Hulog na hulog na ako sa kanya.
Hindi ko alam kung makakabangon pa kaya ako. Pero isa lang ang alam ko, handa ako magpakalunod para sa kanya.
"Ayiee, uy tama na 'yan. Masakit sa mata" agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Ginulo niya ang aking buhok at inirapan ako.
Nanlalaki parin ang aking mga mata. s**t. Ano 'yung sinabi niya? Ano 'yun? Paki rewind please. s**t. Shit.shit. pwede na akong mamatay.
"Baby pat?" Wala sa sarili kong tawag sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Seriously, aga? Kailan ka titigil sa kakababy sa akin?"
Di ko pinansin ang kanyang kasungitan. Mas importante sa akin 'yung sinabi niya sa akin. Kasi Putcha! Totoo ba 'yun? Mga pre! Magpapakain kami sa amin, talaga.
"Totoo ba 'yun? Totoo ba 'yung I lobe you too mo?" Tanong ko sa kanya. Napakunot siya sa kanyang noo at inirapan ako.
"Anong I love you too, ka dyan?! Guni-guni mo lang 'yun. Etchoserang kuneho naman, 'to" aniya. Ano?! Di ako naniniwala! Narinig ko talaga yun e.
"Ha? Huwag mo nga akong pinagloloko, Baby pat. Narinig ko 'yun e, malinaw na malinaw!" Wika ko. Huwag niyang sabihin na namali lang ako ng dinig, kasi sigurado akong sinabi niya, 'yun!
"Aray!" Napahimas ako sa aking noo ng pinitik ito ni Baby pat. "What the--!"
"Gurl, maganda ka sana ng kaunti e. Pakilinis ng cheap mong tenga, okay? Nagthank you lang ako sa'yo" aniya.
Nangunot ang aking noo. "Hindi ako--uy! Kinakausap pa kita! Patpat naman e..."
Napasimangot nalang ako ng pinuntahan niya ang mga kaibigan niyang bakla na ngayo'y nilalandi ang mga gwapong meyembro ng theatre club. Kainis! Nandito ako sa harapan niya, pero pumunta parin siya sa mga kamukha ni Chocolate!
"Miss Aga--"
"Ano?!" Inis kong tugon ng may tumawag sa akin. Napatalon si Arah. Hindi niya guro inexpect na sinigawan ko siya. Kasalanan ko ba? Nakakainis kaya yung sinabi ni baby pat.
Mahirap bang sabihin na 'oo, sinabihan kita ng I love you too' leche siya. Kahit bilang kaibigan lang, okay na. Pero joke lang. Syempre hindi ko matatanggap ang bilang kaibigan lang noh. Mas masakit pa yun sa ginawa ngayon ni Baby Pat.
"May tumatawag po sa cellphone niyo." Aniya sabay abot sa phone ko. Nakakunot ang aking noo nang tinanggap ang phone ko. Sino naman ang tatawag sa akin? Sa pagkakatanda ko, wala namang occasion ngayon e.
Nang nakita ko kung sino ang caller ay agad ko itong pinatay at ibinigay kay Arah ang phone ko muli.
"Huwag mong sasagutin ang tawag sa phone ko ha. Hindi sila, importante." Bilin ko sa kanya. Nangunot ang kanyang noo. Nagtataka siguro siya.
"P-pero..."
"Basta, gawin mo nalang" wika ko at ngumiti sa kanya. Hindi ko na inantay ang sagot niya dahil tumakbo na ako papunta si kinaroroonan ni Baby Pat.
Nagtatawanan silang lahat. Halata sa mukha ni Baby Pat na masaya siya. Mabuti naman. Nag effort talaga ako sa birthday niya noh. Ito kasi ang unang pagkakataon na hindi niya sinira ang pinaghandaan ko. Noon kasi, binigyan ko siya ng snow globe kung saan ang nakalagay doon ay lalaki ay prinoprotektahan ang babae. Pinagawa ko pa talaga yun, kasi naalala ko yung unang araw na nagkita kami. Pinagtanggol kasi ako ni baby pat, sa mga chakang babae na umaasar sa akin.
Nang binigay ko yun sa kanya, syempre tinanggap niya rin, pero ang masakit, wala pang one week na basag daw. Takte siya, isang buwan akong umiyak non at di siya pinansin. Pero ayos lang, mahal ko e. Kaya nagpagawa ulit ako ng bago at binigay sa kanya.
Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni baby pat. Agad akong binigyan ni Jerome ng space para makaupo ako sa pagitan nila ni baby Pat. Ngumiti ako sa kanya. Sabi ko na e, kakampi ko si Jerome. Gagawin ko talaga siyang president ng Fans club namin.
"Ano ba, aga. Ang sikip na nga dito, sumingit ka pa." Reklamo ni Baby Pat. Ngumiti ako sa kanya. Sus, if I know nag iinarte lang siya.
Agad kong pinisil ang kanyang pisngi.
"Arayy!" Agad niyang hinawakan ang kamay ko para ilayo ito sa pisngi niya at tanggalin.
"Baka mamiss mo ako e" ani ko bago tigilan ang pagpisil sa pisngi niya. Sinamaan niya ako ng tingin at hinimas ang kanyang mamula-mulang pisngi.
"Alam mo bang, iniingatan ko ang flawless kong chicks?! Tss" reklamo niya habang nakahawak parin ang isang kamay niya sa pisngi kung saan ko pinisil.
Awee, ang cute. Nakakainlove ng lalo.
"Ang daming space dito, oh. Bakit kailangan dyan pa?" Mataray na wika ng babaeng nasa tapat ko.
Napatingin ako sa kanya at naningkit ang aking mata. Wait, parang kilala ko 'to ah! Siya yung b***h na humampas sa braso ni Baby Pat sa hallway. Bakit nandito 'yan?! Di siya invited.
"Why are you here? Wala akong inimbitang basura." Mataray kong wika sa kanya.
"What?! You--!" Aakmang susugurin niya sana ako kaso pinigilan siya ng lalaking katabi niya.
"Beatrix, huminahon ka." Pigil sa kanya ng lalaki. Ah, so Beatrix pala ang pangalan niya? Oh, ang cheap naman. Hindi pang high class.
Iritang umupo muli si Beatrix at inukulan ako ng masamang tingin. As if naman natatakot ako.
"Magblowee ka muna ng candles, beks" ani ni Erik sabay kuha ng cake.
"Oops!" Pigil ko sa kanya. Tumingin si Erik sa akin at napahinto. Ngumiti ako sa kanya. "Ako ang kukuha." Wika ko.
Umirap sa akin si Erik at hinayaan lang din ako. Kinuha ko ang cake at sinindihan ito. Pagkatapos ay humarap ako kay Patrick ng nakangiti.
"Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you" lahat kami ay kumanta sa kanya. Nang matapos ang kanta ay agad siyang pumikit at nagwish.
Ano kaya ang hiniling niya? Kasi ako kapag nagwiwish isa lang talaga ang wish ko. Yun ay maging kami ni baby pat.
Agad nagblow si baby pat ng matapos siyang magwish. Gumuhit ng isang matamis na ngiti ang kanyang labi. Agad kong inilagay sa center table ang cake.
Yumakap ako sa kanya. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko kasi nanigas siya sa kinakakatayoan niya. Pumikit ako at pinakinggan ang t***k ng puso niya.
"Awee, ang sweet" asar ng mga tao sa paligid namin.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Afraid of letting him go. Hindi ko kasi kayang makita na mawala siya sa akin. Hindi ko kaya. Hinawakan ni Baby pat ang aking braso at tinatanggal, pero hindi ako nagpatinag. Sahalip ay mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
Wala akong pakealam kung makita man ito ng ibang tao.
"Eww, Agatha. Get off me" aniya at pilit akong inaalis.
Napangiti ako. Hindi pa rin siya nagbabago.
"Just this once, Baby pat. Payakap." Wika ko.
"Nakadalawa ka na, gurl ha." Aniya.
"Yakap lang kasi ang regalo ko sa'yo ngayon. Haha" natatawa kong ani pero,hindi pa rin ako kumalas. Napabuntong hininga si baby Pat. Parang sumuko na siya sa kakakulit sa akin na umalis.
"Imbyerna kang babae ka. Ang sakit mo sa ulo, bruha" aniya. Ngumiti ako at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya for the last time bago kumalas sa kanya.
"Patrick Edward Lim." Tawag ko sa buong pangalan niya. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ano na naman?" Tanong niya sa akin.
"Patrick Edward Lim" tawag ko ulit. Nangunot ang kanyang noo.
"Teka, lasing ka ba?" Aniya. Umiling ako bilang isang sagot. Siguro. Nalasing ako sa yakap niya.
"Patrick Edward Lim. Ang ganda pakinggan." Wika ko habang nakangiti. Napakunot siya sa kanyang noo at parang hindi niya ako naiintindihan.
"Ang pangit kaya." Aniya. Umiling ako.
"Di kaya. Your name is the most amazing thing I know. Hindi ako magsasawa sa kakabasa ng pangalan mo" ani ko. Ang sweet sweet ko talaga! Lalanggamin na kami dito.
"Alam mo, ipapasok na talaga kita sa mental hospital. Ang corny mo. Eww, nakakakilabot" aniya sa akin at umirap.
Napatawa ako ng mahina. Ang cute niya talaga!
"Patrick Edward Lim" tawag ko,ulit sa kanya.
"Ano?" Irita niyang tugon.
"Papakasalan kita. Tatandaan mo 'yan, because I will turn you into my man." Wika ko.
Bago pa siya makasagot ay agad akong tumingkayad at hinalikan siya sa pisngi. Pisngi lang naman, kahit gusto ko sa lips ay sa pisngi lang.
Ang bilis ng t***k ng puso ko beh. Rinig na rinig ko na e. First time to. First time ko siyang mahalikan! Jackpot! Daig ko pa ang nanalo sa lotto.
Agad akong tumakbo papalayo sa kanya kasi alam kong babatukan niya ako dahil sa pagnakaw ko ng halik sa kanya.
"Agatha Marie Mulach--!!"
"--Lim!!" Dugtong ko sa sigaw niya, bago tumakbo pa alis ng theatre club.
Hahayaan ko muna siyang mag celebrate kasama ang mga kaibigan niya. Nakuha ko naman ang gusto ko e. Ang mahalikan siya.
Ang last goal ko nalang ay ang Pakasalan siya.
Just wait, baby pat. And You will going to ask me soon to marry you.
---