UHDS 6

1811 Words
HIZURA MIGUEL'S POV: “What do you think?” Iyon agad ang tanong sa akin ni V nang makapasok siya sa opisina ko. Malayo ito sa kwarto ko pero sa direksyon nito ang daan papunta rito. Kapag binuksan ko ang pintuan ng kwarto, may makikita na akong daan sa harapan ko. Sa sobrang lawak ng mansyon minsan may naliligaw na mga tauhan kung saan sila pupunta. Nandito na lahat, ang office ni Dad at maski sa akin. Ang Training Area sa likuran ng mansyon niya. Collection ng kotse, garden, kwarto sa ibaba at maski sa second floor. Hanggang 2nd floor lang ang naisipan niyang ipatayo. Masyado na raw malawak at baka mapagod pa. ‘Tsk. Kawasat gawin na niyang parang business house ang masyon.’ Napalingon ako sa gawi ni V. Nakaupo na siya sa may sofa na mahaba sa kaliwang direksyon ng lamesa ko. Pinagmamasdan ko lang ang lalaking ito. Feel na feel talaga na parang bahay na rin niya ito. ‘Kung hindi ko lang siya kailangan, hindi ko siya papapuntahin dito.’ “Nothing. It's his fault if something happen again. I'm not a part of his organization.” Tanging naisagot ko na lang saka isinandal sa headboard ng swivel chair ko ang ulo ko. Nilagay ko pa ang kaliwang braso ko sa aking noo. Pumikit habang nag-iisip nang tama. Pero walang pumapasok na magandang ideya. ‘Damn.’ “Pero kung hahayaan mo lang si Tito. Baka maging dahilan ito ng pagkasira ng kaniyang imahe sa iba at maski sa ibang organisasyon. Hahayaan mo na lang ba na mangyari ang mga bagay na 'yon sa kaniya?” Pangangatwiran na naman niya sa akin. Hindi ko idinilat ang aking mata. Bahala siya at sila. ‘Wala naman akong karapatan sa organisasyon niya. Kumbaga saling pusa lang ako.’ “Bakit ba ayaw mong maging mafia?” Tanong niya sa akin na ikinatigil ko naman. Napahigit ang aking hininga. Naglalakasan na naman ang pagtibok ng aking puso. Palagi na lang ganito ang nangyayari kapag pinag-uusapan namin ang tungkol sa trono. ‘Bakit nga ba? I don't know too. . . Ayokong madamay sa gulo at masira ang buhay ko sa pamumuno sa organisasyon niya. Siguro 'yon na nga. Pero matagal na akong napunta sa gulo. Kahit na ayoko ng ganito, wala akong magagawa. This is my life when my father is a Mafia King.’ “Cause I hate it. Why can't you understand what I want to say?” Malaya ko ng idinilat ang aking mga mata at matalim na tiningnan si V na napataas agad ang kaniyang dalawang mga kamay. Palunok-lunok pa siya ng kaniyang sariling laway. “I-I'm. . . I'm just asking. Don't take it seriously.” Pagpapatahan naman niya sa akin habang nababakasan ng kaba sa kaniyang mukha. Napaismid na lang ako at biglang may pumasok sa isipan ko tungkol sa babae. “Hanggang kailan siya matutulog sa kwarto ko? Ganiyan ba talaga ang mga babae?” Nakataas ang kilay ko magmula ng ilabas ko ang mga katagang 'yon. “P'wede mo naman siyang ipalipat sa ibang kwarto if you really disgusting about her situation. At saka normal lang 'yan kung sobrang laki ng epekto ng pag-torture ng mga gangster sa babae. Hayaan mo na rin. . . baka pagod na pagod talaga ang katawan nito.” Tanging tango na lang ang isinagot ko. Tama rin naman si V. Baka sa sobrang pagod, masyadong na-exhausted ang katawan ng babae. Sino na nga ito? Letter H ang simula ng pangalan ng babae. ‘Ah! I really hate remembering a name.’ Wala na akong pakealam pa kung sino ba siya. Hindi naman siya mahalaga. “Sinabi nga pala sa akin ni Tito na papatirahin mo raw rito ang babae. Hindi ka ba nababahala na maging dahilan siya ng pagkagulo lalo ng pamilya ninyo? You know what I'm talking about.” Tinaasan niya pa ako ng kaniyang kaliwang kilay. Pinapahiwatig na maganda ba talaga ang mga plano ko? ‘I don't have any choice too. I know for sure, she a need place to live on. Just for a while.’ “If they do hurt her. . . impyerno na ang kahahantungan nila.” Madiin na sagot ko naman sa sinabi niya. Napatango-tango naman siya sa aking sinabi pero kita pa rin na hindi siya kumbinsido rito. ‘Tsk! Ano pa bang dapat kong sabihin sa lalaking ito para maniwala siya?’ “I smell something fishy. Did you already know her?” Pataas-taas pa ang kaniyang mga kilay habang sinasabi 'yon. Saka ang kaniyang ngiti ay kakaiba na akala mo may iniisip na hindi maganda. ‘Lagi naman pala.’ “Not your business anymore, V. Kung wala ka ng ipapabatid pa, can you just leave me alone. ALONE." Seryoso kong tugon saka itinuro pa ang pinto ng aking kanang kamay. Napanguso naman siya sa sinabi ko at saka tumayo na nga sa kaniyang pagkakaupo. Muli kong ibinaba ang kamay ko dahil nangangawit na talaga ako. Ang bagal kasing kumilos ng lalaking ito. Daig pa na isang babae. ‘Tsk.’ “Anong klase kang kaibigan? Nanaboy ka na lang. Tsk!" Pa-drama pang aniya saka binigyan ako ng nakakadiring ekspresyon. Like he's doing some kind of. . . pa-cute na emosyon? I don't know. He's kinda weird. Tsk! “Don't give me that d*mn expression. Nakakasuka, promise? Mamatay ka pa bukas. Akin na lang ang bebe girl mo. Aampunin ko siya, kaysa sa iyo na pinapabayaan mo ang anak mo.” Sarkastiko kong sabi at dinamay pa talaga ang anak niyang nag-aaral na sa kindergarten. “No! Makaalis na nga! Pupuntahan ko pa ang anak ko!” Malakas na sigaw niya at nagmadali na ngang lumabas sa opisina ko. Napapailing na lang ako sa naging asta nito ngayon. Kapag tungkol talaga sa anak ang bilis bilis niyang umalis. “D*ckhead.” Pero mas maganda na rin na wala na muna siya rito. Kagahapon pa siya nang-aabala at nanggugulo na naman ng tahimik na mundo ko. **** “What do you want?” Walang emosyon kong tanong sa taong nasa loob ng kotse niya. May suot siyang malaking sumbrero para itago lang ang kaniyang mukha. Saka tama na rin 'yon. Ayokong makita ang mukha niya dahil lumalaki ang galit ko rito. ‘Ano bang kailangan niya sa akin? Kung kailan tahimik na ang buhay namin, saka na naman siya magpapakita. Pusa niya!’ “Who's her? One of your friend, best friend, close friend? Hmm. . . or she's your new toy? Maybe girlfriend? What do you think, Hizura?” Kahit na nakatagilid ang mukha niya sa harapan ko. Alam ko na nakangisi siya pagkatapos sambitin ang mga katagang ito. Napayukom naman ang kamao ko. Sumisikip na naman ang dibdib ko dahil sa matinding emosyon. Nangingimi na rin ang aking mga kamao na suntukin ang nasa loob ng kotse na ito. Pero pumikit lang ako. Pinapakalma ang sarili para hindi makagawa na naman ng matinding eksena. May pasensya pa naman ako kahit papaano. “Try to hurt her. I'll hurt you more.” May halong pagbabanta na aniko sa taong ito na ikinatawa lang niya na akala mo nagsisinungaling ako sa mga oras na ito. Dinilat ko na rin ang mga mata ko at matalim na tiningnan ang taong ito. ‘May nakakatawa ba sa sinabi ko?’ “Oh dear! You can't hurt me. I'm warning you. . .” hindi na niya matuloy ang kaniyang sasabihin ng unahan ko na siya. Hindi ako nagdalawang-isip na pagsusuntukin ang bintana na humaharang sa aming dalawa. Narinig ko ang pagsinghap niya sa aking ginawa pero wala akong pakealam. Gustong-gusto ko na talagang mapatay ang taong ito. Naiinis na ako. Nagagalit na ako. . . sa matinding poot na nararamdaman ko, gustong-gusto ko na siyang mapaslang ngayon. Hindi ko na kaya pang manahimik habang siya ay patuloy na sinisira ang buhay namin. Wala naman akong ginawa, wala kaming ginawa para ganituhin niya ako. “F*ck you! Umalis ka na rito kung ayaw mong mapatay kitang pusa ka! Ahhh!” Sa isang malakas at nag-aalabang kamao na tumama sa bintana, naging dahilan ito ng pagkabasag ng matibay na salamin. Dinaluhan ko rin siya ng aking nanginginig na kanang kamay. Hinawakan ang kaniyang kwelyo at matalim na tinignan ito. “Ito ang tandaan mo, hindi na ako ang dating Hizura na nakilala mo. Kaya na kitang patayin kahit pa sa ngayon. . .” “Son! What are you doing in the outside?! ” Rinig kong sigaw mula sa loob ng mansyon. Nabitawan ko ang taong ito at saka nagpagpag ng aking mga kamay para mawala ang amoy ng kaniyang damit. Ayokong maamoy ito. Nakakasuka. “Leave. Or I'll kill you right now and right here.” Tumalikod na ako sa taong ito. Naglakad pa ako palayo. Pero binigkas ko ang mga katagang 'yon ng hindi ako lumilingon sa kaniya. ‘Para saan pa?’ Narinig ko ang pag-andar ng kotse niya. Hanggang sa magmaneho na nga siya palayo sa aking direksyon. Nagpalabas na lang ako ng mahinang buntong hininga. Napayukom lalo habang inaalala ang mga eksena na nangyari sa aming dalawa. “SON! What are you doing? Sinabi ko na sa iyo na huwag kang yumukom, 'di ba? Ano bang nangyayari sa 'yo? Saka sino ang kaaway mo?” Malakas na sigaw ni Daddy saka ako tinuktukan na naman sa ulo. Matalim ko naman siyang binalingan ng tingin pero ganon din ang ginawa niya sa akin. Napaismid na lang ako sa nakita ko at naisipan na lang na maglakad. Bahala siya sa buhay niya. Manenermon na naman siya. I hate the sermon of him. “Son! I'm asking you!” Inis na singhal nito at nagmadaling tumakbo palapit sa akin. “Kahit hindi ko na sabihin wala rin namang nagbabago. Siya at siya pa rin. Kung ayaw niyang tumigil sa paninira sa buhay ng pamilya natin, bakit ko pa siya hahayaan na mabuhay? Hindi ba dad?” Tumigil ako sa aking paglalakad at ramdam ko rin ang pagsunod niya. Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran at binigyan si Daddy ng walang emosyon na tingin. Halata sa mukha niya ang pagkagulat, napanganga pa siya at handa na sanang lumapit sa aking direksyon ng iharap ko sa kaniya ang kanang palad ko. “Siya ang dahilan ng miserable kong buhay. At gagawin ko ring impyerno ang buhay niya kapag dinamay niya ang babaeng nasa pamamahay mo.” Dagdag kong sagot saka muling tumalikod at naglakad na para lang makalayo sa kaniyang direksyon. Muli akong napayukom ng aking kamao. Pinipilit na alisin ang mga alaalang nakikita ko sa aking isipan. Ang mga ginawa ko sa taong 'yon at ang pagbabanta ko na sa mahabang panahon. . . nagawa ko ring maging isang tao na hindi mahina. Isang bata na walang ginawa kundi umiyak lang noon. Papatunayan ko sa taong 'yon na kaya ko na siyang patumbahin. Hinding-hindi na ako ang dating Hizura na kaya niyang maliitin lang at husgahan sa aking pagkatao. Kahit sino pa siya at ang estado niya sa mundo, wala pa rin akong pakealam. Gagawin ko ang lahat, gumulo pa lalo ang buhay ko basta makatikim lang siya ng paghihiganti ko. ‘If you can kill me with your own hands. Don't worry I'll gonna brutally kill you for the happiness of my own self.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD