Chapter 5

1867 Words
"I hate you" hindi ko alam kung ilang beses na ni Baby Pat, sinabi ang katagang iyan. Paulit-ulit kong naririnig iyan sa kanya mula ng nakarating kami dito sa orphanage. Tinignan ko siya ng masama at binaling ang tuon sa mga batang kalaro ko ngayon. "Ate Aga, ayaw niya po ba sa amin?" Tanong ni Mika. Ngumiti ako sa kanya at hinimas ang kanyang buhok. Limang taong gulang palang si Mika. Simula ng iniwan siya sa labas ng gate ng orphan, ako na ang nagsilbing ate niya tuwing dumadalaw ako dito. "Hindi kaya. He likes all of you" sagot ko. Lumapit sa akin si Joseph ng nakasimangot. Matanda siya ng dalawang taon kay Mika. "Ganon po ba? Eh bakit ang sama ng tingin niya sa amin?" Wika ni Joseph. Napalingon ako sa pwesto ni Patrick, at tama nga siya. Ang sama ng tingin niya sa amin. "Natatae kasi siya" pagdadahilan ko habang nakatingin kay Patrick. Mas lalong sumama ang tingin ni Patrick sa akin. Nagkibit-balikat nalang ako at binaling ang tuon kay Mika at Joseph. "Pupuntahan ko muna ang kuya Patrick, niyo ha. Mukhang sinusumpong na naman" pagbibiro ko. Mahinag tumawa ang dalawang bata bago, tumango. hinawakan ni Joseph ang kamay ni Mika at pareho silang naglakad patungo sa monkey bars. "Problema mo, baby pat?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong umupo sa tabi niya. "tinatanong mo kung anong problema ko ha?! You didn't keep your promise!" galit niyang wika sa akin. Napakamot ako sa aking ulo at umiwas ng tingin. Yan kasi, Agatha, pangako ng pangako napapako naman. "Sinabi ko lang naman yun, dahil--" "what?!" Napalunok ako."p-para masamahan mo a-ako.." pagdadahilan ko. Totoo naman e, kung hindi ko iyun sinabi, baka hindi niya ako samahan dito. Paminsan nga lang ako naglalambing e. Agad siyang tumayo at napamewang. Nagkasalubong ang kanyang mga kilay. Napaangat ako ng aking mukha upang makaharap siya. "What?! You're unbelievable. Gogora na ako" aakmang aalis na siya sa aking harapan ng mabilis kong hinuli ang kanyang kamay. No! kakarating nga lang namin dito tapos iiwan niya na ako? Napatingin siya sa kamay naming dalawa bago niya muna ako titigan. "Ngayon lang please... samahan mo ako..." ani ko. Napakunot naman ng noo si baby pat, ngunit hindi niya kinalas ang aking kamay. "at bakit naman, aber?" tanong niya sa akin habang nakataas ang kilay. ngumiti ako sa kanya. "To have some memories.." "ha?" "basta. Ngayon lang, ito naman hindi naman masusunog ang balat mo pagsasamahan mo ako di ba? atsaka, makihalo-bilo ka naman sa mga bata" pangongonsensya ko. Tinanggal niya ang kamay ko sa kamay niya at napacrossed arm. "wow. sayo pa nanggaling 'yan. Nahiya naman ako sa braincells mong genius." aniya. Umirap siya sa akin pero agad ding bumalik sa pagkakaupo sa tabi ko. Arte neto, uupo rin naman pala. Nagpapalambing lang pala. "Anti bata ka talaga no? paano nalang pag magkababy na tayo?" pangangasar ko sa kanya pero may halong katotohanan naman talaga. Agad siyang napalayo sa akin. "Wait, gagahasahin mo ako, ha?!" maarte niyang tanong sa akin. "Gusto mo naman? pwede rin." "you--!" "Agatha!" pareho kaming napatingin sa baabeng tumawag sa akin. Agad akong napatayo nang napagtanto ko kung sino. Matamis niya akong nginitian. "Mother Lucy!" Kumaway ako. Kinuha ko ang kamay ni Baby Pat at hinila patungo sa kinaroroonan ni Mother Lucy. Siya kasi ang nagbabantay sa mga bata dito sa Orphanage. "Napadalaw ka, at may kasama ka pa ha" wika ni mother Lucy habang nakatingin kay Baby Pat. Plastick na ngumiti si Baby Pat sa kanya. "Hehe. Gusto niya po kasing sumama sa akin. Gusto niya po kasing makalaro ang mga bata dito, kaya ko po siya sinama. Atsaka, alam niyo po bang magdodonate daw siya dito?" Nakangiti kong wika kay Mother Lucy. Nanlaki ang mata ni Mother at bakas sa kanyang mukha ang pagkakagulat at ang kasiyahan. At ramdam ko rin ang masamang tingin ni Baby pat sa tabi ko. Hindi naman totoo 'yun e. Hindi naman talaga siya magdodonate. Pero gusto kong magdonate siya dito. Tutal mayaman naman sila. Atsaka, para naman din iyun sa mga bata dito. Para kahit papaano, ay maging masaya sila kahit na wala na silang mga magulang. Nakakatuwa noh? Ang sama ng pakikitungo ko sa iba. Pero pagbata na ang pinag-uusapan, parang nagpapalit anyo ako. "Talaga?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Mother Lucy. Napatingin siya kay Baby Pat. "Salamat po, sir. Nawa ay pagpalain ka po nang diyos. Matutuwa ang mga bata dito sa orphanage." Napakamot ng batok si Baby Pat. Oh Em Gee ang hot niya tignan. Hindi talaga siya mapagkakamalan na Gay e. Nag lilipstick lang siya at nagfofoundation pero hindi naman siya nagcro-cross dress. Ang nag crocross dress lang ay yung dalawa niyang bading. Si Charlie at Erik. "Nako po--" "At alam niyo po bang siya na daw ang magpapaayos ng nasirang dirty kitchen? Tapos magdodonate din daw po siya ng grocery dito every month" "Talaga! Naku! Sobrang-sobra na po iyan." Natutuwang ani ni Mother. "Ha?! T-teka..." Masaya akong tumango. "Opo." Bigla akong napasimangot. Kailangan kong mag-acting. "Hindi niya po kasi kayang makita ang mga batang nagugutom e. Kasi naging pulubi po siya noon." "Ano?! Teka, lang. Mag-uusap muna kami ng babaeng ito, mother ha." Halos malaglag ang panga ko ng narinig ko ang tono ng boses ni Baby Pat. Manly. Hindi pa nakakasagot si Mother ay hinila na ako ni Baby Pat. Napunta kami sa likod ng dirty kitchen. "Anong pinagsasabi mo, Agatha?! Wala akong sinabing--!" "Hep!" Pagtigil ko sa ililintanya niya. "Bago ka magreklamo, baby pat. Tignan mo muna ang sitwasyon ng mga bata dito sa orphanage." Ani ko sabay turo sa mga bata na naglalaro sa playground. Napatingin din doon si Baby Pat. "Ang sasaya nila di ba? Hindi nawawala ang mga ngiti nila sa labi. Para silang walang dinadala na mabigat na problema. Pero sa totoo niyan, nakatago ang tunay nilang nararamdaman sa ngiti nila. Ang babata pa nila, pero wala na silang magulang. Ang ilan diyan ay namatayan ng mama at papa. Ang iba diyan ay iniwan nang sanggol pa lang sila. At ang iba diyan..." napahinto ako at nakaramdam ng lungkot. Napatingin ako kay Joseph na nilalaro si Mika. "Minaltrato, binugbog at pinahirapan." Ngumiti ako atsaka napatingin kay Baby pat. Laking gulat ko ng nahuli ko siyang nakatingin sa akin. "Life is so funny right? Masyado niyang ipinagkait ang buhay na gustong makamtan ng mga batang ito. Alam mo ba kung anong gusto nila ngayong pasko? Yun ay pamilya. Kasi ang tunay nilang kamag-anak ay ipinagtabuyan sila. Hindi nila iyun naramdaman. Kaya ang gusto ko... mapasaya ang mga batang ito." Nangunot ang noo ni Baby Pat. "Why...bakit..." huminto siya. kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagtataka. Malungkot akong ngumiti. "Isa rin ako sa kanila, Baby Pat. Ampon lang din ako." Napasinghap siya. Nanginginig niya akong tinuro. Nakangiti naman akong tumango. "Kaya sana...Kahit sa ganon lang, tulungan mo sila. Dahil ang simpleng tulong na iyun ay malaking bagay na para sa kanila." Bumuntong hininga ako. "Kahit hindi na para sa kaligayahan ko. Kahit para na sa kaligayahan ng mga batang ito." -- "Tago-Tagoan maliwanag ang buwan. Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo. Wala sa harap, wala sa likod. Isa... dalawa..." Nakangiti kong hinawakan ang kamay ni Mika at dahan-dahang nagtago sa likod ng puno, malapit lang din kay Patrick. Ang hin-hin kasi ng baklang iyun. Yan tuloy. Siya ang taya. Umupo ako para mapantayan si Mika. "Pag-umalis na si kuya patpat mo, tumakbo ka at magsave okay? Huwag mong sasabihin na nandito rin ako. Okay?" Masaya kong ani. Ngumiti si Mika at tumango sa akin. "walo...siyam...sampu! Game!" Narinig ko ang yapag ni Patrick na papaalis sa pwesto niya. Sumilip ako at nakita kong malayo-layo na siya. Tinignan ko si Mika. "Go" bulong ko. Agad siyang tumakbo patungo sa punong dapat magsave. Nang nakita siya ni Patrick ay nag-unahan sila sa pagtakbo. At dahil nga mahinhin si patrick. Naunahan siya ni Mika. "Save!hihi" ani ni Mika at humagikhik. "Ang daya naman e." Tumawa lang si Mika at nginitian siya ni Patrick. Hinawakan ni Baby Pat ang kamay ni Mika. "Tara, hanapin natin sila Ate Aga at kuya Joseph mo." Pag-aanyaya ni Baby Pat. Ngumiti naman si Mika at tumango. Lumingon si mika sa pwesto ko. Kaya agad ako ng 'shh' sign. Pasekreto siyang tumango sa akin. "Tara na!" Wika ni Patrick. Agad silang naglakad patungo sa pwesto ko, kaya dahan-dahan akong lumipat. "Wala siya ditooo" pangangasar ni Mika. Ngumiti si Patrick sa kanya at pinisil ang pisngi ni Mika. "Alam ko. Hindi naman ako bulag. May precious eyes ako." Pambabara ni Baby Pat. Napanguso ako. Kahit bata, binabara pa rin. Napasimangot nalang si Mika pero ngumiti din agad. Tumalikod sila kaya malaya na akong nakakalipat ng pwesto patungo sa save. "boom, joseph!" rinig kong wika ni Patrick. Ang kanilang tawanan ay parang musika sa aking tenga. Ang sarap pakinggan. "Nasaan na kaya si ate Aga?" tanong ni Mika. Mahina akong humagikhik. Katulad ng ginawa ko kanina, dahan-dahan ulit akong lumipat ng pwesto. "kaya nga... nasaan kaya siya?" rinig kong tanong ni Baby Pat ng nakalapit na ako sa likod ng puno kung saan ako pwedeng magsave. Ang galing-galing mo talaga Agatha! Hindi ka niya nahul-- "baka nandito!" halos mapatalon ako ng naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bewang. Parang gusto kong sumayaw dahil sa ibang enerhiya na naramdaman ko. Gulat ko siyang tinignan at mas lalo akong nagulat ng nakita ko siyang nakangiti. That smile... Hindi ko pa iyun nakita sa kanya. Ngayon niya pa lang iyan pinalabas. "Sabi ko na nga ba e. Ang galing talaga ng braincellslalu ko." Wika niya ngunit hindi niya parin binibitawan ang aking bewang. Hindi ako makapagsalita. Gusto ko siyang tusuhin dahil sa paghawak niya sa aking bewang, ngunit hindi ko magawa. Para akong nawalan ng dila. I lost on his eyes. "ayieee" Mabilis na lumayo sa akin si Patrick at tumingin sa dalawang bata na nag-appiran. Habang ako ay napahawak lamang sa aking pisngi. "namumula si Ate Aga" panunukso nila Joseph. Halos panlakihan ko ng mata si Joseph kaso bigla nalang tumingin sa gawi ko si Baby Pat. Ngumisi siya sa akin at inirapan ako. "magmumukha kang tomato." asar niya sa akin. Sasagot sana ako kaso nagsalita si Mika. "Ate, Bakit ka pinagpapawisan?" tanong niya sa akin sabay turo sa noo ko. Mabilis kong hinawakan ang noo ko. At tama nga siya. Pinagpapawisan nga ako. "kasi..."ang hot ni baby pat. "mainit!" pagdadahilan ko. Nangunot ang noo nilang tatlo. "ha? eh mahangin naman e." wika ni Joseph. Naku. itong mga batang ito, makukurot ko na sa singit. Trip nila akong asarin ngayon ah. At alam mo kung ano ang nakakairita? Hindi kasi sila nagsisinungaling. Napamewang ako. "Bakit? hindi ba pwedeng mainitan kahit namahangin?" tanong ko. Pero tinitigan lang nila ako na parang hindi sila naniniwala sa sinasabi ko. "arg! bahala na nga kayo diyan! Out na ako!" wika ko at sabay walk out. Bakit ba? Gusto ko maging artista e. Trip kong mag-walkout. "pikon" wika ni baby pat atsaka ko narinig ang mahina nilang hagikhik. Nilingon ko silang tatlo at nakita kong pareho silang nag-aapiran. Palihim akong ngumit bago tuluyang naglakad. hindi naman pala talaga anti bata si Baby Pat. He look so good pa nga. hihi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD