NAIHILAMOS ko ang aking dalawang kamay sa sariling mukha. Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko. Para ako matatawa pero lamang naman ang inis. “Hayop ‘yan, ano ‘yon?” Napabangon ako sa pagkakahiga at ilang beses pang tinuktukan ang gilid ng ulo ko. Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko at mukhang papasikat pa lang ang araw. “Tang-inang panaginip ‘yan, parang totoo,” pagkausap ko pa sa sarili ko nang hindi pa rin maka-move on. Talagang ch-in-eck ko pa ang cellphone ko kung nangyari nga iyon. Bakit naman kasi gano’n, Hades. Sa dinami-dami ng pwedeng mapanaginipan tungkol kay Aster iyon pa talaga. “May trust issue na tuloy ako kay Jack. Huwag lang talaga siya magpapakita sa akin!” Bumangon na ako at pumasok sa bathroom. Kailangan kong mahimasmasan dahil umuusbong na naman ang ir

