nga kaya hinalikan ko siya ng isa sa labi. Iyon lang kasi ang alam kong makakapanghina sa lalaking ‘to. I guess my plan worked! Sinamaan niya ako ng tingin nang tuluyan akong makawala sa kaniya. “Samahan na lang kita.” Umiling lang ako at hinalikan ulit ang kaniyang labi. Nagmamaktol na ang itsura niya pero tinalikuran ko na siya. After this, hindi na muna ako hihiwalay kay ate Cyhael. Levine talked to me last time. Hindi naging maganda ang pag-uusap nila ng crazy mother namin. She blackmailed my ate. Our crazy mother wants Cyhael to die. Nasasaktan ako para sa kambal ko. Iniling ko na lang ang lahat ng nasa isip ko. Lumabas na ako sa condo unit at hindi na pinansin ang pagtawag sa akin ni Aki. Lalo lang ako kinakabahan kapag nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi siya gano’n kagaling magtago ng nararamdaman niya kaya nahihirapan ako kapag ganitong nag-aalala ang lalaking ‘yon. Ang condominium na tinitirhan ko ay malapit lang sa Studio. Dito ko na lang pinaghintay si Aki because if that serial killer knows we are together ay hindi nila ako magagawan ng masama. May hint na ako kung sino ang mga serial killers. I need to confirm it. Tumatawag ang manager ko habang naglalakad ako papunta sa Studio. Sinagot ko agad ‘yon dahil baka importante. “Hello po, ate Bianca?” Ako ang naunang bumati. Medyo bumibilis ang lakad ko nang mamataan na ang studio namin. May mga nakakasulong ako na mga nagmamadali rin. Pauwi na siguro sila at excited nang makapagpahinga. “Sis, where are you na? Ikaw na lang ang kulang,” nagmadali kaagad ako nang marinig ang sinabi ni ate Bianca. “Hala, opo, I’m outside na po,” tugon ko at nagpaalam na. Pinatay ko na ang tawag at pumasok sa loob nang nakangiti. I greeted them and pumasok sa locker room. May mga kumakausap sa akin tungkol sa nangyari noong isang linggo. Natatakot pa rin sila at kabado para ngayong araw. Nagpaplano na nga silang magsasabay ng uwi at hindi hahayaang may matira sa loob. Nang mailapag ko ang mga gamit ko ay nagsimula na kami, we started our daily routine kapag nag-pa-practice. Usually, 2 hours lang ang tinatagal ng practice namin but now, dahil kulang na kami ay nahirapan kaming mag-adjust. Almost 3 hours ang naging practice namin for today. Nakakapagod. Nang magkahiwa-hiwalay kami ng landas pauwi ay bumalik ako sa studio. Umakyat ako sa stage at nilibot ang paningin sa buong paligid. There’s something wrong! Wala akong kakaibang nararamdaman. Wala akong kaluskos na naririnig. Walang kakaiba pero pinapalala lang no’n ang kaba sa dibdib ko. Ilang minuto akong nag-stay sa stage. Nang manawa ay pumasok ako sa dressing room at pinakiramdaman ulit ang paligid. Umupo ako kung saan namin huling nakita si Pauline. Kinikilabutan ako pero mas pinili kong labanan iyon at naghintay kung may papasok. Namamawis na ang kamay ko. Panay rin ang tingin ko sa wrist watch na suot ko. Come on! Kinalikot ko ang bag ko nang maramdaman ang mga yabag. Papunta iyon dito sa dressing room kaya nagkunwari akong walang napapansin. “Asan na ba ang concealer ko?” Wika ko. Napalingon ako sa salamin at nakita ang dalawang tao na nakangisi na sa akin ngayon. Pumalakpak pa nga sila at umiling-iling. Nginitian ko sila kahit kabado ako. Act like you didn’t know why they are here, Kiara. “Hey, what are you doing he….” I stopped and everything went fast nang biglang hatakin ng isa ang buhok ko. Natumba ako patalikod sa kinauupan ko at bago ko pa sila tignan ay tinapakan na ng isa ang mukha ko. Masakit dahil sa mismong mata ko nakapwesto ang maalikabok nitong sapatos. Mahapdi sa mata kaya pinikit ko na lamang ang mga ‘yon. Pinipilit kong tinatanggal ang paang nakatapak sa pagmumukha ko. Sinuntok-suntok ko ang kaniyang binti pero masyado iyong malakas para sa ganitong pwesto ko. “You f*cking feeling innocent b***h! Salamat naman at ikaw ang naabutan namin dito,” pabalang na wika ng nakatapak sa akin. Ang taong sumabunot sa akin kanina ay naramdaman kong nilapit ang mukha sa akin. Ang amoy garlic nitong bunganga ay tinapat pa sa mismong ilong ko. “Akala mo naman special ka kay Akiera? No, b***h! Isa ka lang sa mga laruan niya!” Natakpan ko tuloy ang butas ng ilong ko at bumulong-bulong. “Feeling magaling sumayaw, mukha naman tuod,” tumawa pa ng malakas ang nakatapak sa akin kaya mas lalong humapdi ang mukha ko. Masyado siyang malikot tumawa at nadidiinan na niya mukha ko. Masakit na ang gilid ng ulo ko dahil sa sapatos na suot ng taong nakatapak sa mukha ko. Nang tanggalin na niya ay hindi ko agad nagawang ibukas ang mga mata ko. Kumurap-kurap ako upang mawala ang hapdi no’n. Napaigik ako nang bigla nilang hilain ang mga paa ko. “What the hell?!” They tied both of my feet to a chair. It’s so masikip kaya hindi ko napigilang sabunutan ang malapit sa akin. “You mother f*cking killers! Pray na kayo, kapag nakawala ako dito ay hindi na kayo makakalabas sa kwartong ‘to!” “Sinong tinakot mo? You are just a weak girl na pilit binabagay ang sarili sa Ballet Group,” sinampal niya ako nang matanggal niya ang pagkakasabunot ko. “Hey, its masakit kaya! Dahan-dahan naman sa pag-tie ng paa ko!” sigaw ko nang mas tumindi pa ang sakit na dinudulot no’n. Medyo namamanhid na ang mga paa ko. Ang awkward na rin ng pwesto ko dahil both of my feet ay nakataas sa upuan dahil nakatali ang mga iyon sa sandalan. “Why do you have to do this?” I asked them. Panay ang sulyap ko sa pinto. It’s almost four hours simula nang umalis ako sa condo unit pero Akiera is still not here! “Tiisin mo lang ang sakit Kiara ah? Wala namang special sa’yo kaya kukunin na lang namin ang mga paa mo. Don’t worry, tomorrow will be your last day na makakasayaw sa stage. We will make it grandiose kaya stay put ka lang diyan!” Parehas na lumapit ang dalawa sa mga paa ko. They have both holding a kitchen knife! Oh God! Iyon ba ang ginagamit nila sa mga biktima nila? This is so brutal! Paano nakayanin ng iba ‘to? They started to slice my feet! Oh my God! I can’t take this suffering! Ang bagay na humihiwa sa akin ay tinatanggal ang lakas kong makasigaw at humingi ng tulong. Impit akong napasigaw nang biglang bumwelo ang isa at tinaga ang paa ko. “T*ng-ina, tama n… Ahh!” Hindi nila ako pinapakinggan. Tuwang-tuwa pa nga silang naririnig ang sinisigaw ko. “That’s it Kiara! Scream hanggang mawala ka sa ulirat. Don’t worry, hindi ka na magigising pa dahil may lason ang kutsilyong ‘to.” Arg! Ramdam ko ang dugong dumadaloy pababa sa legs ko. Para nilang nilalagare ang mga paa ko! Anong klaseng mga tao ‘to? Kung ganito ang pinagdaan ng mga biktima ay imposible talagang mabuhay pa sila! Hindi lang sakit ng hiwa ang papatay sa’kin, kundi ang lason na unti-unting bumabalot at pina-paralyzed ang binti at hita ko. Para na akong mababaliw sa sobrang sakit na dinudulot ng paghiwa nila sa mga paa ko. “Akiera!” Hindi ko na napigilang sumigaw. Pinipilit kong idilat ang mga mata ko. Sobrang sakit na nang ginagawa nila. Anytime ay alam kong mawawalan na ako ng malay! “Close your eyes.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook