Chapter 4

1210 Words
Chapter 4   Halos hindi ko na marinig ang nasa paligid dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ganito ang inaasahan kong madaratnan ko sa aming tahanan. “Kahit anong mangyari ay huwag na huwag kang lalabas at gagawa ng ingay, Sayah.” Narinig niya ang boses ng kanyang ama. Tumango si Sayah kahit na hindi niya nakikita ang mga ito. Pinahid niya ang luhang kumawala sa kanyang mga mata at mahigpit na tinabanan ang kwintas na nakasuot sa kanya. Bakit niyo po hinayaan na mapunta kami sa ganitong sitwasyon? Tanong niya at tumingala. Naalala niya ang kanyang mga kapatid. "Basta pangako 'yan, Ate Sayah. Tuturuan ka namin ni Aki paano sumulat ng pangalan at paano magbilang. Para pag nagbebenta ka ng basahan ay hindi ka na maloko,” wika ni Ani “Hmp! Ang sasama nila, Ate. Dapat nga ay mas magbigay sila ng sapat na bayad sa mga nagsisikap mabuhay pero ang ginagawa nila ay naloloko pa ng kapwa." Hindi niya kailanman naisip na darating sa puntong mawawala sa ganoong paraan ang mga bata niyang kapatid. Nang dahil sa isang nilalang na hindi niya alam na nabubuhay sa mundo nila. “Nasaan na kayo? Bakit pa kayo nagtatago hm?” Natutop ni Sayah ang kanyang bibig nang muling marinig ang boses ng bampira na kumitil sa buhay ng dalawa niyang batang kapatid. Walang bata at sa mga halimaw na ito, tiyak na kahit sanggol ay hindi magdadalawang isip ang mga ito na patayin. Nakarinig si Sayah ng malakas na ingay at sa tingin niya ay iyon ang pinto ng kwarto ng kanyang mga magulang. “Huli kayo...” Mula sa butas ay nakita ni Sayah na hinarangan ng kanyang ama ang kanyang ina. Itinago nito sa likod ang kanyang ina at masama ang mga mata nitong nakatingin sa bampira. “Halimaw ka!” sigaw ng kanyang ama.   Nakikita niya ngayon ang takot sa mukha ng kanyang mga magulang ngunit nananatiling matatag at umaasa na makakaligtas sila sa bampira na narito sa bahay nila. Tatay... “Matagal na, bakit ngayon niyo lang nalaman na halimaw ang mga bampira?” sabi nito at tumawa ng malakas. Hindi niya mapigilan ang panginginig ng katawan nang makita niya ang itsura ng bampira. Mula sa butas ay kitang-kita niya ang dugo sa mga kamay at mukha nito. “Kapag talaga dugo ng mga bata ay masasarap, bakit ba ngayon ko lang natagpuan ang tahanan na ito?” sabi ng bampira at nakita niyang dinilaan nito ang kamay na may dugo pa. Napailing ng ilang beses si Sayah nang maalala niya ang kanyang mga kapatid. Napaka bata pa ng mga ito para danasin iyon! “Hayop ka!” sigaw ng kanyang ama at inatake ang bampira. Kaagad na nilukob ng takot ang kanyang sarili nang makitang sinipa ng bampira ang kanyang ama at pagkatapos ay hinawakan ito sa leeg. Napasigaw ang kanyang Ina nang makita nitong ibaon ng bampira ang kamay sa tiyan ng kanyang ama. H-Hindi... Sumuka ng dugo ang kanyang ama dahil sa nangyari. Nakita ni Sayah kung paano kagatin ng bampira sa leeg ang kanyang ama at ang mabilisang pagkaubos ng dugo nito. Nang bitawan ng bampira ang kanyang ama ay maputla na ito at wala nang dugo. Sa galit ng ina ni Sayah ay sinugod din nito ang bampira ngunit kaagad na natigil ng hawakan ng bampira sa ulo ang kanyang ina. “H-Halimaw ka... halimaw!” sigaw ng kanyang ina. Masaganang tumutulo ang mga luha ni Sayah dahil sa nakita. Ang ngiti sa mga labi ng bampira ay hindi nawawala habang iniisa-isa nito ang kanyang pamilya. “Sabihin mo sa akin, babae. Nasaan pa iyong isa? Saan mo itinago?” tanong ng bampira. Sandaling napatigil si Sayah nang marinig iyon. Pati yata ang pagtibok ng kanyang puso ay tumigil nang marinig ang sinabi ng bampira. Kung ganoon ay alam nitong nabubuhay pa siya! Alam nito na may isa pang natitira! “W-Wala! Apat lamang kami sa pamilya na ito! Hindi ka na makakakita pa ng tao dahil itong tahanan lang namin ang nag-iisa sa itaas ng bundok!” sigaw ng kanyang ina sa bampira. “Tiyak na kapag bumaba ka ay papatayin ka ng mga tao! Malakas lamang ang loob mo dahil wala kaming laban sa ‘yo!” Sinampal ng bampira ang kanyang ina at malakas itong tumawa. Napakasakit sa tainga ng tawa nito. “Hangal! Anong laban ng mga iyon sa akin? Tao lamang kayo at kahit pa isang libo ay hindi niyo ako mapapaslang! Mauuna pang maubos ang mga katulad niyo kaysa sa mga uri ko, huwag kang makampante, babae!” Sabi ng bampira sa kanyang ina. Hindi kailanman naisip ni Sayah na mapupunta ang kanyang pamilya sa ganitong sitwasyon. Kahit na simple lang ang pamumuhay at kung minsan ay walang makain ay hindi iyon naging sagabal sa kanilang pamilya upang maging masaya. Ni minsan ay hindi niya naisip na mawawala ang kanyang pamilya nang dahil sa isang halimaw na bampira. Nang muling tingnan ni Sayah ang bampira ay napansin niya ang kulay ng buhok nito. Matangkad ang bampira at maputla. Hindi rin sobrang tanda ng itsura nito. Ang mas nakaagaw ng pansin niya ay ang tatto na bungo sa leeg nito. “Nasaan na ang isa pa babae?” Mahigpitan na hinawakan ni Sayah ang kwintas na ibinigay ng kanyang ina. Hindi maaaring mauwi sa wala ang sakripisyo ng mga ito para lang mailigtas siya. Kailangan niyang maging matapang pagkatapos ng nangyari na ito at kailangan niyang magpatuloy. Isinusumpa ko ang mga bampira... “S-Sinabi ko na sa ‘yong w-wala- Nakarinig si Sayah ng tunog at nang muling mapatingin sa kanyang ina ay nakalaylay na ang ulo nito. Nakita niyang dilat pa ang mata ng kanyang ina habang nakatingin sa kanyang kinalalagyan. Nanay! Napausal ng dasal si Sayah sa Diyos. Huwag sanang matunton ng bampira ang kinalalagyan niya. Ayaw niyang mauwi sa wala ang sakripisyo ng pamilya para lang mabuhay siya. Nanay, tatay, Aki, ani... bakit nangyari sa atin ito? Bakit? Kinagat ng bampira sa leeg ang kanyang ina at katulad ng nangyari sa kanyang ama ay nakita na lamang niya itong bumagsak sa sahig na wala nang buhay. Mapuputla na ang mga ito dahil sa pagkaubos ng dugo. “Hm... nagkamali lang ba ako sa amoy ko kanina? Hindi kaya nakatakas papunta sa ibaba ang batang naamoy ko?” K-Kung ganoon ay alam niyang may natitira pa. “Naamoy ko na ito kanina pa lang sa harap ng bahay, pero paanong nawala bigla ang amoy?” Umikot-ikot ang bampira sa loob ng silid. Nakahawak ito sa baba at pinipigilan ni Sayah na makagawa ng ingay. Dahil din sa kanina niya pa pag-iyak ay pati ang paghikbi ay kanyang pinipigilan. “Siguradong nakababa iyon ng bayan, pero sa harap ako dumaan. Hindi kaya nagtatago lamang iyon dito sa loob ng silid?” Nanlaki ang mga mata ni Sayah nang magsimulang tingnan ng bampira ang maliit na silid ng kaniyang mga magulad. Tiningnan pa nito ang ilalim ng kama. Nang mapadako ang tingin nito sa malaking cabinet kung nasaan siya ay naglakad ito doon palapit. H-Hindi, u-umalis ka! Umalis ka na! Sigaw ng isip ni Sayah. Ngunit hindi umalis ang bampira. Ang mga kamay nito ay nakahawak na sa pinto ng cabinet. Hindi!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD