"Magandang umaga, Aga!" Bati ni Shovy sa akin pagkadating niya dito sa classroom. Inangat ko ang aking ulo para makita ko siya.
She's smiling so bright. Ang ganda ng gising neto, ah. Ano kaya ang ulam niya?
"Himala, ganda ng mood" matamlay kong wika atsaka napahawak sa ulo ko. Bakit kasi ako matagal natulog kagabi e. Ayan tuloy sumakit ang ulo.
Napakunot ang kanyang noo atsaka umupo sa kanyang upuan. "Anong nangyari, dyan?" Tanong niya sabay turo sa sugat ko sa noo.
Napabuntong hininga ako. "Ang tanga ko kasi, na untog tuloy ako." Wika ko.
Paano ba naman kasi! Kilig na kilig ako pagdating ko sa bahay. Di ko namalayan na nasa pintuan na ako ng kwarto ko. Eh dahil bulag si dyosa, nagpatuloy ako sa paglalakad. Kaya ayan! Nagdikit ang mukha namin ni Mr.Door.
Kwinento ko sa kanya ang nangyari. Pagkatapos kong magkwento ay tinawanan niya ako ng husto. Grabe siya! Napahawak pa ito sa kanyang tiyan at namumula ang kanyang mukha.
Inis kong hinampas ang desk. "Aray!" Sigaw ko ng kumirot ang aking kamay. Takte naman kasi, Agatha. Isip-isip din.
Mas lalong tumawa si Shovy. Nahihirapan na nga itong huminga e. Parang ilang minuto nalang ay mawawalan na siya ng hininga.
"Sige! Tawa pa, dyan ka naman magaling e! Tawanan mo pa ako!" Di niya bang nakikita na naiinis na ako?
Huminto siya sa kakatawa at tumikhim. "Ang tanga mo naman kasi, aga e."
Umismid ako. Alam ko? Kailangan pa talaga ipagsigawan? Nasan ang konsoderasyon niyan sa damdamin ko? Kung di ko lang talaga kaibigan si Shovy baka, kanina ko pa siya binato ng sapatos ko. Tutal, masarap 'tong ibato lalo na't matulis ang takong.
"Manahimik ka nalang nga, dyan." Pagsasaway ko sa kanya. "May assignment ka ba sa math?" Tanong ko.
Ganda kasi ng mood niya e. Edi, sirain natin. Ang pangit kasi ng schedule namin. First subject sa morning ang Math! Tapos, Pythagorean theorem pa and topic, myghad! Ang hagard ko na. Mukha na akong nanay nito.
Nanlaki ang kanyang mata. Napangisi ako. Oh, I see... Walang assignment si eteng.
"Ay! Hala, oo nga pala!" Napasapo siya sa kanyang noo. Mabuti nalang at magaling akong estudyante! Gumagawa ng assignment!
Bored kong binigay sa kanya ang yellow pad ko. "Oh, kumopya ka. Pasalamat ka sa dyosa mong kaibigan" ani ko at napatingin sa aking kuko.
Naramdaman ko ang malagkit na titig sa akin ni Shovy, kaya napatingin ako sa kanya. Baka kasi ano na naman ang nasa utak neto. Mahirap na.
"What?"
"Hoy, Agatha. Kilala kita. Hindi ka santos para gumawa ng assignment. Sabihin mo sa akin, kaninong lalaki ka kumopya?" Tanong niya sa akin habang nanlilit ang mata niya.
Napahalakhak ko ng sarcastic. Taena bes! Kung makasalita siya parang kaninong lalaki ako sumasama! Ang sama niya! Hindi niya ba alam na nasaktan ako sa sinabi niya?
"Wow, lang Shovy. Ang sama mo! Ang pangit pakinggan ng kaninong lalaki. Di ba munang pwedeng kaninong nerd?"ani ko.
Umirap siya. "Sino nga?" Pag uusisa niya.
I smile at her. "Edi kay baby pat!" Masigla kong ani.
Napakurap siya. Para ba'y di ako nagsasabi ng totoo. Like seriously? Sa mukha kong 'to? Di ako mapagkatiwalaan? Tsong naman! Sa mukha kong 'to?
"No. Hindi ka tinutulungan ni Patricia sa mga assignment mo. Ni 'di ka nga niya tinulungan noon sa Science nating project e. Tapos nong naslide ka sa hagdan, tinignan ka lang niya at umiling. Tapos ngayon?" Napahinto siya. Sa tingin niya palang ay alam kong hinuhusgahan niya na ako. "...tutulungan ka niya?"
"I'm serious!" Giit ko.
She laughed. Para ba'y isang joke ang sinabi ko sa kanya. Mukha ba akong nagbibiro? Seriously? Anonv ulam ni shovy ngayon at ang weird niya.
"Stop daydreaming, Agatha. Stop it na" aniya.
Uminit ang aking ulo. Bakit di siya naniniwala? "I'm serious, okay?!" I snapped.
"B-but.."
"I stayed up all night, pleading him to help me. Buti nalang pumayag ang dalagang filipina na baklang 'yun" ani ko.
Totoo naman e. Grabe ang pagmamakaawa ko sa kanya na tulungan niya ako. Kahit ano-ano na ang pinagpapangako ko sa kanya. Like, memake-upan ko siya pagdating ko sa school. O di kaya, bibigyan ko siya ng teddy bear. Meron ding, magpapaalipin ako sa kanya ng one week. Kahit anong katangahan na sinabi ko, pero ayaw niya akong tulungan. Pero nong sinabi ko sa kanya na 'edi fine. Huwag na lang. Bye' agad ko narinig ang kanyang buntong hininga ako nagsalita siya. 'Sakit ka talaga sa ulo, noh? Sinira mo na nga ang beauty rest ko e!' Umirap ako. 'Bye na nga di ba? Kainis.' Pero nagulat nalang ako sa sunod niyang sinabi.
'Oo na! Tutulungan na kitang bakla ka. Huwag ka nang magtampo, mukha kang unggoy dyan'
Ewan ko nga kung anong nakain ng baklang 'yun e. Pero infairness, improving. Tinulungan na ako.
"P-pero... That's not his thing." Wika ni Shovy. Umaangal talaga sa lovestory namin ni baby pat e.
"People change, Shovy. Malay mo, maging straight na si baby pat at mapunta sa kasalanan" ani ko at ngumiti sa kanya.
Umismid siya at napalumbaba habang tinitignan ang soulution ko. Hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa. Darating rin ang araw na magiging tunay na lalaki na si Baby Pat! At maikakasal siya sa akin. I can't wait on that day!
----
"Baby Pat!!" Sigaw ko ng madatnan ko siya sa soccer field. Nakaupo siya sa bleacher habang kausap ang dalawang bakla na may dalang tarpoulin at nagchicheer sa mga soccer player na nagdridrill.
Nang makita niya ako ay agad siyang umirap. Ayie, way so gwapo? Nakangiti akong pumunta sa kinaroroonan niya. Kahit ilang beses niya akong pagtulakan ay lalapit pa rin ako sa kanya.
Tumabi ako at binigyan siya ng tubig. Agad niya naman itong tinanggap. Pero hindi niya binuksan.
"Inumin mo na, alam kong inuuhaw ka na." Wika ko sabay kuha ng towel sa bag ko, nang napansin kong may pawis na namumuo sa noo niya.
Kawawa naman si Baby Pat. Siguro kanina pa siya dito. Sino ba kasi ang nagsabi na tumambay sila dito? Ang init kaya! Si baby pat pa tuloy ay mapagpapawisan.
"Ayoko. Baka may spell kang nilagay dito at gayumahin ako. Mukha ka pa namang mangbabarang." Aniya.
Nanliit ang aking mata. Wow lang. Wow.
"Sa mukha kong 'to?"
"Oo" aniya at umirap.
"Wow. Bakit? Nagayuma ba kita?" Tanong ko sa kanya na ikinabigla niya. Nanlaki ang kanyang mata at napabukas ang kanyang bibig ngunit walang boses ang lumabas.
Napangisi ako. OMG. Hindi siya nakapagsalita. Ibig sabihin... Ibig sabihin. Agad lumawak ang aking ngiti. "OMG! HUWAG MONG SABIHIN NA MAY--"
"In your dreams." Umirap siya pero nakita ko ang pamumula ng kanyang tenga. Wait? Nag iimagine ba ako? Oh pumupula talaga ang kanyang tenga. Omg ang cute!
"Omg, ang pula ng tenga mo! Baby pa--"
"Shut up. Iinomin ko na, oh? Ang lakas ng boses mo! Nakalunok ka ba ng,megaphone?" Inis niyang ani atsaka ininom ang tubig na binigay ko.
Napakagat ako sa aking ibabang labi habang tinititigan siya sa pag-iinom. Bakit ang hot niya? At bakit sa adam's apple niya lang ako nakatingin? s**t. Ang hot ng adam's apple niya. Gumagalaw bawat lunok niya! Ang sarap hawakan! Ang sarap ikiss!
Lord! Patawad sa mga pinag-iisip ko.
Napaiwas ako ng tingin ng napatingin siya sa akin. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. s**t, bakit parang may kumuryente sa akin? Iba kasi ang epekto ng titig niya sa akin e.
"Oh." Napatingin ako sa kamay niya. Napasimangot ako. Bakit niya naman binabalik sa akin ang water bo--
Napangisi ako. Napatingin ako kay Patrick at binigyan siya nang nakakalokong tingin habang kinuha ang bottle sa kamay niya.
"Anong tingin, yan aga?" Irita niyang tanong.
Napangiti ako sa kanya. "Ikaw ha, di mo naman pala sinabi sa akin, gusto mo mag indirect kiss tayo" wika ko.
Nangunot ang kanyang noo. Nagtataka siya kaya naman napangisi ako. Mabuti nalang may naiwan pang tubig. Binuksan ko ito.
"Omg! N-no! Hindi yun. May ghad! Eww" wika ni patrick. Sinubukan niyang kunin sa akin ang bottle, pero dahil huli na niyang naintindihan ang sinabi ko, hindi niya ako napigilan.
Agad akong uminom. OMG! Nag indirect kiss na na kami! Omg! Nandito ang labi ni baby pat kanina. Omg! Omg! Omg! Lord save my heart.
Pagkatapos kong uminom, agad kong binigay sa kanya ang bottle.
"Baby pat, sabihin mo lang kung gusto mo ng kiss. Ibibigay ko naman sa'yo e. Saan mo gusto? Sa cheeks? Sa forehead? Sa nose? Or sa lips?" Tanong ko. Napangisi ako. "Pero mas gusto ko sa lips" pilya kong wika.
Agad niyang inilayo ang kanyang mukha. Parang alam niya na ang susunod kong gagawin. Pumikit ako at ngumuso.
"Hmmm" pilit kong nilalapi ang mukha ko,sa kanya.
"Ew. Ew. Stay away." Panay pigil ni baby pat sa akin.
Dumilat ako at napangiti. Omg! Ang cute niya. Ang sarap niyang pisilin. Ang sarap niyang asarin ulit.
"Come'on baby pat." Pangangasar ko.
"Yucks! Go away!"
"Come on, just on--"
"Anong kalandian 'yan?" Tanong nilang Charlie, dahilan para maudlot ang lambingan namin ni baby Pat. Takte 'yan. Bakit ba palagi nalang mag kumokontra sa amin?
Para silang kontrabida sa lovestory namin ni baby Pat! Ang sarap nilang pagbabatuhin ng sapatos!
"Go away!"
"Aray!" Napahawak ako sa mukha ko ng bigla akong itulak ni baby pat. Wow lang ha. Ang hard niya!
"Cheap ng tambayan niyo. Dito niyo pa talaga naisipan maglambingan, portion" pangangasar ni Erik.
Umirap nalang ako sa sinabi niya.
"What? Ew, nakakakilabot kayo, beks!" Wika ni Baby Pat.
"Ang papangit niyong tadpoles"
"Ingit ka lang!" Wika ko kay Charlie. Eekstra pa kasi e. Hanapan ko nalang kaya sila ng,lalaki, para tigilan na nila ang pambwibwiset sa amin ni Baby Pat?
Napatingin kami kay baby pat nang bigla siyang tumayo. Nagtataka ko siyang tinignan. Saan na naman maglalakwatsa ang lalaking 'to?
"Rarampa muna ako. Ang init ditey e." Ani ni Baby Pat. What? Saan naman siya pupunta? Magboboys?
"Gora, beks." Ani ni Erik.
Tumango si baby pat atsaka naglakad palayo. Napabuntong hininga ako. Hindi ko naman siya mapipigilan e. Kahit anong gawin ko, pupunta parin siya sa dating gawi niya. Ang tangi ko nalang gawin ay mahalin siya at alagaan.
Tumayo ako. "Baby pat!" Sigaw ko at hinabol siya.
Napangiti ako ng huminto siya at irita akong tinignan. "Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na huwag mo akong tawaging baby?!" Irita niyang sabi.
Ngumisi ako. "Lumingon ka naman"
Umismid siya at napahalukipkip. "Anong isesay mo, aber?" Tanong niya.
Hindi ako nagsalita, sahalip ay tumingkayad ako at pinunasan ang noo niya na may pawis na. Natigilan siya at napatingin lang sa akin.
Palihim akong napakagat sa aking ibabang labi. s**t. Huwag mo akong titigan ng ganyan baby pat. Mananakawan kita ng halik.
Nang napunasan ko na ang noo niya ay agad akong ngumiti. Kinuha ko ang kanyang kamay at ibinigay ang towel na ginamit ko. Still, di pa rin siya nakagalaw.
"Sige, alis na ako. Bye!"
Agad akong naglakad pa alis sa kanya at iniwan,siyang nakatulala.
Lihim akong napangiti. Good job agatha! Kulang nalang at mapapasayo na si Baby Pat. Konting kembot nalang! Push pa!
Wait and see, baby pat.