“Really?” Manghang aniya habang nagmamaneho pa rin. “Mmm,” tugon kong nakaiwas ang tingin. “Saan ka nagtatrabaho? Let’s go there!” Masayang anyaya niyang pinanlakihan ko ng mga mata. Owshit! Napakamot ako sa ulo ko nang hindi agad ako nakapag-isip ng idadahilan. Wala si Irene sa Pilipinas dahil sa mission niya kaya baka magulat iyong mga trabahador niya sa bigla kong pagsulpot. Irene has a restaurant all over the Philippines. Bukod kay Meisha ay pumapangalawa siya sa mga asensado sa aming mga agents. “Tomorrow na lang? May gagawin pa kasi ako sa bahay,” saad ko na lang dahil kailangan ko pang makausap si Irene. “Okay, sabihin mo na lang sa akin kung saan iyon para roon na lang tayo magkita,” suhestiyon niyang tinanguan ko na lang. Naging tahimik na ang pagitan namin habang tinatah

