Chapter 6

1479 Words
"Salamat, sa pagbisita." Wika ni Mother Lucy. Kasalukuyan kaming nasa labas na ng orphanage. Kasama niya sila Mika at Joseph na parehong nakahawak-kamay. Ngumiti ako. "Hayaan niyo po, mamadalasin ko ang pagbibisita dito. At isasama ko ulit si Baby--este Patrick po." Bigla akong nakaramdam ng kurot sa tagiliran ko. Inukulan ko ng masamang tingin si Baby Pat sa tabi ko, ngunit hindi siya nakatingin sa akin. Napasimangot nalang ako at hinimas ang aking tagiliran. "Nawa ay bantayan kayo ng Diyos. Tiyak na matutuwa ang mga bata sa susunod niyong bisita" aniya. Tumawa ako. "Sana nga po." "Ate..." wika ni Mika at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya at lumuhod para mapantayan ko siya. "Bakit?" "Babalik pa kayo di ba?" Tanong niya. Tumango naman ako. "Kailan ba ako hindi bumalik?" Ani ko. Ngumiti si Mika atsaka ako niyakap. Yumakap na rin ako pabalik. "Gogora na po kami mother. Baka gabihin pa kami sa daan" pamamaalam ni Baby Pat. Lumayo ako kay Mika at hinalikan siya sa pisngi. Pinunasan ko rin ang kanyang luha. "Aalis na si ate okay? Magpakabait ka palagi. Huwag na huwag mong bibigyan ng sakit sa ulo si Kuya Joseph mo pati na rin si Mother Lucy. At huwag ka nang iiyak. Kundi, hindi ako babalik" pananakot ko. Ngumiti si Mika kaya napangiti nalang din ako. "Opo." "Promise?" Paninigurado ko. "Promise!" Tugon niya. Pinat ko ang kanyang ulo. "Dahil pagnagawa mo 'yan, mag iiceskating tayo, kasama si Kuya Patrick at Kuya Joseph" Lumiwanag ang kanyang mukha at bakas din ang kanyang pagiging exicted. "Talaga po?" Paniniguro niya. "Talagang-talaga." "Alis na po kami." Rinig kong wika ni Baby pat. Lumingon ako sa kanya at tumingin din siya sa akin. "Tara na girl. " Tumango ako. At ngumiti muna sa kanila bago pumasok sa kotse. Nang nakapasok na ako sa frontseat ay agad ko binaba ang window. Nakita kong kumaway sila sa akin. "Babyeee!" Aniya nila Joseph at Mika. Kumaway lang ako sa kanila hanggan sa pinaandar na ni Baby pat ang kotse at pinatakbo. Nang nakalayo na ako sa kanila ay pinataas ko na ang window at tumingin kay baby Pat na may ngiti ang labi. "Baby Pat, bibisitahin natin sila ulit ha." Ani ko. Ngumunot ang noo ni Baby Pat. "Bibisita pa ako ulit pero hindi ka na kasama" pangangasar niya. Napasimangot ako. "Chos lang." Pagbabawi niya. "diyan ka naman magaling eh, sa pagbibiro" "Oh? dradrama ka pa, itey? sakit mo sa bangs" pag-iinarte ni Baby Pat habang nakatingin sa kalsada. Hindi nalang ako sumagot. Kahit kailan talaga, umaandar ang pambabara niya. Hindi ba muna pwedeng pinaparinggan ko lang siya? chos lang. Ilang minuto na ang nakakalipas, tahimik ang loob ng kotse niya. Pareho kasi kaming pagod e. Nakaramdam na rin ako ng antok. Umayos ako sa pagkakaupo at isinandal ang ulo ko sa bintana. (please play:mahal na mahal by:sam conception) "kung may taong dapat na mahalin ay walang iba kundi ikaw" napangiti nalang ako ng narinig ko ang tugtug sa radio. Napapikit ako at inimagine na kinakanta iyun sa akin ni Baby PAt. ~wala 'di bang makakapigil pa sa akin Binuhay mong muli ang takbo at t***k ng puso sayo'ng pagmamahal Ang buhay ko'y muli nag-iba napuno ng saya~ Napangiti ako. Bigla nalang may imahe na nabuo sa aking isipan. Nakita ko si Baby pat na nakatuxedo at nakatayo sa isang stage. Nakapikit siya at nakatayo habang may hawak na mikropono. Parang gusto ko nang sumigaw dahil sa gulat at kilig. shet, ang gwapo niya. ~sa lahat, di' maari, 'di maaring iwan wala nang makakapigil kahit na bagyo man paano kung, ikaw na mismo kusang llisan? paano ba?~ Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanya. Doon ko lang napagtanto na parang prom ang theme ng lugar. May nagkalat na pink, gold at grey na baloon sa sahig. May nakasabit na mga creep paper. Napatingin ako sa suot kong damit. I am wearing a baby pink dress. Shet, ang perfect ng lahat. Napakagat ako ng labi ko at napalingon kay Baby pat sa stage na kumakanta parin. Pero this time... shet lang. Hindi na siya nakapikit. Okay, nakatingin lang naman siya sa akin. Okay, kalma lang. He's just looking at me. Yeah. Nakatingin lang siya. Pero punyetang tingin naman 'yan o! Nakakalunod! ~kung mawalay ka sa buhay ko, kung pag-ibig mo'y maglaho Paano na kaya ang mundo? Kung sa oras di ka makita Kung ika'y napakalayo na. May buhay pa kaya 'tong puso?~ halos magdugo na ang lips ko dahil sa pagkakakagat ko. Ikaw ba naman ang kantahan di ba? Kulang nalang ay maghubad ako sa harapan niya e. Chos lang, syempre mas love ko parin sarili ko. Anong akala niya sa akin? Maghuhubad nalang nang basta-basta dahil kumanta siya? Aba! Ang swerte niya naman! Siya muna ang maghubad, tapos sunod ako. Yie, ang landi ko na po. Rated Spg na 'yun. Dahan-dahan siyang bumaba sa stage habang hawak ang mikropono. Nakatingin pa rin siya sa akin. Takteng 'yan! hahabulin ko na ba ang puso ko? parang tumakbo e. ~yan lang ang maari natin, sadyang matanggap habang ako'y may buhay mahal na mahal kita, higit pa sa iniisip mo~ Huminto siya sa harapan ko at ngumiti. Naramdaman ko nalang ang pamumula nang aking pisngi. s**t kung panaginip man ito, huwag niyo na po ako gisingin pa. Sa panaginip ko lang naman ito nangyayari e. sa panaginip ko lang siya nagiging tunay na lalaki. Sa panaginip ko lang nararanasan ang pagmamahal niya. "Babe!" napakunot ako sa aking noo nang may narinig akong boses. Lilingunin ko sana sa aking likod kaso tinulak ako! Dahilan para mapatumba ako. Leche! sinong kutong-lupa ang naliligaw dito ha?! Inis akong napalingon sakanila. Isang lalaki bes! Isang lalaki ang kayakap niya! LALAKI! "NOOOO!" "hoy! Impaktang mangkukulam, nakulam ka na ba?" nagising nalang ako sa boses ni Baby pat. Napatingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya at inirapan ako. Tumingin ulit siya sa salamin at naglagay ng foundation. Napatingin ako sa paligid. Nasa gasoline station na kami. Mukhang ilang metro nalang ang layo sa bahay ko. Bumuga ako ng malalim na hininga. Whoa, buti naman panaginip lang yun. BUTI NAMAN NAGISING PA AKO SA BANGUNGOT. "Baby pat..." maiyak-iyak kong tawag sa kanya. Lumingon siya sa akin sandali at inirapan ako muli bago bumalik ang tuon sa salamin. Kasalukuyan na siyang naglalagay ng lipstick. Baby pat, huwag ka nang maglagay ng red lipstick, kissable naman yang lips mo eh. "ano?" bored niyang tanong sa akin. "baby pat... nanaginip ako." "Oh? talaga? nananaginip ka pala?" pambabara niya. Pero di ko pinansin. "may kasama ka daw lalaki! Baby pat... huhuhu" Nahulog ang lipstick na hawak niya at mabilis na tumingin sa akin. Nanlalaki ang kanyang mata at nakangiti na kinikilig. Kitang-kita sa mga mata niya nakumikinang ito. Gaya nga ng tenga ng aso ang tenga niya e nang narinig niyang may kasama siyang lalaki. Check na check, bakla nga. "releh?! papable? wit Hipon Oh my gas." maarte niyang wika. Umirap ako. DI ko po naiintindihan. Sa susunod, bibili na ako ng gay linggo dictionary. Nang magkaintindihan kami! KAya ang labo ng relasyon namin eh, wala kasi kaming proper communication. "di po kita naiintidihan, baby pat" ani ko. "ano ba 'yan!" irita niyang wika. "Boyfriend material ba? hindi panget?" pagtratranslate niya. Napatango ako ng sunod0-sunod. Ah, yun pala ang ibig saihin non? Bakit ngayon ko lang nalaman? Napasimangot ako ng narealize ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Bakit ba kasi lalaki ang hanap niya? Di pa ba siya kuntento sa sarili niya? Eh yung mga lalaki dyan pineperahan lang sila. Samantalang ako? Pagmamahal lang ang habol ko sa kanya! "Pangit siya! Bakla siya, kaya di kayo pwede. Tayo nalang!" Ani ko. Kala niya ha! "Aray!" Napahawak ako sa ulo ko nang bigla niya akong batukan. Inis ko siyang tinignan. "Problema mo ba? Di naman kita inaano" "Anong problema ko?! Ikaw. Bakit mo binababoy ang soulmate ko?! How dare you!" Aniya. "Di ko binababoy ang sarili ko!" Sagot ko sa kanya. Nandidiri niya akong tinignan. "High heels ang confidence? Di ma reach?" "Totoo naman ah!" "Oh no." Sarkastiko siyang tumawa. "It's not you, dear. Never. Mandiri ka nga! We have the same s*x!" "Hindi noh! Atsaka, ano naman ngayon kung gwapo yun ha?!" Tanong ko sa kanya. Ipatapon ko kaya yun sa bermuda triangle? O di kaya, balatan ko ng buhay tapos papaliguan ko ng asin with matching kalamansi. "Hahanapin ko." Aniya. Umirap nalang ako at napahalukipkip. Sige! Hanapin mo! Unahan tayo! Pag ikaw ang naka-una, ireto mo sa akin. Pag-ako naman, ipapalapa ko sa leon. "Hinahanap mo pa ang taong hindi naman nageexist, eh nandito naman ako!" Bulong ko pero nilakasan ko rin para marinig niya. Pinaandar niya ang kotse at minaneho. "Dream on, Agatha. Dream on gurl" Napairap nalang ako. Maghanda ka Baby pat. Mahuhulog ka sa akin balang araw. At pagdumating ang araw na yun, magpapasabog ako ng confetti para effort. *evil smile* -*-*-*-*-*-**-*-*-*-*-**-*-*-*-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD