UHDS 7

1222 Words
(After 6 days) HIZURA MIGUEL'S POV: Panibagong araw na naman. Panibagong katamaran na naman sa buhay. Isang linggo na pala ang nakakalipas magmula ng mangyari ang eksena. At maski ang pagkakatulog ng babae sa kwarto ko. Hanggang ngayon wala pa ring progress sa babaeng 'yon. Minsan nagtataka na ako kung bakit ang tagal naman. Ganon ba kalala ang nangyari o nasarapan lang siya sa pagtulog sa kwarto ko at maging sa kama ko. ‘Tsk.’ Bagot na bagot na talaga ako na makita ang babae. Pinipilit ako ni V na dalhin na lang ang babae sa kabilang kwarto pero umayaw ako. ‘I don't know too.’ Malalaman ko rin sa mga susunod na araw. Sa ngayon kailangan ko munang tapusin ang pag-re-research ng mga taong kailangan kong usigin. Hindi dapat sila nabubuhay sa mundong ito. Kaya nandito ako upang pigilan ang kanilang pagsalakay sa tahimik na kapaligiran. My dad already know about this. He offered me about partners, pero hindi ako pumayag. Gusto ko na ako lang ang gumawa ng bagay na ito. ‘Sagabal pa ito kung sakali.’ May lima na akong nakuhaan ng impormasyon, subalit mas mahirap ang ilan pa. Masyado silang magaling magtago. Pero hindi ako susuko. Makukuha't malalaman ko rin kung nasa'n ang kanilang kuta. ‘Hmm. . .’ “Pre! Mukhang magigising na ang babae. Napansin kong gumalaw ang hintuturo niya sa kanang kamay. Will you come?” Pambubungad agad sa akin ni V matapos niyang buksan ng walang paalam ang pinto ng opisina ko nang napakalakas. Nagkaroon ng tunog na nakakairita kaya tiningnan ko siya nang matalim. “Umayos ka, V. This is my office, you need to act formal. Tsk.” Walang emosyon kong turan dito saka naisipan ng saraduhin ang laptop ko. Ti-nurn off ko muna ang power nito bago gawin 'yon. Nag-inat-inat pa ako sa aking pagkakaupo. Itinaas ang aking dalawang kamay at nag-side forward. Taas sabay baba lang ng aking mga kamay ang ginagawa ko at pati pag-ikot ng aking beywang sa kaliwa't kanan. Para naman hindi ako maging tuog at maigalaw-galaw ko rin ang katawan ko. Pagkatapos kong mag-inat naisipan ko na lang din ang tumayo sa aking pagkakaupo. “Akala ko wala ka ng balak pang tumayo. Routine mo na ba talaga ang mag-warm up kapag tatayo?” Nagtatakang aniya sa akin nang makalapit ako sa kaniyang direksyon. Pero tiningnan ko lang siya ng walang gana. “None of your business.” “As always. Hindi na bago sa akin ang isasagot mo. Ano pa bang magagawa ko? Haist! Tara na—” bago pa man niya ipagpatuloy ang kan'yang sasabihan ng may tumawag sa palayaw niya. “V! Can you help me to carry this luggage?!” Sigaw ng kung sino man sa may kanang direksyon namin. Ito na lang ang nag-iisang kwarto sa bahaging ito. Ang opisina ni Daddy. Kaya sabay kaming napalingon dito ni V. Nasa labas na rin ito habang hakot-hakot ang isang luggage na hindi ko alam kung ano ba ang nasa loob. Kulay itim ang luggage. At panigurado na mahirap buhatin kung isa ka lang mahinang nilalang. ‘But. . . ayos lang talaga si Dad? Ipapabuhat niya ang luggage sa lalaking ito? Patawa.’ “Oh! Sure tito! Sige ikaw na lang muna pumunta sa kwarto mo, Hizura. I'll help tito first.” Habilin sa akin ni Mokong saka ako iniwan para lang pumunta sa daddy ko. Napailing na lang ako sa sinabi niya saka naisipan na ngang maglakad palayo sa kanilang direksyon. Sa kaliwang daan ako tumungo. Nandoon lang naman ang kwarto ko at kitang-kita na agad ang pinto na sarado. Habang naglalakad ako may nakikita akong mga naka-itim na yuniporme ang paroo't parito sa daan papunta sa training field. Nasa kanang bahagi ang daan patungo roon. Kung sa gawi ko pagbabasehan. At kung sa kwarto ko naman. Kaliwa syempre. Ilang hakbang pa ang inilaan ko papunta roon. At ilang minuto rin ang nalagi bago ako makarating sa kwarto. Gamit ang aking kanang kamay. Binuksan ko na ang pinto. Nagkaroon ng siwang na maliit. Hanggang sa tuluyan ko na itong buksan nang malaki. Akala ko gising na ang babae. Pero hindi pa pala. ‘Maghihintay na naman ba ako sa wala? Tsk.’ **** Ilang minuto na akong nakabantay sa labas ng kwarto ko. Nakasandal sa may pintuan habang nakatingin sa walang malay na babae. Hindi ko na rin mabilang kung ilan na bang tupa ang nabilang ko. Sobrang tagal naman nitong babae. ‘What a waste of time. ’ Napabaling ang tingin ko sa labas ng kwarto ko. Pinagmamasdan ang buong paligid kung may paparating na rin bang V sa aking kwarto. ‘Himala, wala ang loko. Nakikipag-tsismisan pa kay Daddy.’ “Argh!” Dinig kong daing ng boses babae sa loob ng kwarto. Kaya muling napasulyap ako rito. Nakita ko ito na napahawak na lang sa ulo habang nakapikit. Nakangiwi rin ang kaniyang mukha na parang nasaktan dahil sa labis na pagkakatulog. ‘It's her fault. ’ “You awake.” Walang emosyon kong turan dito na ikinagulat niya. Mabilis ang kaniyang paglingon sa direksyon ko. Napaturo pa sa akin habang nakanganga. Nakahawak pa rin ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang ulo. ‘What's with this lady?’ Iritableng tanong aking isipan. “I-ikaw. . .i-ikaw 'yung nagtanggol sa akin, 'di ba? N-nasan ako?” Palingon-lingon pa siya sa buong paligid. Kita ko ang pagkamaang ng kaniyang labi sa napansin. Hindi ata inaasahan na makita na walang ka-display display na ang kwarto ko. Nasira ko na dahil kay V. Hindi ko na rin pinalitan pa. At saka ang amoy ay panlalaki. Napaismid naman ako sa tanong nito. “Are you stupid? You're in my room. Tsk. ” Malamig kong sagot naman sa mga katanungan na obvious naman ang kasagutan. Sadyang tanga lang talaga ang kaharap ko. Harsh? I don't care. “A-alam kong kwarto mo ito. A-ang gusto ko lang malaman kung nasa'n ba—” “Isn't obvious? You're in my father's territory. What brain do you have? Tsk.” “Ang sungit mo naman. Parang nagtatanong lang naman—” I cut her words again. ‘Nakakainis ang bunganga.’ “I'm not giving you permission to reason out.” “Hoy grabe ka naman. Kanina ko pa napapansin na pinuputulan mo ako ng—” “Noisy. Mag-ayos ka na ng sarili mo. Alam ko naman na sobra na ang pahinga mo. Kaya umayos ka na stupidong tanga na babae.” Napangiwi agad siya sa biglang pagtawag ko sa kaniya ng stupidong tanga na babae. Malay ko ba sa pangalan niya. At saka wala rin akong balak ng malaman ito. Stupidong tanga na babae. Pero masyadong mahaba kaya stupid woman na lang. Bagay pa rin sa kaniya. “Masungit na nga. Masyado pang mapanglait. Maaari na ba akong umalis?” Tinaasan ko naman siya ng aking kaliwang kilay. “From now on. You will stay here. ” “B-but. . .” Mabilis ko na naman siyang pinigilan sa maaari niyang sambitin sana sa akin. ‘Ayoko ng marinig pa ang paliwanag niya. Sakit sa tenga.’ “Just do what I've said.” May diin na aniko na ikinayuko niya. “P-parang nakakahiya naman—” “It's my decision. You have no rights to disobey what I've said. Kaya bumangon ka na r'yan at lumabas.” “Paano kung magnanakaw pala ako? Hindi ka ba nababahala sa maaaring gawin ko?” Nagugulumihan niyang tanong sa akin na ikinaismid ko lalo. ‘Really stupid. Paano niya magagawa ang isang bagay kung ang buong paligid ay kinaliligiran ng mga mafia? Yeah, she doesn't even know too. ’ “Then hell's waiting for you. ”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD