"get in."
Ngumiti ako kay Arnold bago pumasok sa kotse. Nang makaupo na ako ay sinarado niya na ang pintuan, bago tumakbo patungo sa driver seat.
"umidlip ka muna. Malayo-layo pa ang byahe natin" aniya. Napatango nalang ako.
Mabilis niyang pinaandar ang kotse at sinimulan ang pagmamaneho. Napahilig nalang ako sa bintana. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari ngayong araw na ito. Tawagin na nila akong baliw dahil sa pagsunod ko kay baby pat sa baguio. Pero wala silang magagawa. Nagmamahal lang e.
Matutuwa kaya siya? Pag nakita niya ako doon? Sasalobungin niya ba ako ng yakap? Napangiti nalang ako ng lihim. I guess not. Yung baklang yun? Pagnakita niya ako, paniguradong nakakunot ang noo non at nakapamewang pa. Hindi yun matutuwa dahil tatawagin niya lang akong baliw. At mas lalong hindi niya ako sasalobungin ng yakap. Baka, batok. Batok ang isasalobong niya sa akin.
"are you alright?" tanong ni Arnold sa akin, dahilan para mapatingin ako sa kanya.
I smiled. "ofcourse." sagot ko sa tanong niya.
He smiled in return bago tumingin sa kalsada. "I'm glad na napasaya kita. Kahit hindi naman ako ang nagpapasaya sayo. Atleast ako naman ang naging dahilan kung bakit." aniya.
May kung anong kirot ang naramdaman ko. He doesn't have to feel this kind of pain. Gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit ko nasasaktan ang isang taong napakabait. Parang gusto ko na tuloy sisihin ang existence ko sa mundong ito.
Kinuha ko ang isang kamay niya na nakahawak sa manobela. Napatigil siya ng naramdaman ang kamay ko sa kamay niya.
Kinuha ko iyon at minasahe. " I wished I could erased the pain, Arnold. You are the amazing person, I knew. Sana... Makakita ka ng taong mamahalin ka ng sobrang-sobra. Yung taong handang gawin ang lahat para lang sayo. Because you deserve it." sabi ko.
Mabilis na tinanggal ni arnold ang kamay niya at muli itong binalik sa manobela.
"I guess not. Sayo lang 'to tumibok e."
Mas lalo akong nalungkot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam kong masakit. Sa katonayan ay pareho lang kami ng sitwasyon.
Nagmamahal sa taong 'di ka kayang mahalin pabalik
"I'm sorry" alam kong hindi pa sapat ang salitang sorry. Ghad, mukhang mawawalan na ng sense ang salitang sorry e. Sinasabi naman natin sa taong nasaktan, yun nga lang paulit-ulit nalang sa parehong dahilan.
"you don't have to. Wala kang kasalanan. At isa pa, come on. I'm sure makakamove on rin ako. Di man ngayon, pero darating rin tayo dyan. As for now, let me. Let me, love you."
Napangiti nalang ako at napatango.
"ipagdarasal ko na mapunta ka sa mabuting babae." natatawa kong ani
He playfully smile at me. "ipagdarasal ko rin na mauntog ang ulo ng baklang 'yun para magising siya sa katotohanang na pagbinalewala ka lang niya, aagawin kita sa kanya."
Pareho kaming natawa at napailing. Yung baklang yon? Nako, kahit maging rectangle na ang mundo. Kahit maging pink na ang violet o di kaya ay maging lalaki na si Charlie, di yon matatangap na mahalin ako.
-*-*
Nakatulog ako sa biyahe. Nagising nalang ako ng tinapik ni Arnold ang kanang pisngi ko.
"Gising na. Kain muna tayo"
Kinusot ko ang aking mata at pinagmasdan ang paligid. Nasa gilid kami ng kalsada. Mukhang huminto muna siya para makakain kami.
"Anong oras na?" tanong ko, habang hinahanap ang aking phone.
"It's 6 in the morning, why?"
Tumango na lamang ako. So, dalawang oras pala ako nakatulog? At wait nasaan kami? Tatanongin ko sana siya, kaso nilahad niya ang kamag niya at binigyan ako ng kakanin.
"binili ko yan kanina nong natutulog ka pa. Kainin mo, para naman magkaroon ng laman 'yang tiyan mo"
"salamat."
"May milo din, oh."
Muli ko kinuha ang binigay niya at nilagay ito sa gitna ng aking hita. Tahimik lang kaming kumain. Di ko rin kasi alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Arnold ngayon. Tahimik e.
"Saan ka tutuloy mamaya?" napatingin ako kay Arnold na ngayon ay nakatingin sa milo niya.
Oo nga noh? Saan ako tutuloy? Eh, hindi naman ako kasali sa mga representative. Paminsan kasi, Agatha. Mag-isip ka rin. Hindi yung sasabak ka nalang sa gera ng walang plano at armas.
"Di ko alam. Siguro... Kay Casey nalang. Magkakilala naman kami e." wika ko. Hindi naman pwede kay Baby Pat, kasi ang pangit naman tignan na magkasama kami sa iisang kwarto. Naks naman, tumatalino na ako.
"o-okay..."
Di na nasundan ang pag-uusap namin. Pagkatapos kumain ay pinaandar niya na ulit ang kotse at nagsimulang magmaneho. Muli akong natulog.
-*-
alas nuybe na ng umaga kami narating sa Baguio. Huminto ang sasakyan sa isang Ancestral House.
"Arnold, wala bang multo dito?"
"ha? Bakit?"
"Di ba kasi, sabi nila maraming ancestral house dito sa baguio na may mga multo? Malay mo may multo din pala dito."
Bahagya itong natawa. Umiling pa ito bago patayin ang makina. Tumingin siya sa akin.
"Wala noh. Atsaka kung meron man, huwag kang mag-alala, sa akin sila magpapakita"
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "bakit naman? May third eye ka?" tanong ko. Umiling siya.
"hindi, dahil magkakandarapa sila sa kagwapohan ko." aniya. Pinagalaw niya pa nang pataas at pababa kanyang kilay.
Napairap ako. Nagmamayabang na naman.
Sabay kami bumaba sa kotse. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Kalma lang, Agatha. Wala namang nasamang manyayari sayo e. Nandyan lang naman si baby pat mo. Sosopresahin mo nga di ba?
Pero putspa lang, di pa rin matanggal ang kaba sa dibdib ko. Parang gusto nang lumabas ng puao ko sa dibdib ko e.
"Tara na?" tanong ni Arnold. Tumango ako at napalunok.
Sabay kaming naglakad papasok ng ancestral house. Bawat hakbang na ginagawa ko ay pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko. Putcha, hindi ko inaakalaang kakabahan ako ngayon.
Nakatayo si Beatrix sa tapat ng pintuan. Napanganga siya ng nakita niya ako na naglalakad patungo sa kinaroroonan niya.
"what are you doing here?" nakataas ang kilay ni at naiiritang nakatitig sa akin.
Umirap ako. Pake niya ba? Siya ba ang pakay ko dito? "pake mo?"
"I'm sorry girl, no pets allowed dito." nakangisi siya sa akin at halatang nang-aasar.
So akala niya naasar ako sa ginagawa niya ngayon?
Napangisi rin ako. "Oh?" ani ko na para ba'y nagulat. "Eh paano ka nakapasok?"
Mula sa pagiging kalmado ay napalitan ng galit na expression ang mukha ni Beatrix, dahilan para mas lalo akong maganahan asarin siya. Oh? Wala akong ginagawang masama ah. Nauna siya, sinundan ko lang.
"Excuse me?"
"dadaan ka?"
Napangisi ako ng nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Para ba'y ilang segundo nalang ay sasabog na siya.
"Wala kang lugar dito! Go away!" pagtatabuyan niya sa akin.
Duh, sa tingin niya ba aalis ako? Sa kahaba-haba ng biniyahe ko! Quezon patungong baguio! For pete's sake, 6 hours akong nakaupo sa upuan tapos pagdating ko dito, aalis ako dahil utos lang niya?
Wow naman. Ang galing rin e. Di ko siya mama para sundin. Hindi rin siya presidente ng pilipinas para iobey ang inutos niya. Ano siya sineswerte?
"ay? Mama kita ha? Tigilan mo 'ko"
"oh, If you will be my daughter, I rather be a single forever than to waste my whole damn f*****g lifetime with you" aniya.
Ay? Iba rin. Englishan pala ha? Edi sige, Isasaksak ko sa baga niya ang English ko. Choosy nito.
Ngumisi ako. "Don't worry, I didn't wish you to be my mother anyway. You look like a babysitter not a mother. So, be thankful. Atleast you will not face your whole damn f*****g lifetime in hell"
Pareho kaming nagkatitigan. Mukha kaming nagkaroon ng silent war gamit ang mga mata namin. Walang gustong magpatalo. Syempre! Baka isipin niya na mahina ako noh! Fyi, malakas kaya ako! Blackbelter ako ng taekwando noong grade 8 ako.
Sige agatha, anong konek nang blackbelter mo sa pagsusukatan ng tingin niyo ni Beatrix?
"Uy, girls. Tama na 'yan. Lulusawin niyo na ang isa't-isa e." pagpigil sa amin ni Arnold. Muntik ko nang makalimutan na nandyan pala siya.
Inalis ni Beatrix ang tingin sa akin at napatingin kay Arnold. Mabilis siyang ngumiti. Napairap ako. Akala ko ba gusto niya si Baby pat? Pero bakit kung makatingin siya ngayon kay Arnold ay parang may HD siya. Hidden Feelings.
"Oh, Arnold. I'm sorry about that. Nagbibiroan lang kami ni, Agatha. Right girl?" isang malambing na wika ni Beatrix. Pasimple siyang tumingin at tinignan ako na para ba'y sinasabi na makisabay ako.
Duh. Di ko kaya siya kaibigan. So, why would I help her?
Napairap ako. Osige na nga! Malay mo si Arnold pala ang nakatadhana sa kanila. Atleast naging tulay rin ako sa Lovestory ng impaktang 'to. Dapat niya akong pasalamatan.
"Yeah. Ganyan lang talaga kami pagnagkikita" wika ko. Napakunot ng noo si Arnold sa akin. Mukha siyang nagtataka.
"huh? But I thought--"
"joke time lang namin yun. Huwag mong seryosohin." ani ko. Ibinaling ko ang tingin ko kay Beatrix na pinaglalaruan ang dulo ng buhok niya.
Pacute ang gaga. "Nasaan si Bab--I mean Patrick" napakagat ako sa aking labi. s**t, muntikan na. Baka masakitan si Arnold. Isip din kasi Aga.
Tinaasan ako ng kilay ni Beatrix. O? Ano? Di mo sasabihin? Tinulungan na kita, kaya tulungan mo rin ako!
"Nasa kitchen. Nagluluto." aniya. Tumango nalang ako.
"maiwan ko muna kayo dito ha." wika ko.
Hindi pa ako nakakahakbang paalis, naramdaman ko ang kamay ni Arnold sa braso ko. Kaya napatingin ako sa kanya.
Nagtataka ko siyang tinignan.
"ha? I'm going with you"
Ngumiti ako at kinalas ang kanyang kamay sa braso ko. "No, maiwan ka muna dito. Atsaka, may sasabihin daw si Beatrix sa'yo" wika ko.
"what? A-ako?" gulat na tanong ni Beatrix.
Ibinaling ko ang tingin ko kay Beatrix.Pinanlakihan ko siya ng mata. Nakisama ka, pinapalago ko na ang lovelife mo.
"Di ba? Nakalimutan mo ba? Di ba sabi mo may itatanong ka sa kanya?" pagdadahilan ko.
Akward siyang ngumiti. "h-ha? Ah...oo! Uhm, Ano yun e.."
Humarap ako kay Arnold. "see? May sasabihin siya. Magkita nalang tayo sa loob."
"p-pero..."
"bye!"
Kumaway ako sa kanila bago pumasok sa loob ng bahay. Gulat na napatingin sa akin ang mga schoolmates ko, pero kineber ko lang. Di naman sila ang pinuntahan ko dito e. Pake ko ba sa kanila.
"Oh? Agatha" gulat na napatingin si Ate Casey sa akin. May hawak pa siyang kaldero. Galing yata sa kitchen.
"Hi ate Cass. Nasa kitchen ba si Baby pat?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin. Yung ngiting anghel. Hay, She really look like an angel. No wonder kung bakit nahulog sa kanya si Kuya Jaye.
"Yap. Nagluluto ng kaldereta." aniya.
I smiled. "Thank you!"
Halos takbohin ko na ang distansya patungo sa kitchen. OMG! PAGKATAPOS NG ILANG ARAW MAKIKITA KO NA SI BABY PAT!
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Labis na kasiyahan ang aking nadama. Huminto ako sa pintuan at huminga ng malalim.
Kaya mo 'yan, Agatha! You go girl!
Nakangiti ako habang binubuksan ang pinto. Pero napatigil ako sa pagbukas ng may narinig akong boses galing sa loob.
"Patrick, mukhang malakas ang tama sayo ni Agatha a. Yung grade 10" boses ng isang lalaki.
"So what?" maarteng wika ni Patrick.
Napalunok ako. Nanginging ang aking mga kamay. Hindi ko alam kung bakit.
"Tol, ang ganda kaya non. Perfecf body! Lalo na yung dibdib. Naman tol! Pwedeng-pwede na"
Nakarinig ako nang mga halakhak. Pero wala akong narinig na boses galing kay Baby Pat.
"Oo nga! Tapos paglumakad siya, witwew, Yung legs pre! Yung legs!"
"Lalo na pagngumiti. Ganda e, kung ako ang magiging boyfriend non, ipagdadamot ko talaga."
"sorry ka nalang Henry, ayaw non sa mga mukhang aso"
"mga gago!"
Muli silang nagtawanan. Mga manyak! Pagbabatohin ko kayo ng cactus at granada e. Napapikit nalang ako dahil sa galit. Baby pat! Speak up! Ipagtanggol mo ako sa mga lalaking bastos!
"ayaw mo naman sa mga babae di ba? Akin nalang."
Napalunok ako. Magsalita ka baby pat!
"Gusto mo siya?" bigla akong kinabahan ng narinig ko ang boses ni Baby pat. Omg! Bakit may pagkabaritone ang boses niya? Ang gwapo pakinggan!
"oo, tol. Akin nalang!"
"Edi sayo na." napanganga ako sa narinig ko. Ano daw?
May kung anong kirot na namuo sa aking dibdib. No... Bakit ganon? Bakit ang bilis niya lang aklng bitawan? Bakit ang bilis niya lang akong ipagpalit? Bakit?
Nanlalambot ang aking mga tuhod. Nanginginig na rin ang aking mga kamay. Nawawalan ako ng lakas. Pero embes na umalis katulad ng mga ginagawa ng mga nasa movie o libro, di ko ginawa. Hello? Ayoko kaya komopya sa kanila.
Hinintay ko parin na magsalita siyang muli.
"talaga?"
"oo nga!"
"you're the man, tol."
Napapikit nalang ako. Ano aga? Kaya pa ba? Akala ko pa naman babawiin niya. Yun pala hindi.
Maybe, I am not really his Princess. Maybe there is no happy ending between the two of us. Baka wala lang talaga ako para sa kanya. Baka.. Baka nga..
Umatras ako at tumalikod. Nang-iinit na ang aking mata. At ang sikip-sikip narin ng dibdib ko. Magpacheck na kaya ako? Baka may kung ano na nasa dibdib ko e.
Pero napatigil ako ng narinig ko ulit ang boses niya.
"Sorry nalang kayo fafas. Sa akin siya baliw e. Edi akin na siya"
Oh.My.Ghad.
----------------------------