Chapter 2

1345 Words
Chapter 2 Pawis na pawis si Sayah dahil sa pag-iipon niya ng mga kahoy na gagamitin nila. Malapit na kasing umulan ng niyebe at kailangang maraming kahoy ang maipon niya upang panluto nila at panlaban sa lamig. Ilang beses na siyang nagpapabalik-balik sa ibaba ng kagubatan upang maghanap ng mga tuyong kahoy. "Aki, huwag masyadong malayo ang paghagis mo ng bola. Baka mawala, iyan lang ang laruan natin na regalo ni Tatay."   "Ay, pasensya ka na, Ani. Sige at hindi ko lalakasan ang paghagis."   Napangiti siya nang makita ang dalawa niyang kapatid na masayang nag-lalaro. Si Ani ay anim na taong gulang at si Aki naman ay limang taong gulang.   "Aki! Huwag sabing malakas!"   Bumalik muli si Sayah sa ibaba ng gubat. Iyon na ang huling baba niya at siguro ay ipagpapabukas na lamang ang paghahanap ng mga tuyong kahoy na maaari niyang magamit. Napakahirap ng kalagayan nila, kung hindi siya magsisikap at tutulong sa kanyang Ama ay wala silang kakainin sa araw-araw. Kahit ang pagbibilang ay hindi niya alam at hanggang lima lamang ang kanyang nalalaman. Ni hindi niya kayang isulat ang kanyang pangalan.   "Hindi naman siguro kailangan iyon sa pag-gawa ng basahan?" Mahinang biro niya sa sarili. Nang maka-ipon ng mga tuyong kahoy ay bumalik na kaagad siya sa kanilang bahay. Nang maihanay ang mga tuyong kahoy na kanyang nakuha sa ibaba ng gubat ay pinuntahan niya ang dalawang kapatid na nag-lalaro at pinanood ang mga ito.   Kay saya sa pakiramdam marinig ang mga tawa at masayang mukha ng mga ito habang naglalaro.   "Ate Sayah, sali ka! Taguan ang laro. Ayaw na namin ng bola. Ikaw ang taya!" Sabi ni Aki sa kanya at hinila siya upang pumunta sa puno.   "Bibilang ka lang tapos magtatago kami tapos ay hahanapin mo kami. Kung sino ang huli mong makita ay siyang taya. Ganoon lang." kahit na pagod sa paghahanap ng mga tuyong kahoy at sa pag-akyat baba sa gubat ay pinagbigyan ni Sayah ang kanyang mga kapatid.   "Sige na nga." tumayo siya at pumikit sa tapat ng puno.   "Ate Sayah, ganito." itinuro sa kanya ni Aki kung paano, inilagay nito ang dalawang braso sa puno at ang ulo ay nakadikit sa mga braso na magkapatong.   "Tapos pikit."   Tumango siya sa kapatid at ginaya ang ginawa nito pagkatapos ay nagbilang.   "Isa... dalawa... tatlo... takbo! Ani, takbo ka na! Magtago ka na! Si Aki, wala na dito nakapagtago na. Magiging taya ka kapag mabagal ka, sige."   "Hala, Ate Sayah naman! Hindi pa ako handa kasi, dapat nagsabi ka na mag-uumpisa na. Bigla ka naman kasi kaagad bumilang. Hindi ako makakapagtago kapag mabilis."   "Ate Sayah, kung hanggang sampu kaya ang pagbilang? Mas maganda hanggang sampu para mas matagal."   Napakamot si Sayah sa kanyang batok sa sinabi ni Aki, paano siya bibilang ng hanggang sampu kung hanggang lima lamang ang kaya niya? Hindi naman kasi siya nakapag-aral kaya hindi niya alam kung paano bumilang hanggang sampu.   "Ay, Aki! Hanggang tatlo na lang, ayos lang. Nakalimutan mo na naman na hindi si Ate nakakapagbilang hanggang dalawampu." Saway ni Ani kay Aki.   Dahil sa kahirapan ay sa edad na siyam tumutulong na lang siya sa kanyang Ama para kumia ng pera nagbebenta siya ng mga basahan sa 2nd district. Nasa itaas ng bundok ang bahay nila at medyo malayo sa ibang mga kabahayan. Halos lahat ng mga nasa 3rd district ay hirap ang pamumuhay at isa sila sa mga pamilya na kung hindi magsisikap ay hindi makakakain ng isang araw.   "Sige, Ate mamaya... tuturuan kita ha? May bago akong natutunan kanina sa paaralan. Iyong tungkol naman sa pagsusulat ng pangalan. Pero unahin natin iyong sa pagbibilang." Ngumiti siya sa kanyang kapatid na si Aki. Libre lamang ang pag-aaral ng mga ito sa kabilang bayan at nagpapasalamat siya dahil may isang nagboluntaryo magturo ng libre sa mga bata sa 3rd district. Sa totoo lang ay pinayagan naman siya ng kanyang Ina na pumasok din upang kahit ang pagsusulat ng pangalan ay alam niya pero tumanggi na siya at mas pinili na lamang na tumulong sa mga ito upang kumita ng pera.   "Salamat, Aki." Wika niya sa kapatid na lalake.   "Hala... ako din, gusto din kitang turuan, Ate Sayah."   Lumuhod si Sayah sa harap ni Ani at hinawi sa likod ng tenga ang buhok nito. Nakakatuwa at ibinabahagi ng kanyang maliliit na kapatid ang mga natututunan nito sa kanya. Kahit na maliliit pa lang ang mga ito ay namulat na sa hirap ng sitwasyon nila.   Sa totoo lang ay minsan na siyang nadaya sa pagbebenta ng basahan sa 2nd district. Binayaran siya ng lalake ng tatlong silbero para sa tatlong basahan, ang halaga ng isang basahan ay isang silbero. Hindi pamilyar ang silbero na ibinayad sa kanya ng lalake at ang sabi lamang nito ay bagong pera iyon sa 2nd disctrict. Nang makaalis ang lalake ay nagtanong siya sa isang matanda na nagtitinda ng mga gulay.   Itinanong niya kung magkano ang mga silbero na ibinayad ng lalake at sinabi ng matanda sa kanya na hindi na tinatanggap ang silbero na iyon dahil nagpalit na ng pera ang kanilang lugar. Nanlumo si Sayah dahil don.   Ngunit hindi iyon ang huling beses dahil nasundan pa. Isang matandang babae ang bumili sa kanya ng dalawampung piraso ng basahan. Tuwang-tuwa siya noon dahil halos maubos ang kanyang tinda. Nang iabot sa kanya ng babae ang bayad ay sinabi nitong dalawampung silbero na iyon at hindi na kailangang bilangin pa. Nagtungo si Sayah kay Pen ang kaibigan niyang nagtitinda rin ng basahan at pinabilang niya ang silbero dito. Halos maiyak siya ng sinabi nitong labing limang silbero lamang ang ibinayad ng babae.   Hindi madaling gumawa ng basahan dahil madalas ay inaabot siya ng madaling araw. Ang mga tela ay hinihingi niya lamang sa tahian sa bayan at kung minsan ang ibang tahian ay inuutusan pa siyang linisin ang lugar ng mga ito.   "Basta pangako 'yan, Ate Sayah. Tuturuan ka namin ni Aki paano sumulat ng pangalan at paano magbilang. Para pag magbebenta ka ng basahan ay hindi ka na maloko. Hmp! Ang sasama nila, Ate. Dapat nga ay mas magbigay sila ng sapat na bayad sa mga nagsisikap sa buhay pero ang ginagawa nila ay nanloloko pa ng kapwa." Wika ni Ani.   Niyakap ni Sayah ang kapatid sa sinabi nito. Bata pa lamang ngunit kung magsalita na ay akala mo napakaraming pinagdaanan sa buhay. Ganoon din si Aki, natutuwa siya dahil ang mga kapatid niya ay lumaking mapagmahal sa pamilya. Hindi rin mapili ang mga ito sa pagkain at hindi rin nagrereklamo kapag paulit-ulit na kamote at saging ang kanilang kinakain.   "Halika nga kayo rito."   Lumapit din si Aki sa kanya at yumakap din ito. Nagtawanan pa ang dalawa niyang kapatid nang panggigilan niya ang mga ito.   "Mahal na mahal kayo ng Ate, tandaan niyo 'yan ha?"   "Opo! Mahal na mahal ka di namin, Ate Sayah."   "Kapag lumaki na kami, Ate Sayah magpapagawa tayo ng malaking-malaking bahay! Tapos hindi mo na kailangan pang magtinda ng mga basahan kasi kami na ang magtatrabaho ni Ani, siguro tapos na kami nun mag-aral. Saka hindi na rin palaging kamote at saging ang ulam natin dahil sa susunod ay chicken na at masasarap na pagkain na hindi pa natin natitikman!"   Hinimas niya sa ulo si Aki, maambisyon ang mga kapatid niya. Sana ay ipagkaloob ng Diyos ang hiling ng mga ito. Hindi rin siya magsasawang gabayan ang mga ito sakaling maliko na ng landas. Nandito lang siya palagi upang gabayan ang mga ito.   "Oh siya, pasok na tayo sa loob at lumalamig na. Mamaya lang ay sigurado akong uulan na ng niyebe na."   "Yehey! niyebe! Laro tayo ng batuhan ha? ha? Ate Sayah?"   Sa kaliwa niyang kamay ay nakataban si Ani at sa kanan niya naman ay si Aki. Naglakad sila papasok sa loob ng bahay. Nakita na rin kasi niya ang kanyang Ina na kumakaway sa kanila at mukhang handa na ang kanilang hapunan.   "Oo, maglalaro tayo." Sagot niya kay Ani. Nang gabi ding iyon ay umulan na nga ng nieyebe. Mabilis na natakpan ng niyebe ang kalupaan. Siguradong bukas ay maaga siyang gigisingin ng kanyang dalawang kapatid upang ayaing maglaro.                                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD