Chapter 7

1739 Words
Bakit ngayon ko lang napansin? Grabe, sa labing anim na taon akong naninirahan sa mundong ito, ngayon ko lang napansin. Bakit ngayon lang? Sa dami-rami na nang pinagdaanan ko, bakit ngayon ko lang ito napansin? Don't get me wrong, pero matagal ko na itong alam ngunit di ko lang binigyan nang pansin. Bakit ngayon ko lang napansin na dyosa pala ako at hindi maganda? Naman, dapat malaman ito ni baby pat mamaya! "Huy!" Napatingin ako kay shovy at ibinaba ang salamin na hawak ko. I smile sweetly sa kanya. "Bakit, shov?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi may nahagilap o nalaman na chismis sa kabilang section. Hello, kahit din naman ang mga dyosa ay nakikichismis rin noh. "Bakit ka nagpapaganda diyan?" Tanong niya. Umirap ako sa tanong niya. Nagpapaganda daw, may nakita ba siyang make-up at lipstick dito? Wala naman ah. "Alam mo, puro ka gawa-gawa ng kwento. Nagsasalamin lang ako, hello?" Ani ko. "Aray!" Napahimas ako sa aking ulo kung saan binatukan ni Shovy. Ang hard niya sa akin! "Umayos ka, Agatha ha. Bakit may dala kang tarpaulin at confetti? May party ba?" Tanong niya. Mabuti nalang talaga at nandito pa sa harapan namin si Miss Alyanna, kung hindi ay masasambunutan ko na 'tong si Shovy. Bakit di niya maalala ang importanteng araw na ito? "Alam mo, magpasalamat ka na kay miss Alyanna." Wika ko. "Bakit naman?" Tanong niya sa akin. "Kasi kanina na dapat kita pepektusan." Tumaas ang kanyang kilay at binigyan ako nang 'anong-konek' look. Umirap na lamang ako sa kanya. Kung papatulan ko pa ang kaslowhan niya ay baka mas lalo lang ako mainis sa kanya. Sa halip na makinig sa boring na discussion ni Miss Alyanna, pinagmasdan ko nalang ang wall clock sa itaas ng aming white board. Hinihintay ko nalang na ituro nang maliit na kamay ang 4. Hindi na ako makapag-intay. Kanina pa akong di mapakali sa aking kinauupuan. "Miss Mulach!" Napatayo ako dahil sa gulat. Napatingin ako kay Miss Alyanna na nakapamewang at masama ang tingin sa akin. Marahil ay nahuli niya akong 'di nakikinig sa kanyang klase. Napalunok ako. Sa katunayan niyan, ay may respeto naman talaga ako sa mga guro. Kung di lang nila aagawin ang attensyon ni patrick. "since you are busy, spacing out. I know you are already geniuos for this class. So, what are the properties of metals and give its meaning" malamig niyang ani sa akin. Teka... Parang narinig ko 'yun kanina e. Nong nagtuturo si Miss Alyana. "A-ano..." Napakamot ako sa aking ulo. Alam ko yun e! Di ko lang matandaan! Tinaas ni Miss Alyannacang kanyang kilay. Inip siyang naghihintay sa aking sagot. Patago akong sumulyap sa wall clock. Three... "Aren't you going to answer my question, Miss Mulach?" Two.. Ngumiti lang ako, habang nagbibilang sa aking isipan. One. Agad kong narinig ang bell, hudyat na tapos na ang klase at maari na kaming idismiss. Napatingin ako kay Miss Alyanna na parang nadismaya. "Tapos na po ang science time" wika ko. Humalukipkip siya sa akin at napabuntong hininga. "Okay, class dismiss" Mabilis na nagsitayoan ang mga kaklase ko. Habang ako naman ay inayos kaagad ang aking mga dalang props para mamaya. Lumapit si Shovy sa akin. "Una na ako, Aga. Death anniversary ni papa ngayon." Aniya. Tumango nalang ako at napanguso. Palagi siyang hindi nakakapunta sa birthday ni Baby pat dahil pareho ang date sa pagkamatay ng papa niya. Tumatakbo ako patungo sa theatre. President kasi si Baby Pat sa theatre dito sa school. Galing ng baby ko no? Syempre, si patrick yan e. Hingal na hingal akong pumasok sa theatre room. Napatigil silang lahat ng nakita nila ako. As expected, umayon lahat sa plano. Napatingin ako sa orasan ko. 4:15 pm na. At exactly 4:45 pm,magsisimula ang practice nila para sa presentation sa foundation day. So may thirty minutes pa ako para maghanda. Lumapit sa akin si Eric na sinusuri ako. Ang lagkit ng tingin niya sa akin. Para ba'y isa akong nakaka-ew,na basura. Lilipad talaga 'tong dala kong confetti sa mukha niya,kung hindi,siya titigil sa,kakatitig sa akin para akong isang malaking basura. "Ew, you don't,belong here." Maarteng wika ni Erik. "Nananapak ako ng bakla, pag pagod ako. Gusto mo ma try?" Irita kong tanong sa,kanya. "Ay, ang hot naman,dis gurl" Umirap ako. "Don't state the obvious," hindi ko na hinintay ang sagot ni Erik Dahil agad din akong tumulong sa pag-aayos. Kakuntsyaba namin ang member ng theatre club. May nagkalat na mga balloons sa sahig. Kulay pink at purple ito. Yun kasi ang favorite color ni baby pat. Meron din mga tinfoil na nakasabit at ang pinakadulo non ay,may mga pictures niya. Parang debut ang theme ng ginawa namin. Nabanggit kasi sa akin ni Baby pat noon na gusto niyang makaranas na magkaroon ng debut. So, gusto kong maranasan niya iyun. Tapos ako yung last dance niya. "Agatha..." Napatingin ako kay Jerome ang kanang kamay ni baby pat dito sa theatre club. Kainis na baklang iyun, namili talaga ng gwapo. If i know lalandiin niya lang ito. Buti nalang ay may girlfriend na siya, dahil kung wala? Naku! Huwag na siyang magpakita pa sa akin. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Ready na ang stage. Magbihis ka na sa backstage." Aniya. Tumango nalang ako at sinunod ang sinabi niya. Anong gagawin ko sa baxkstage? Edi magbibihis. Bakit? Basta. Pagdating ko sa backstage ay bumungad sa akin sila Angel na nagmamake-up. Nang nakita niya ako ay agad siyang ngumiti. "Ready ka na?" Tanong ni Angel sa akin. Pinaupo niya ako sa upuan at humarap sa salamin. Tinaasan ko ng kilay si Angel. "Ofcourse, ready na ready" Tumawa siya habang umiiling. Napangiti ako. It's time to shine. -- "OMG! Ang g--" "Shh, tignan mo nalang kung nandyan na ba si Baby pat" utos ko sa dalawang bakla na nakatayo sa harapan ko. Ang kakapal ng mga make-up nila. "Ayoko nga! Alam mo bang nakakainsulto itong pinapasuot mo sa akin?!" Wika ni Charlie. Nakasuot kasi sila ng tuxedo. Di ko nga alam kung anong pinagrereklamo nila e. Ang gwpo kaya nila. Pero love ko parin si baby pat. Umirap nalang ako. "Pareho lang tayo!" Ani ko. "Kasalanan ba namin na tumambling yang utak mo at nakagawa ng kahit anong imbento kaya nangyari 'to ha?" Sabi ni Erik na di na kinaya ang pananahimik. Padabog akong umupo sa upuan. Bwiset! Sana di na ako nanghingi ng tulong sa dalawang 'to e. Agad bumukas ang pintuan at pumasok si Jerome. "Papunta na si Patrick." Aniya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Damn! Pangalan palang 'yan, Aga! Paano nalang kaya kung siya na?! Dali-dali akong tumayo at lumabas, sumunod sa akin ang dalawang bakla na bumubulong at nagrereklamo sa suot nila. "Why so dark?! Where is the precious switch?" Dinig kong wika ni Patrick. Pinatay kasi namin ang ilaw ng Theatre. Napangiti ako ng nakita ko siya sa entrance. Why so gwapo and cute baby? Dahan-dahan akong luminya sa pinakadulo. Tumango ako kay Arah. It's time. Kasabay ng pagbukas ng ilaw ay ang pagtugtug ng gitara. (Please play: For you I will) When you're feeling lost in the night, When you feel your world just ain't right Call on me, I will be waiting Count on me, I will be there Anytime the times get too tough, Anytime your best ain't enough I'll be the one to make it better, I'll be there to protect you, See you through, I'll be there and there is nothing I won't do. Hindi ko nakita ang reaction ni baby pat, dahil nasa pinakadulo ako ng linya, at ako pa ang kumakanta. Ang alam ko lang ay binibigyan nila ng rosas si Baby Pat, at ang huling rosas ay sa akin. I will cross the ocean for you I will go and bring you the moon I will be your hero your strength Anything you need I will be the sun in your sky I will light your way for all time Promise you, For you I will. Yes, baby pat. Gagawin ko lahat para sa'yo. Kahit kailangan ko pang kumain ng apoy gagawin ko, o masaktan ng paulit-ulit ayos lang. Basta alam kong para sa'yo. I will shield your heart from the rain I will let no harm come your way Oh these arms will be your shelter No these arms won't let you down, If there is a mountain to move I will move that mountain for you I'm here for you, I'm here forever I will be your fortress, tall and strong I'll keep you safe, I'll stand beside you, right or wrong "Thank you, omg" rinig kong wika ni baby pat. Napangiti ako. Malapit kana sa akin, baby pat. I will cross the ocean for you I will go and bring you the moon (yeah, yeah) I will be your hero your strength anything you need (I will be..) I will be the sun in your sky I will light your way for all time Promise you For you I will Napasinghap siya ng nasa harapan niya na ako. Ngumiti ako sa kanya ay ibinigay ang huling rosas. Isa itong bulaklak na nasa jar, na hindi nalalanta. Binili ko pa iyun sa ibang bansa. "Omg, agatha! Ikaw ang... No way" di niya makapaniwalang ani. Napatingin siya sa aking kasuotan. "And you disguised as a man" Huminto ako sa pagkanta. Di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya. Wala na akong pake-alam kung may dala siyang bulaklak. I'm dying to hug him. "Handa akong maging panyo mo, para lang mapunasan ang mga luha mo. Handa akong ibigay ang puso ko, kapag sira na ang saiyo. Handa akong kalabanin ang munda para lang sa'yo. Kasi ganon ka kaimportante sa akin. Handa akong paulit-ulit na masaktan dahil sa katotohanan na hindi mo ako mahal. Ayos lang kahit na halos ipagtabuyan mo na ako, dahil ipipilit ko parin ang sarili ko sa'yo, patrick. Babalik at babalik ako sa'yo. Because the moment you captured my heart, my soul and my eyes you become my universe. My home." Bulong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita pero alam kong narinig niya ako kasi hindi siya nakagalaw. Tinago ko ang aking mukha sa kanyang leeg at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Happy birthday, baby pat. Iloveyou" bulong ko sa kanya. Nagulat nalang ako ng yumakap siya pabalik sa akin at hinigpitan din ang pagkakayakap sa akin. Pero mas lalo akobg nagulat sa sinabi niya. "I love you too, Aga. Thank you, beks."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD