Chapter 3

1811 Words
"May nakapag say na ba sayo na mukha kang basang piglet?" napatigil ako sa pagmamap ng sahig ng bigla nalang sumulpot si baby pat dito sa cr ng mga girls. Agad kong nabitawan ang mop at tumakbo patungo sa kanya para yakapin. Ngunit mabilis pa sa cheetah siyang lumayo sa akin. "Babyy naman e. Pa charge muna. Lowbat na ako oh." wika ko. Agad niya ako tinapunan nang nakakadiring tingin atsaka ako nilampasan. Ipinatong niya ang kanyang bag sa may bakanteng upuan, at nagsalamin. May kinuha siya sa kanyang bulsa, kaya napalakad ako sa kanyang kinaroroonan. Nangunot ang noo ko ng nalaman ko kung ano iyun. "Baby pat, para saan yang lipstick mo?" tanong ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay habang nakatingin sa akin sa salamin. "Sa kili-kili ko siguro." masungit niyang tugon. "Ghad, Imbyerna ka itech, malamang sa kissable lips ko di ba?" Napanguso ako. Bakit ganon? Mas babae pa siya kung umasta kaysa sa akin? Ni hindi nga ako naglalagay ng lipstick e. Pinanood ko lang siya na naglalagay ng pink na lipstick sa kanyang 'kissable lips' daw. Maya-maya ay napatingin siya sa akin at napakunot ng noo. "hindi ka pa ba maglilinis?" tanong niya sa akin. Umiling naman ako. "mamaya na. Pagod pa ako e. Kaya nga pahug di ba?" "no. Manonood pa ako ng basketball sa gym. Ayaw kong mangamoy pawis" sagot niya. Malamya akong tumango. Ano na naman ang gagawin ko? Kahit gusto kong pumunta doon, hindi naman ako pwede. Bakit? kasi alam kong papaalisin ako ng mga friends niyang bakla. Nong last game kasi ng school, nageskandalo ako. Paano ba naman, may lumalandi kasi sa kanya na basketball player, at eto naman si patrick, nagpalandi rin. Edi ayan, perfect match sila. Galit na galit nga si Patrick sa akin e, nang sinuntok ko sa ilong yung lalaking maharot na iyun. Ang ending? Tatlong linggo niya akong hindi pinapansin. As in, literal niya akong hindi pinansin. Tuwing nagkakasalubong kami sa corridor, deretso lang ang tingin niya. At ang mas masaklap, kasama niya yung lalaking sinuntok ko sa gym. Pero, pagkatapos ng tatlong linggo, nakita ko nalang si Baby Pat na umiiyak sa may park malapit sa subdivision namin. Syempre, gusto ko malaman kung bakit siya umiiyak, kaso hindi ko siya magawang lapitan dahil baka ipagtulakan niya lang ako. Kaya ang ginawa ko, nagtanong nalang ako kay Charlie a.k.a Charlize kung bakit umiiyak si Baby Pat. At nalaman ko na tinutime lang pala si Baby Pat. Nakakaleche right? At dahil sa galit ko, sinugod ko ang walang hiyang iyun sa classroom niya at sinipa ang kayamanan niya. Galit ako e. Nararapat lang iyun sa kanya. Pero syempre dahil suki ako ni CCTV, pinatawag ako ni SDO at pinalinis sa akin ang buong soccer field. Nakakaleche di ba? "Oh? bakit ka natulalaley diyan?" tanong niya sa akin habang nagpeperfume nang parang rose ang amoy. Ngumiti lang ako sa kanya atsaka bumalik sa pagmamop. "Lumabas ka na, baka makita ka pa ni Sir Dimanda at parusahan ka, dahil pumasok ka ng girls Cr" ani ko habang nagmamop. "duh, I'm a woman without a 'wo' kaya." saad niya. Nanahimik nalang ako. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hawakan ang aking noo, dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko. "Wala ka namang sakit ah, bakit ang tahimik mo? May nakain ka bang nakapagputol ng dila mo?" tanong niya sa akin. Napalunok naman ako. Wait? ano nga ulit yung ginawa niya sa akin? "hoy" he snapped. Dahilan para mapatalon ako sa gulat. "W-wala naman. Pagod lang siguro" sagot ko sa kanya, tapos ay umiwas ng tingin. Naglakad ako patungo sa ibabang gripo at hinugasan ang mop. Pagkatapos non ay nag-inat ako saglit bago punasan ang pawis ko sa noo. Last na'to Aga! Pagkatapos ay sa lumang library ka nanaman. "Pagkatapos neto, where you gala na?" tanong niya sa akin. Napalingon ako sa kanya at napangisi. "why so curious, baby pat? Concern ka?" pangangasar ko. Mabilis siyang umiling sa akin. "of course not. Mandiri ka nga. Tinatanong ko lang, kasi daw may nangunguha ng bata sa kalsada. Baka masama ka." panlalait niya. Umirap nalang ako sa kanya at hindi na siya sinabayan pa sa trip niya. Pagod ako. and at the same time nagtatampo rin. "Sige, iwanan na kita ditey okay?" Aniya. Tumango nalang ako. At ang loko, umalis nga talaga. Kainis siya! Di niya ba napansin na nagtatampo ako? di man lang ako lalambingin? Agad ako tumakbo palabas ng cr. Buti nalang naabutan ko pa siya sa hallway. "Patrick!" napatigil siya sa paglalakad at iritableng napatingin sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay ay napacross-armed pa. "Why?" masungit niyang tanong. Malamang magsusungit yan dahil tinawag ko siyang patrick. Arte talaga. Napasimangot ako. "di mo man lang ako lalambingin?" tanong ko sa kanya pero mas lalo niya pa tinaas ang kilay niya. "Nagtatampo ako sayo shunga! kainis ka! k bye, magpakasaya ka sa mga basketbolistang manloloko!" aniya ko sabay talikod sa kanya. Power hug nga lang ang hiningingi ko di pa magawa. "nasa lumang library ako, mamaya incase na mamiss mo!" sigaw ko, bago ako pumasok sa cr. Libre naman mag-aasume di ba? libre lang. takte. -- "atchoo!" Umubo ako habang pinupunasan ang maalikabok na bookshelves. Grabe naman to, parang ilang taong hindi nilinisan.Agad ko tinakpan ang aking ilong para hindi makapasok ang alikabok. Pero dahil, marami pa akong lilinisan, tinanggal ko rin agad. Kumuha ako ng pamunas at pinunasan ang bookshelves. Mga apat na oras na yata akong naglilinis dito, at so far, nakalahati naman ako. Kalahati sa kalahati pa ang nalinis ko. Ikaw kaya ang maglinis netong Lumang library! Over sa alikabok. Mukhang kailangan ko maligo ng tatlong oras e. Napaupo ako sa upuan at pinagmasdan ang paligid. Okay naman siguro kung hindi ko ito tapusin di ba? Hindi na rin naman ito ginagamit e. Napabuntong hininga nalang ako atsaka kinuha ang cellphone ko. 8:45 pm na pala. Agad ko kinuha ang bag ko at agad inayos ang sarili ko. Napasimangot ako nang naalala ko na hindi man lang ako pinuntahan ni Baby pat dito. Siguro, wala talaga siyang pake saakin. Di ko nga alam kung saan ang mas masakit eh. Yung magkagusto sa taong di ka kilala, o sa magkagusto sa taong kilala ka, pero wala siyang pake sayo. Pero dahil ako nga si Agatha Marie Mulach, hindi ako basta-basta susuko. Kukunin ko ang puso ni baby pat. Mahuhulog din siya sa akin. Sisiguraduhin ko yan! Habang naglalakad ako ay nakatingin ako sa cellphone para bilang liwanag sa dinadaanan ko. Nang nakarating na ako sa maliwanag na parte, ay agad ko ito tinago. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ngunit napatigil rin ako nang narinig ko ang maingay na musika sa loob ng gym. Napatingin ako entrance at nahagilap ko si Baby pat na nakikipagsayawan sa isang lalaki. Agad nangunot ang noo ko, at uminit ang ulo. Mabilis akong naglakad patungo sa kinaroroonan niya. Nang makalapit na ako, doon ko lang napansin na lasing na ang baklang ito. "babeee, comeback to me na..." wika ni Baby pat. Mamula-mula na rin ang kanyang mukha at halatang tinamaan na. Napalingon ako sa lalaking sinabihan niya. The pak? Si guy-the-two-time yan di ba? "what? Mandiri ka nga!" sigaw ng lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, Lester ang pangalan niya. "Babe naman e... Alam kong nahurt ka, dahil kay lintang Aga e... Di ko naman gusto yung actionslalu niya e! Tinutulak ko kaya shaa. Shinushoo away ko!" ani ni Patrick. Parang kinurot ang puso ko sa narinig ko. Okay lang naman na tinutulak niya ako e. Pero yung salitang linta? Ang sakit naman pakinggan. Tatalikod na sana ako para pabayaan siya, kaso nakita kong tinulak siya ni Lester, dahilan para mapaupo siya sa sahig. Napasinghap naman ang mga baklang kasama ni Patrick, pati na rin yung mga kabarkada ni Lester. "f**k! STAY AWAY! ANO BANG PINAGSASABI MO HA? HINDI PA BA MALINAW SAYO NA PERA LANG YUNG HABOL KO SAYO NON?! JUST GO AWAY! f**k YOU!" nagulat ako ng sumigaw si Lester, pero mas nagulat ako ng tumulo ang luha ni Patrick. Mabilis akong lumapit at hinawakan ang braso ni Patrick para alalayan siya sa pagtayo, ganon din ang ginawa ni Charlie. Tumingala ako at tinignan ng masama si Lester. Nasa tabi niya na sila Jed at Arnold. "Babee naman e, galit ka na naman. Eto na o, itutulak ko na..." agad akong mahina na tinulak ni PAtrick. Napabitaw naman ako sa kanya. Tinignan ko si Patrick, at natunaw ang puso ko sa nakikita ko. He look so desperate. He's in pain. Kitang-kita ko iyun sa mga mata niya. "AYOKO SAYO. HINDI.KITA.MAHAL. MANDIRI KA NGA! BAKLA KA! AT ANG MGA BAKLA AY DAPAT ITINATAPON SA BASURAHAN! NAKAKAHIYA KAYO!" sigaw pa ni Lester. calm down, aga. ayaw ni baby pat, na kinakaaway si lester. "bro, nakakasakit ka na ng damdamin" bulong ni Arnold kay Lester. calm down. hinga ng malalim at iexhale ang bad breath. "eh putang leche yang baklang 'yan e! Bagay sa kanila ipalapa sa mga tigre." tugon ni Lester, dahilan para kumuyom ang kamao ko. Nakakabanas na siya ah! wala na akong pakealam kung magalit man si Baby pat sa akin, pagkatapos neto. Pero gagawin ko ang sa tingin kong tama. "Anong sabi mo?" malamig kong tanong kay Lester. Napatingin siya sa akin at napangisi. "ang sabi ko, dapat itinatapon ang mga baklang iyan sa basurahan, hindi sila na babagay dito?Nakakahiya lang sila. Mas mabuti pang ipala--" Isang malakas na suntok ang ibinigay ko sa kanya. Dahilan para mapasinghap sila Charlie. "oh God! Labyu girl!" pagchecheer ni Charlie. Pero di ko siya pinansin. Galit na tumingin si Lester sa akin. "the f**k?! sinusubukan mo ba ako ha?!" aniya. Tinaas niya ang kanyang kamay upang sampalin ako. Matapang ko siya nilapitan at handang saluhin ang kamay niya. "ano?! Sasampalin mo ako, ha?! sige, gawin mo! nang malaman natin kung sino ang dapat itapon sa basurahan. Ang taong nananakit ng babae at nanggagamit ng tao para lang sa pera? o yung taong walang ibang ginawa kundi ang magmahal kahit mali?! Ano ha?! Ituloy mo! duwag ka ba ha? duwag ka?!" paghahamon ko. Napatigil ang kanyang kamay sa paglapit sa aking mukha ng sumigaw ako. Galit na galit ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Napakuyom nalang ang kamay niya sa ere. "tangina. Pasalamat ka, hindi ako pumapatol sa babae." aniya. Ngumisi ako. "Ituloy mo man yan o hindi lester, isa lang ang masasabi ko. Isa ka sa mga taong nakilala ko na nabubuhay pero walang kwenta sa mundong ito" wika ko bago ako tumalikod sa kanya. Nilingon ko si Patrick ngayon na nakapikit na at walang kaalam-alam sa nangyayari. Ngumiti si Charlie at Erik sa akin. "ihahatid na natin siya" wika ko saka ako tumulong sa kanila sa pagbuhat kay baby pat, pero bago ako tuluyang maka-alis ay tinignan ko pa sila lester, nahuli ko siyang nakatingin sa akin ng masama. serves you right.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD