Chapter 13

2514 Words
Oh my freaking Ghad. OMFG. Anong sabi niya? Guni-guni ko lang ba yon? O talagang nasabi niya yon? OMFG, ayokong mag-assume, masakit masaktan. Kaya please lang Baby Pat, kung wala kang planong salohin ako, stop giving me hopes. "A-agatha?" Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang narinig ko ang boses niya sa likoran. Siguro ay masyado akong na nag-iisip ng mabuti, kung kaya't di ko namalayan ang pagbukas ng pintoan. Napapikit ako. Okay, nandyan na siya, girl. Alangan namang tumakbo ka at bumalik ng Manila di ba? Humarap ako sa kanya. Nakakunot ang noo siya habang nagtatakang nakatingin sa akin. Baby pat, why si cute? Can I kiss you instead? Nakakakilig kasi ang sinabi mo e. I tried not to smile. Baka kasi mahalata niya na narinig ko ang sinabi niya, baka mahiya pa sa akin. Ayie, thinking of him being indenial and shy in front me, parang gusto ko na siyang iuwi! "h-hi?" alanganin kong ani. Nakanunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Why are you here?" Oh s**t. Tama nga ang hinala ko! Nakapamewang na ngayon si Baby pat sa harapan ko habang nakataas ang kilay. Kilalang-kilala mo na talaga siya Agatha! Pwede ka na maging girlfriend--I mean boyfriend ni Patrick! Jeez. "Nagbabakasyon?" pagdadahilan ko. Mas lalong tumaas ang kilay niya. "Nang School days?" Shit. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Magdadahilan na nga lang ako, di pa convincing. Naman, Agatha! "uhm... Di pwedeng umabsent?" ani ko. "aray!" napahawak ako sa ulo ko kung saan niya ito binatokan. Leche! Ano na naman ba ang kasalanan ko?! "ano bang ginawa ko ha?!" sabi ko habang hinihimas parin ang ulo. Grabe siya, sa lahat ng pwede niyang gawin, ang pagbatok pa sa ulo ka! Paano nalang pagnabobo ako? Sasampahan ko talaga siya ng kaso. Yung panghabang buhay na kulong sa puso ko. Ayie, komocorny si Agatha. Yuck. "tantanan mo ako, Agatha ha! Bakit mo ako sinusundan dito? Sisa is dat you?" tanong niya na pangbabae ang boses. Ghad, come on. Bakit kahit ganyan na ang akto ni baby pat, hindi parin ako nagsasawa sa kanya. Ni kahit kailan, di pa ako na turn off sa kanya e. "Wow, ang feeling ha. Di pwedeng gusto ko lang samahan si arnold?" ani ko. Napakunot naman siya sa kanyang noo. Ayie, ano yang reaction mo baby pat? Bakit ganyan? Napangiti nalang ako. Ang indenial talaga ng baklang 'to e. Perp syempre, illusyonada lang talaga ako. Nanahimik lang siya. Hindi na siya sumagot. Kaya nawala agad ang ngiti sa aking labi. Why so quiet? Ano na naman ba ang iniisip neto? Iniisip niya bang ipagpapalit ko siya? "uy, ayos ka lang? Natahimk ka ah." ani ko, sabay tulak sa kanya ng mahina. "We're busy, Aga. Just Go back to quezon nalang kaya." may pagkaconyo na sabi niya. Napairap nalang ako. "ayoko nga! 6 hours ang biniyahe ko patungo dito, tapos papaalisin mo na ako? Pakainin niyo muna ako uy!" wika ko. Hindi ko siya nakitang ngumiti man lang o umirap. Still, blanko ang kanyang mukha. May problema ba? "may pagkain sa dinning area. Pagkatapos mong kumain, umalis ka na. Magpahatid ka nalang kay Manong jeffrey kung gusto mo." Napalunok ako. Bakit ang lamig ng pagkakasabi niya non? Bakit parang... Parang pinagtatabuyan niya ako? Ganon nalang ba talaga ako para sa kanya? Madali lang ipagtulakan? Na para ba'y wala kaming pinagsamahan? "H-ha? Ayoko parin" pagmamatigas ko. Bahala siya! Oo nasaktan ako. Pero duh, hindi ako mahina para umiyak at sundin ang inutos niya noh. Matagal ko nang mahal si baby Pat. At matagal na rin akong nasasaktan dahil sa kanya. Ngayon pa ba ako bibitaw? "Umalis kana." hindi na nasundan pa ang sinabi niya. Sahalip ay iniwan niya nalang ako doon. Ano bang problema niya? At bakit... Bakit pinapaalis niya na ako kaagad? Ang labo rin ng Baklang 'to e. Susundan ko na sana siya kaso, naisipan ko rin na siguro kailangan munang lumamig ang ulo non, bago ko siya subukan muling kausapin. Mabuti nalang at nakita ko si Ate Casey sa sala na nag-aayos ng mga dokomento. Pasalamat nalang talaga ako at may kakilala ako rito. Pwera kay Arnold at Baby pat, si Ate Casey lang kasi ang nakakasundo ko. Given the fact na, napakabait niya at napakahinhin pa. Typical ideal girl para sa mga babae. Buti nalang at hindi sa babae tumitibok ang puso ni baby pat. Baka makalaban ko pa si ate Casey. "Ate!" napatingin siya sa akin at ngumiti. Ang ganda niya talaga, pero syempre, mas maganda ako. Sino nagsabi? Si mama. "yes, Agatha? May problema ba?" tanong niya. Napakamot nalang ako sa aking batok. s**t, nakakahiya naman kasi itong sasabihin ko. "uhm, ano ho kasi..." "hmm?" Pwede po bang makitulog sa kwarto mo? Wala kasi akong matutulugan. Shit. Nakakahiya. Kasalanan mo rin kasi e. Sana gumawa ka man lang ng back up plan. "ano yun, Aga?" malambing na tanong ni Ate Casey. Bakit ganon? Kahit anong bait ng mukha ni ate Casey, nahihiya pa rin akong sabihin sa kanya ang pabor ko. Umiling ako sa kanya. "hehe, itatanong ko lang sana kung kamusta ang weather sa labas." pagdadahilan ko. Gusto kong sapakin ang sarili ko. Tangina naman, agatha. Kung magsisinungaling ka na nga din man, yung sana di ka magmumukhang tanga. Napakunot siya. Kita mo na! You are such a terrible lier. Bahagya siyang napatawa. Her laugh just confirm me that she knows, I'm lying. Damn! "Try harder, Aga. You know, pwede mo naman sabihin ang totoo e" aniya habang nakangiti ng matamis sa akin. Napakamot nalang ako sa aking ulo. "eh, kaso...uhm" "makikitulog ka sa kwarto ko?" deretso niyang wika. Grabe naman si ate Casey! Hinay-hinay lang, aatakihin ako sa puso niyan e. Napakastraightforward! "parang...ganon na nga" Tumawa siya. "okay, pakilagay nalang nang gamit mo doon. Nasa second floor, ikatlong kwarto. Pero yung kay Patricia, sa ikalimang kwarto, incase na kakailanganin mo" Uminit ang aking pisngi. Ofcourse, I want to know where his room is! Pero, syempre, hindi muna ngayon. May topak yung baklang 'yun e. Pero dahil ang swerte na ang lumapit sa akin, sasagarin ko na noh. "Siya lang po ba ang mag-isa?" tanong ko. "yap. Tag-iisa kami ng kwarto" Tumango ako. "uhm, bakit nga pala kayo nandito? For what activity?" "Writing. You know, some competition. Ikaw? Bakit mo siya sinundan?" tanon ni ate Casey habang nag uumpisa nang ayosin ang mga documents. "uh. Ilang araw ko na rin siyang 'di pa nakikita, e" "miss mo?" Ngumiti ako. "sobra" Ngumiti rin siya pero hindi siya nakatingin sa akin. Tumango siya. "ah, mahal mo" Tumawa ako. "sobra-sobra" Nang tumanghali na ay dumeretso kami sa dinning area. Nakahalera ang mahabang lamesa at nakalapag doon ang mga iba't-ibang pagkain. Inilakbay ko ang aking mga mata sa bawat taong naririto. Pero di ko siya nakita. Nasaan na kaya 'yon? "tabi na tayo, Aga." ngumiti ako kay Ate Casey at umupo sa tabi niya. Sa tapat ko ay si Arnold na halatang iritado sa katab na si Beatrix. Napasulyap siya sa akin at para ba'y humihingi ng tulong. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nginitian. You'll gonna thank me soon. Napuno ng tawanan at asaran ang buong oras namin sa pagkain. Ngunit di ko nakita si Patrick na pumasok dito. "wala si patricia?" bulong ni Ate Casey sa akin. Napalunok ako. "ewan ko kung nasaan. Nakita mo ba?" Eksakto rin ang pagbukas ng pinto at iniluwa si Baby Pat. Naka v-neck tee shirt na kulay blue siya. Kitang-kita ang kanyang colarbone. Nakaboard shorts. Mukhang kakagaling niya lang din sa pagkakaligo dahil may nakasabit na towel sa balikat niya. Oh Em Gee. Bakit ang hot niya? Nakatingin lang ako sa kanya. Pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Dahil sa suot niya, mas makikita mo ang hugis ng katawan niya. Damnit! Hindi ko aakalain na may tinatago kang p*********i, baby Pat! You look so damn, hot! "beh, may pumapasok na na langaw sa bibig mo" napatingin ako kay Ate Casey at sinimaan ng tingin. Nakakahiya! Nakanganga pala ako all this time, kaya pala sumakit ang panga ko. Napayuko nalang ako at pinagmasdan ang pagkain ko na kanina ko pang pinaglalaruan. "oh, Patricia bakit ngayon ka lang?" tanong ni Jave. "may tinapos lang, miss mo na ako?" bahagya siyang tumawa. Nakisama na rin ang ilan. Napalunok ako. Shit! Bakit nangingig ang kamay ko? Don't tell me, kinakabahan ako? At bakit naman?! Dahil kay baby pat? Oh noes! "kumain ka na, tol. Tabi kayo ni Beatrix." Napaangat ako ng tingin at tinignan ang bakanteng upuan sa tabi ni Beatrix. Napabuntong hininga ako. Hays, sana bakante nalang 'tong sa tabi ko! Bakit kasi may katabi pa ako e! Hadlang tuloy sa love story namin ni baby pat! "what?" napataas ako ng kilay ng sumulyap si Beatrix sa akin. O? It's pay back time na uy! Tinulungan kita para kay Arnold! "sige na, patricia. Tagal mo kasi" ani ni Charlize. "Kasalanan ko bang feeling dyosa ako ngayon?" Biglang tumayo ang buhok ko sa batok ng naramdaman ko ang pagdaan niya sa likuran. Napapikit ako ng na amoy ko ang pabango niya. Damn Victoria Secret! Halos di na ako makakain ng maayos ng umupo na siya sa tabi ni Beatrix. "O sya, bukas na ang schedule sa Science Writing okay? Mga 8:00 am. Mag handa na kayo." ani ni Lara ang head nila. "sana bukas na rin ang broadcasting! Para may lakas ako!" wika ni Cyrus if I am correct. Kumindat pa siya sa akin. Napailing nalang ako. Boys will always be boys. "bakit ka nandito Aga?" tanong ni Lara. Napalunok nalang ako. Di ba pwede? "I..uh.. Well..." damn! Hindi ako makabuo ng pangungusap! How can I defend myself?! "she's with me" napatingin kaming lahat kay Arnold ng bigla siyang nagsalita. "uh oh" napatingin ako kay Baby pat ng narinig ko ang boses niya. Seryoso ang kanyang mukha. Nagmumukha siyang masungit dahil bahagyang kumunot ang noo niya. "then?" taas kilay na tanong ni Beatrix. Neknek mo! Selos ka lang! "Well, I convinced her to be with me" "and why?" tanong ni Lara. "Because I want her to see me competing. You know, lucky charm" Parang gusto ko nang sapakin si Arnold ngayon mismo! Ano nalang ang sasabihin ng iba?! Di rin nag-iisip eh. Dahil don, ay napuno nang tuksuhan ang silid. Di nalang ako umimik. Pinagmasdan ko nalang si Baby pat na nakikisali sa asaran. The way he act in front of me, is like silently screaming that, I am not that important. Duh, bakit, Agatha? Iniisip mo bang magseselos siya dahil sa tuksuhan ngayon? A gay never get jealous because of a woman. Napabuntong hininga nalang ako at inexcuse ang sarili. -- "I'm fine here..." Nakahiga ako ngayon sa kama namin ni Ate Casey habang kinakausap si Shovy. Kanina niya pa ako sinesermonan dahil sa ginawa kong pagsunod kay baby pat. "huwag ka talagang magpakita sa akin, Agatha! Mapepektusan kita! Bakit ka pa kasi sumunod dyan?! Alam mo bang usap-usapan ka dito sa school?" irita niyang sabi. I rolled my eyes. "huwag mo akong irapan! Ilang kilometro lang ang layo mo sa akin pero kilala kita!" "shh, shovy! Ang ingay mo." "dapat lang noh! Ako pa tuloy ang nagsusulat ng notetaking mo! Bayaran mo ako!" "oo na. Two hawaian pizza and brownies." malumay kong wika. "good. Kaya mahal kita e. Anyways, di ka pa ba uuwi?" tanong niya. Muli akong umirap. Kakarating ko palang dito, papauwiin na ako. Ay, ang galing rin. "akala ko ba ayaw mo akong makita?" pangangasar ko. "ewan ko sa'yo. O sya, Ibaba ko muna ha. Busy ako!" "oo na! Sino ba naman kasi ang tumawag?" may pagkashonga rin 'to minsan e. "che! See you. Ingat ka dyan ha! Lampahin ka pa naman" "grabe ka. Sige na bye." Agad naputol ang tawag. Tumayo ako galing sa pagkakahiga at pumunta sa may bintana. Kitang-kita ko ngayon sa labas ang ginagawa ni baby pat. Nakaupo siya sa swing habang tinutulak ang sarili. Katabi niya ngayon si Henry. Masaya silang nag-uusap. Hay, kailan mo pa kaya ako makikita, baby pat? Kailan mo pa kaya ako tititigan ng puno ng pagmamahal? Kailan mo pa ako matututunan mahalin? Ilang taon na akong naghihintay oh, ni kahit minsan hindi sumagi sa isipan ko ang bumitaw. May pina inom ka yata sa akin e. Napangiti nalang ako ng nakita ko siyang tumawa. Ganito talaga siguro no? Pagmahal mo ang isang tao, makita mo lang siyang masaya napapangiti ka na rin. Para ba'y nahahawa ka sa kasiyahan niya. I wonder kung ngumingiti rin ba siya ng ganito pag nakikita akong masaya. Siguro hindi. Hays. Halos mapatalon ako ng nakita ko siyang napatingin sa gawi ko. Unti-unting semeryoso ang tingin niya. I don't know pero bigla akong kinabahan. Why so serious. Kakawayan ko sana siya kaso halos atakihin ako sa takot ng biglang may nagtakip sa bintana gamig ang kurtina. Napatingin ako sa aking likuran at nakita ko si Arnold na nakangiti sa akin. "A-arnold..." "Agatha... Pwede bang..." "pwede bang ano?" nagtataka kong tanong. "stay with me" mariin niyang tugon. Napanganga ako sa sinabi niya. What the? Napakunot ako. "wait, anong pinagsasabi mo?" "why can't it be me?"bigla akong kinabahan sa boses niya. Galit... Mag galit ang tono ng boses niya. "wait.. Arnold, ano bang-- Omy! Arnold!" Bigla niya akong hinawakan sa balikat at itinulak sa pader. Gusto kong kumawala but he's too strong! Ohmyghad! "bitawan mo ako! Arnold!" "bakit siya pa?! Bakit?!" "oh, God. Let me go!" Nagulat nalang ako ng inilapit niya ang mukha niya sa akin at aakmang hahalikan ako. Jesus! Help me please! Di ko na alam ang gagawin ko. "a-arnold... S-stop please!" hikbi ko. Di ko na alam ang gagawin ko. All I knew, I am screaming ang telling him to stop. Ginawa ko lahat para di niya ako mahalikan. God knows, how much I tried! He kissed me on my neck! Pilit ko siyang nilalayo sa akin but he is too damn strong and I am too helpless! "a-arnold...please stop" bulong ko. I can't recognize my voice anymore. I'm pleading and I am also now crying! Pakiramdam ko ay napakadumi ko nang babae. Hindi niya man ako nagagalaw, but he kissed my neck! How come I can face him?! "patrick..." hagulhol ko. Where are you? Biglang gumaan ang pagkakahawak ni Arnold sa akin. Para siya'y natauhan. Napatingin siya sa akin, I don't want to see him! Napahilamos siya at yinakap ako. "I'm sorry... f**k! Anong nagawa ko?! Damnit! Aga... I'm so--" Lahat ng nakakaya kong lakas ay kinuha ko. Tinulak ko siya palayo sa akin at sinampal. How could he do that?! He almost r**e me! "How could you?!" "aga--" "go away! Leave me alone!" binato ko siya ng unan. Napapikit siya. I trusted him! How could he..do such a thing to me?! How could he... "I'm sorry..." with that, he leaves my room. Biglang nanghina ang aking mga tuhod, dahilan para mapaupo ako sa sahig. I hug myself. Damnit! How could he! Umiyak lang ako ng umiyak. Walang nakarinig. Walang nakakita. It's all me and him. And most of all, ang taong hinahanap ko, ay wala nong kailangan ko siya ng husto... Damn this world! f**k it! -----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD