Chapter 44

1169 Words

LUNA PAGKAALIS ni Reagan at naiwan akong mag-isa sa kwartong iyon, muling bumalik sa isip ko ang mga kaganapan kani-kanina lang. At aaminin ko, masakit para sa akin ang insekyuridad na umaalipin sa akin sa tuwing makakikita ng magagandang babaeng lumalapit at umaaligid sa asawa ko. Naiinis ako. Nanliliit. Kung bakit ba naman kasi kahit paulit-ulit niyang sinasabi na mahal ako, e, hindi pa rin mawala sa sistema ko ang pagdududang hahanap at hahanap ito ng iba na ipapalit sa akin. Bagaman ramdam ko naman na talagang mahal niya ako, taglay ko pa rin sa aking dibdib ang takot at pangamba na baka isang araw ay magising akong mag-isa na lang ako at iniwan niya. Na baka humanap na ito ng babaeng ka-level nito at hindi kagaya ko na isang hamak na probinsiyana lamang. Baka magising na lang ito isa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD