"Agatha Marie Mulach!" napangiti ako nang narinig ko kung kaninong boses iyun nang galing. Eto na si baby pat, on the way na sa akin. Nakangiti akong inangat ang ulo ko. Nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko habang nakapamewang.
"what is the bees talking about? What did you do to papi Sir of mine?" Galit niyang tanong sa akin. Ngumiti naman ako nang matamis.
"eto naman si baby pat ko, galit na naman. Tara, sit beside me. Pero pwede ring kumandong ka nalang sa akin. Pumili ka kung saan sa dalawa. Pero mas bet ang yung last." malandi kong sabi sa kanya. Malay mo, maseduce siya, edi three points.
Nangunot ang noo niya. Parang gusto ko tuloy hawakan yung noo niya at imassage. Hays, pa hard to get kasi si baby Pat ko eh. Kunwari, dalagang pilipina siya. Kaya ayan, ako yung nagmomove step para sa aming dalawa. Ang hina niya kasi.
"Stop! Hindi ako tatabi sayo at mas lalong, ewww, hindi ako kakandong sayo! Mandiri ka nga, errr, nasusuka ako sayo eh!" nandidri niyang tugon. Napasimangot nalang ako. Grabe siya, kung makapandiri, akala mo may sakit akong nakakahawa.
"Ay, grabe siya. Ikaw nga tong, susugod-sugod dito. Ikaw na nga itong na miss ako, ikaw pa ang choosy" pangangasar ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Ay, ako pa ang nawalan? Ganurn beh? We are not talo okay, got it?" Wika niya at nagslaslang englinsh pa. Umirap ako sa kanya. Ganyan naman siya palagi eh, pinagmumukha niya sa akin na bakla siya at lalaki ang hanap niya.
"Eh... baby pat naman e"
"Don't call me like that!"
"Eh,anong gusto mo itawag ko sayo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya. Yung ngiting nakakatunaw. Naku! Kung di lang bakla itong si baby pat, e! Maraming magkakagusto sa kanya! Ang gwapo niya kaya. Kung titignan nga siya akala mo tunay na lalaki.
Sadly, lalaki ang gusto niya.
"Dyosa! Call me, dyosa!" Ani niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ay, mang-aagaw ng trono? Ako yung dyosa baby pat, ikaw--ikaw ang aking hari. Bale, ako si Hera tapos ikaw si Zeus. Ganern yun! Patawa ka talaga" saad ko.
"What? You call yourself a dyosa? Di nga? You look like a trash!" Panlalait niya pa.
"Uy! Grabe ka, basura talaga?"
"Buti nga basura lang, ano gusto mo maligno?" Panlalait niya. Napasimangot ako. Abusado siya sa panlalait ah.
"Ang gandang basura ko naman"
"Ay, hanga din ako sa confidence lalu mo noh? Ang taas-taas, di mareach ng beautiful hand ko" sabi niya sabay hawi ng imaginary hair niya. Napacross-arm nalang ako at napatingin sa kanya. Ganon lang ang ginawa ko, habang siya ay nakangiti.
"By the way, back to the topic! What did you do to my papi mine? You embarass him daw! How dare you?!" Sigaw niya sa akin. Napatayo naman ako at sinubakan na yumakap sa kanya, kaso pinantulakan niya ako.
"Eii, he looks like a gangster!" Pagtatanggol ko sa sarili ko. Eh, mukha naman talaga siyang gangster eh!
Nangunot ang noo niya. "Hindi siya mukhang gangster! He is so...so...hot!" Aniya kaya napairap na naman ako.
"Ano bang hot doon? Pang jose rizal ang hairstyle, parang may obssesion sa history. Tapos parang hindi kumakain dahil ang payat-payat! Tapos kung makaeyeglass ang laki-laki pa! Tapos... tapos yung tee shirt niya! Yung tee shirt niya parang gangster!" Paglilintanya ko sa harapan niya. Napaperfect o ang kanyang bibig na para ba'y gulat na gulat siya sa sinabi ko.
"OMG! You..." tinuro turo niya ako. "Are you even aware na dalawa ang jerome dito sa school?" Tanong niya.
Confident akong tumango."ofcourse! Because I'm beautiful!" Taas noo kong sabi. Napailang siya sa akin.
"OMG! I pity you!"
"Ha?,bakit?" Nagtataka kong tanong.
"You got a wrong information! Si Sir Jerome Fuentes ang tinutukoy ko! Not the ugly Jerome Alcantara!" Aniya. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
W-what??
Bago pa ako makapagreact ay natanaw ko ang galit na galit na aming SDO na naglalakad papasok ng aming cafeteria. Nang natanaw niya ako ay agad siyang tumigil sa paglalakad at tinuro ako.
"You! Proceed to my office now!" sigaw ni Sir Dimanda sabay talikod paalis. Napalunok ako at napayuko lalo na nang napatingin ang mga estudyante sa akin.
lagot ka, Aga. ang shunga mo kasi.
"You're so boba kasi e. Don't worry i'll wait you outside nalang sa kulungan." dismayang wika ni Patirick, pagkatapos ay umalis. Napabuntong hininga naman ako.
So what kung papagalitan ako?! kaya ko yan noh! Go agatha! Kaya mo yan!
--
"PO?!" gulat kong wika kaya napatayo ako. Nagkasalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa akin. Nakakaloka naman ang punishment.
"Ayaw mong ma suspend di ba? edi pwes, maglinis ka nang banyo ng mga lalaki, ng mga babae at pati na rin yung lumang library room. O? angal ka pa?" mataray na wika ni Sir Dimanda. Napasimangot ako. Grabe naman siya! ipapalinis niya talaga sa akin yun? Wala ba siyang mercyfeel?
"Ay, Grabe siya o. Hindi ka po ba naawa sa akin?" pagmamakaawa ko.
"eh, Bakit? naawa ka ba nang bastusin mo si Sir Alcantara sa klase niya? Now, face your consequence!" singhal niya sa akin.
"p-pero po..."
"ano? gusto mo ba tawagan ko pa sila Mr. and Mrs Mulach?" pananakot niya sa akin. Napangiwi naman ako.
"ay, may shooting si papa eh, with Leah Salonga, yung sana maulit muli. Napanood mo ba?" pangbibiro ko kay Sir Dimanda. Masyado kasi siyang seryoso e. Tinaas niya ang kanyang kilay sa akin.
"excuse me?" mataray niyang tanong.
"dadaan ka po sir?" tanong ko pabalik sa kanya. Agad siyang tumayo at napamewang.
"Hinahamon mo ba talaga ako, Ms. Mulach?!" galit niyang tanong sa akin. Napasimangot naman ako. Mahirap na, baka bumuga na siya nang apoy, masunog pa ako. Paano nalang si Baby pat ko? wala na siyang makakatuluyan pa? Tatanda siyang mag-isa.
"Ay! HIndi po! Eto na nga po oh. Tatayo na, aalis na, at maglilinis na. Pero uunahin ko po kayo ha? Itatapon na po ba kita sa basurahan?" tanong ko. Bago pa siya sumigaw muli ay mabilis na akong lumabas sa opisina niya.
Napalabas ako ng malalim na hininga. Ang shunga ko kasi e. Bakit hindi ko naisip na dalawa pala ang Jerome dito sa school? masyado ako nagpadala sa selos e. Lesson Learn: Huwag magpadala sa selos dahil bubuga ng apoy si Sir Dimanda.
Agad akong naglakad patungo sa Janitor's Room. Kukunin ko yung walis, map, trashcan at yung dustpan. Maid mode ako ngayon eh. Parusa ko. Ayaw ko rin naman tanggapin ang suspended noh! baka, may lumandi kay baby pat habang wala ako. Nang nasa Janitor's room na ako, kinuha ko na ang mga gamit na dapat kong kunin. Pagkalabas ko, bumungad sa akin si Shovy na nakapamewang at nagkasalubong ang mga kilay.
okay, alam ko na ang susunod neto. Sesermonan niya ako.
"shovy--"
"Ano na namang katangahan ito,Aga? Hindi ka pa ba natututo sa mga punishment mo? noong nakalipas lang pinalinis ka ng storage room dahil sinira mo ang project ni mikay, kase nagalit ka nang nakita mong hinalikan niya sa pisngi si Patrick. Tapos, ngayon naman? Binastos mo si Sir Jerome dahil nalaman mong may gusto si Patrick sa kanya, which is nagkamali ka. Si Sir Fuentes pala ang tinutukoy niya. Alam mo, sa pagkakagusto mo dyan kay PAtrick, palagi kang napapahamak. Dapat itigi--"
"Pwede ba shovy? Choice ko ang magpakatanga, kaya sasaluhin ko ang lahat na consequences. Kahit anong parusa, tatanggapin ko. Mahal ko e" sagot ko sa kanya. Tinignan niya ako sa mata pagkatapos ay bumuntong hininga siya. Agad ko siya nilampasan.
"Pero..." napatigil ako nang nagsalita ulit siya. "bakla siya. Ang sama tignan na ang isang babae magkakagusto sa isang bakla. Ano nalang ang sasabihin ng iba?" wika niya. Mahigpit kong hinawakan ang walis.
"Wala akong pakealam sa opinyon ng iba." ani ko, pagkatapos ay lumisan na.
they don't unsderstand, because they weren't on my shoes.
I fall in love sa lalaking pusong babae.
--