Isa siguro ito sa pinakamasakit tignan sa buong buhay ko. Yung makita mo yung taong mahal mo, umiiyak para sa ibang tao. Sino ba naman ang mag-aakala di ba? Patrick Edward Lim--masungit, laging nangbabara, panay biro at palaging nakangiti, ay umiiyak mag-isa tuwing walang taong nakatingin sa kanya. Sino ba naman ang mag-aakala na kaya niya palang magmahal ng lubusan, di ba?
Kung kaya ko lang sabihin sa kanya, na sana hindi niya nalang ako binabalewala. Kung kaya ko lang sabihin sa kanya na sana, ako nalang yung mahalin niya. Kung kaya ko lang sana sabihin sa kanya na ako nalang at huwag na sila, noon ko pa ginawa. Pero hindi ko kaya e. Kasi natatakot akong pagtawanan niya ulit ako. Natatakot ako na baka mas lalo siyang lumayo sa akin.
okay na itong, pabiro ko siyang nilalambing, atleast alam kong katotohanan lahat ng sinasabi ko sa kanya.
Sana... Sana kasi ako nalang, papasayahin pa sana kita. Kaso hindi e. Kasi naniniwala ako na pagmahal mo ang isang tao, hahayaan mo siyang magmahal ng iba, basta masaya siya.
"Ang shaket mga beks... akala ko tunaley na yun e. Joke time lang pala" wika ni Baby pat habang nakatingin sa kisame ng kwarto niya. Kanina pa siya umiiyak. Kanina pa siyang mukhang pagod na sa kakaiyak, pero wala ni isa sa amin ang nagsasalita tuwing nagsasalita siya.
"M-mahal ko yun e. Alam niyo namang gustong-gusto ko siya noon pa di ba? P-pero imbyerna. Andabelz(pera) lang pala ang habol ng hayop na yun. Tangina lang." aniya. Agad niyang ipinikit ang kanyang mata.
Ngumiti siya ng mapait. "Kung pwede lang e...Kung pwede lang magmahal ng ibang tao... Noon ko na sana sinubukan."
Natahimik lang kaming lahat. Hinintay namin magsalita siya mula, ngunit makalipas ang ilang minuto ay narinig nalang namin ang mahina niyang hininga. Hudyat na ito na nakatulog na siya. Agad akong tumayo at inayos ang kanyang kumot. Pagkatapos non, ay napatingin ako sa kanyang maamong mukha. May luha pang lumabas, kaya agad ko itong pinunasan.
Ngumiti ako ng tipid, atsaka ko siya hinalikan sa noo.
"Ehem, itey, kadiri ka" wika ni Erik. Tumingin ako sa kanya at nagkibit-balikat.
Lumapit ako sa side table at kinuha ang aking bag. Alas diyes na ng gabi, tiyak na nag-aalala na sila nanay sa akin. Gusto ko man manatili sa tabi ni Baby pat ngayon, pero di ko magawa, dahil may pamilya pa akong nag-aalala sa bahay.
Huminga ako ng malalim.
"Malapit na ang birthditey niya. Pero heto siya, broken hearted." malungkot na ani ni Charlie.
"hay, ang rami nang na Crayola Khomeni (iyak) niya noh, dapat balatan ng buhay si Lester e. Eh, napakashonget (pangit) naman non eh, di ko alamness kung bakit siya pa yung natipuhan." Maarteng wika ni Erik. Paminsan, ang sarap din kutungan ng mga baklang ito e. Respeto naman sa akin, o. Di ko sila maintindihan.
Makabili nga ng Gay Lingo, kaloka.
"Alis na ako." wika ko, kaya napatingin sila sa akin. Naglakad ako patungo sa pintuan ngunit nagsalita si Charlie.
"wit na wit kang aalis. Dites (dito) ka muna. We have to chikka pa." Wika niya. Napakunot ako sa aking noo. Ano daw? masusuntok ko na to.
"Ha? ano?" tanong ko.
Napapitik siya sa kanyang noo. "ay napakabella (bobo) this girl." umirap siya sa akin, bago tumingin kay Erik. "Explain mo nga badet(bading) naeestress beauty ko"
bumuntong hininga si Erik. "Sabi niya, dito ka muna, may sasabihin pa daw siya sayo" wika ni Erik. Tumango ako sa kanila.
"pero..."
"sit here na. What are you waiting pa?" tanong niya. Dali-dali naman ako umupo sa sofa.
"okay, so hindi kami pwedeng mag gay lingo kasi ang boba mo, edi eto, magtiis ka" inis na wika ni Charlie. Umirap siya sa akin kaya umirap din ako sa kanya. SInabi ko bang huwag sila mag gay lingo? shunga din e.
"So? anong sasabihin niyo?" tanong ko. Nagmamadali ako e.
"Sa Friday na ang birthday ni Patricia, kaya dapat maghanda tayo" aniya. Umirap ako.
"alam kong malapit na birthday niya. Duh, ako kaya si Agatha--"
"ang cheap na manliligaw ni Patricia" wika nilang dalawa at sabay nagtawanan. Wow lang ha, nahiya naman ako sa kanila. Kung makacheap akala mo, hindi rin sila cheap.
"O tapos na kayo diyan?" Iritable kong ani sa kanila. Tumigil sila sa kakatawa at ngumiti sa akin.
"Alam mo, hanga din ako saiyo e. Kahit na may attitude problem ka, hanga parin ang beauty ko sayo. You really love patricia,ha?" Wika ni Erik. Proud akong ngumiti sa kanila.
"Syempre naman no! Gagawin ko ba ang lahat ng kalokohan na iyun kung hindi ko siya love? Duh." Sagot ko.
"Sarap mo rin batukan e." Second emotion ni Charlie.
"Sige, anong plano sa birthday niya?" Tanong ni Erik. Ngumiti ako sa kanila.
Syempre, may plano na ako noh. Ako ba kaya? Last year ko pa ito plinano e.
"Ganito yan..."
--
"Baby pat! Brownies oh. Masarap yan" wika ko habang inilalapag ang brownies sa harapan niya. Nasa coffee shop kami ngayon. May sinusulat siyang di ko naman alam kung ano.
Love Letter para sa akin, siguro. Ayie, pero joke lang yun. Sarap din sampalin ang sarili ko, para tumigil sa kakapanaginip e.
"Ayaw ko niyan. Shoo it away." Aniya, pero hindi siya nakatingin sa akin. Napanguso nalang ako, atsaka pinagmasdan nalang siya.
Nakapink na lipstick na naman siya ngayon, tapos siguro pinanligo niya ang rose na pabango niya. Ang bango niya grabe.
"What is that, baby pat?" Tanong ko, habang tumatabi sa kanya. Agad akong tumabi sa gilid niya at inilapit ang aking mukha sa gilid ng pisngi niya upang makasilip. Syempre, pachansing ako e. Naramdaman kong tumingin siya sa akin, pero agad ding umiwas.
"Hindi ka naman bulag di ba? at Marunong ka naman magbasa. Bakit ka pa nagtatanong?" inis niyang wika. Napapikit ako. Naman o, bakit ang gandang pakinggan ng boses niya? tapos yung pabango niya... nakakaaddict.
"hoy! anong ginagawa mo ha? Lumayo ka nga!"
napamulat ako, doon ko lang napansin na inaamoy ko na pala siya. Agad akong ngumisi at tinignan siya ng nakakaseduce.
Agad siyang nataranta kaya mabilis siyang tumayo at lumayo sa akin. Kitang-kita sa kanyang mukha ang takot at pandidiri.
"Sisigaw talaga ako ng r**e, Aga."pananakot niya. Humalakhak nalang ako at umiling.
"Asa naman may maniniwala sayo" sagot ko.
"Jinojoke time mo ba ako, ha? Agatha Mulach?" Iritable niyang tanong. Ngumiti ako ng nakakaloko.
"Pwede rin natin, totohanin baby pat. Sabihin mo lang, willing ako" malandi kong wika, agad niya kinuha ang tissue malapit sa kanya at binato sa akin, buti nalang at nakailag ako, kung hindi matatamaan talaga ang mukha ko.
Ang harsh niya din e.
"Ayos-ayosin mo ako, agatha ha. Makakatikim ka talaga sa akin ng instant sampal at sambunot" aniya.
"Ay, over."
Umirap siya at umupo ulit sa upuan. Nagsimula na siyang magsulat muli. Balak ko sana iyun silipin kaso mukhang napansin niya ang plano ko kaya mabilis niya itong tinakpan.
"Shoo. Go to the cheap girls, wit na wit ka ditey." Aniya dahilan upang mabalot ng pagtataka ang aking mukha.
"Ha?"
"Wala. Lumayo ka sa akin and make layas na. Iniistorbo mo ako"
"Ano ba kasi yang sinusulat mo?" Pag-uusisa ko.
"Wala ka na don." Sagot niya.
Padabog akong umupo sa bakanteng upuan at pinagmasdan siyang magsulat. Ang seryoso niya lang. Para siyang nilalamon ng bawat salita na isinusulat niya. Para ba'y kinukuha ang kaluluwa niya at dinadala siya sa ibang mundo dahil sa kaseryosohan.
Tumikhim ako. "Samahan mo 'ko"
"No" mabilis niyang sagot. Ay, hindi pa nga niya alam kung saan kami pupunta e, kung makatanggi siya akala niya dadalhin ko siya sa isang lugar na ipapahamak niya.
"Di mo pa nga alam kung saan tayo pupunta e."
"Wala rin akong planong alamin" pambabara niya.
"Alam mong walang makakapagpigil sa akin sa pagpilit sayo"
"Hindi mo rin ako mapipilit." Sarkastiko niyang tanong. Napasimangot naman ako. Ang hirap niyang kumbinsihin.
Kailangan ko pa mag-isip ng bait para sa kanya. Kailangan kong mag-isip ng mga bagay na makakapagsama niya sa akin. At syempre, iisipin ko ang lahat ng impormasyong nahagilap ko galing kanila charlie at Erik.
"baby pa--"
"No."
Think agatha, think. Kinabukasan niyo ni Baby Patrick ang nakasalalay dito.
"Sige na--"
"Ayoko."
"Promise, samahan mo lang ako. Tapos hindi na kita kukulitin. Ever!" As if naman gagawin ko."sige na please." Pagmamakaawa ko.
"Hindi parin." Pagmamatigas niya
"Fine! Edi huwag!" Pag-iinarte ko. Kung pizza kaya? " sayang pa naman... may pizza doon" pagpaparinig ko. Sana gumana.
Agad siyang napatingin sa akin, hudyat iyun na nakuha ko ang kanyang attensyon, dahil napatigil siya sa kanyang sinusulat. Good job, Agatha. Galing mo! Kaya ang ganda-ganda mo e.
Napangiti ako ng lihim. "--at may boys pa doon" kahit labag sa kalooban ko, sinabo ko pa rin iyun para mapasama ko lang siya.
Automatiko siyang nag-ayos ng gamit. Wala pang isang minuto ay naligpit niya na ang mga nagkalat na gamit sa lamesa kanina. Wow, si the flash lang? Galing ah.
Ngumiti siya. "Tara letz go. Gora na tayo gurl. Tatawagin pa ba natin si Dora at boots o nanakawin natin si the map? Pwede ring humingi tayo ng tulong sa wonder pets" aniya. Napakunot naman ako sa aking noo.
"Pinagsasabi mo?" Tanong ko. Ngumiti siya.
"Wala lang naman. Just incase."
Umiling ako atsaka siya hinila palabas ng coffee shop.Boys lang pala ang katapat.
Boys pala ha.
---