TODAY is Argus’ birthday party. Na-i-text ko na ang mga kakambal ko na naimbitahan ako. Ate Levine will come too, that’s why I’m a litte nervous. I don’t know if I’m good at acting like we don’t know each other. Baka hindi ko na namamalayan na nag-uusap na pala kami na magkakilala talaga. I should ready myself. Dapat natural lang. Naglinis muna ako ng condo ko bago ayusin ang mga gamit na dadalhin ko. Dito na lang din ako mag-aayos para hindi na ako masyadong magahol kapag nandoon na ako. I will wear a simple two-piece dress since beach theme ang party ni Argus. Magbabaon lang siguro ako ng dalawang pares ng damit dahil kinabukasan pa ang uwi namin. Hindi na rin ako magdadala ng swim suit dahil I have something to hide on my body. I guess it’s not the right time to display it around

