HEATHER'S POV:
“Argh!” Daing ko sa matinding sakit na aking naramdaman matapos kong umupo nang maayos sa kama na ito.
Napahawak pa ako sa aking ulo at muling napapikit. Dinaramdam ang paglanit dito. Napangiwi lalo ako.
Ilang araw na ba akong walang malay?
Ang tanging natandaan ko lang ay noong panahon na pinapahirapan ako ng mga gangster na 'yon.
‘Juicemother! Tinuring ko na silang parang tunay na kaibigan pero ta-traydor-in din pala nila ako. Haist! What a life. ’
“You awake.” Walang emosyon na turan ng kung sino man na nasa dako ng pintuan na ikinagulat ko.
‘Kanina pa ba siya? ’
Mabilis ang aking paglingon sa direksyon niya. Ganon na lang ang gulat ko sa nakita. Napaturo pa ang kanang hintuturo ko sa bahagi niya habang nakanganga. Nakahawak pa rin ang aking kanang kamay sa aking ulo.
“I-ikaw. . .i-ikaw 'yung nagtanggol sa akin, 'di ba? N-nasan ako?” Palingon-lingon pa ako sa buong paligid.
Napamaang pa ang aking labi sa aking nalaman. Kaya pala panglalaki ang naaamoy kong pabango, dahil kwarto ito ng taong nagligtas sa akin mula sa gangster.
Himala't nabuhay rin siya. Akala ko magiging katulad ko rin siya. Pero napatunayan ko na mas magaling pa siya sa mga ito.
“Are you stupid? You're in my room. Tsk. ” Malamig na sagot nito sa tanong ko.
Kaya muli akong napalingon sa gawi niya. Walang mababakasan ng kahit anumang emosyon.
‘W-wow. . .’
“A-alam kong kwarto mo ito. A-ang gusto ko lang malaman kung nasa'n ba—” bago ko pa maituloy ang aking sasabihin ng umextra naman siya.
“Isn't obvious? You're in my father's territory. What brain do you have? Tsk.”
“Ang sungit mo naman. Parang nagtatanong lang naman—” then he cut my words again.
‘Nakakainis na 'ah!’
“I'm not giving you permission to reason out.”
“Hoy grabe ka naman. Kanina ko pa napapansin na pinuputulan mo ako ng—”
‘Haist! Sarap sapakin ng lalaking ito! Kung hindi niya lang ako iniligtas. Haist!’
“Noisy. Mag-ayos ka na ng sarili mo. Alam ko naman na sobra na ang pahinga mo. Kaya umayos ka na stupidong tanga na babae.”
Napangiwi naman ako sa biglang pagtawag niya sa akin ng stupidong tanga na babae.
‘Mapanlait. Bastardo. Dem*ny*.’
'Yan ang maituturing ko sa lalaking ito. Juicemother naman! Bakit siya pa ang nagligtas sa akin?
Parang impyerno naman ata ang napuntahan ko? Haist!
“Masungit na nga. Masyado pang mapanglait. Maaari na ba akong umalis?” Tinaasan naman niya ako ng kaliwang kilay niya.
‘Ang taray!’
“From now on. You will stay here. ”
Napalaki naman ang bilugan kong mga mata sa aking narinig.
‘S-seryoso ba siya?’
“B-but. . .” bago ko pa man ipagpatuloy ang aking sasabihin ng magsimula na naman siya na pumutol nito.
“Just do what I've said.” May diin na anito na ikinayuko ko.
‘Hindi ba siya natatakot sa gagawin ko? Haler hindi niya kaya ako kilala at saka nakakahiya kaya. Kahit na kailangan ko talaga ng matitirhan ngayon. Kinuha na kasi ng mga gangster na 'yon ang pag-aari ko. Wala na akong natira pa.’
“P-parang nakakahiya naman—”
“It's my decision. You have no rights to disobey what I've said. Kaya bumangon ka na r'yan at lumabas.”
“Paano kung magnanakaw pala ako? Hindi ka ba nababahala sa maaaring gawin ko?” Nagugulumihan kong tanong sa kaniya na ikinaismid naman nito lalo.
“Then hell's waiting for you. ”
“Awts! Sabi ko nga mananatili muna ako rito. Kapag may trabaho rito, papasok na lang para maipalit ko sa MAGANDANG ASAL mo.” Nakangiti kong sabi kahit deep inside gusto ko na siyang tiikin.
Nagawa ko pang diinan ang magandang asal para malaman niya na hindi siya mabait na tao.
‘Isa siyang kutong lupa na nag-anyong magandang lalaki. 'Nyeta! ’
“Tsk. I know what you're thinking. Kung lalabas ka, sa kanan ka dumaan. Huwag kang kumaliwa, mamatay ka. May nag-iisang counter part sa kaliwang bahagi mo kapag lumingon ka. Huwag kang lumingon sa kanan, maliligaw ka. Tanga ka pa naman. I need to go.”
“Yeah! Yeah! Yeah! Tatandaan ko ang habilin mo. Nakakahiya sa 'yo 'e. ” Sarkastiko kong sambit na ikinaismid na lang niya at nagtuloy na nga para umalis sa kwarto niya.
Nagpalabas na lang ako ng mahinang buntong hininga.
Nagawa pa niyang mambilin. . . may kasama pang banta. Sino ba itong lalaking ito?
“Haist! Ano bang pinasok ko? Malas na nga ako, mamalasin pa dahil nasa pamamahay ako ng mapanglait at kutong lupa na lalaking 'yon.” Nakanguso kong sabi sa aking sarili.
Halata sa aking tono ang matinding inis sa lalaking 'yon. Hindi ko alam pero. . . nakakainis talaga ang pagmumukha niya.
“Sino ang tinutukoy mong kutong lupa?” Mabilis akong napalundag sa aking pagkakaupo sa kama nitong lalaki dahil sa gulat.
Napalingon pa ako sa may pintuan.
Isa namang lalaki na may salamin sa mata ang nakita ko.
‘P-pero. . . T-teka sino naman kaya siya? Kapatid ba siya ni Kutong Lupa na 'yon? Pero hindi naman sila magkamukha. Parang Pilipinong-Pilipino ang dating nitong lalaki. Kaysa kay Kutong Lupa na parang taga ibang bansa.’
Napansin niya ata na nakakunutan ang kilay ko kaya napatawa siya sabay pasok sa loob ng kwarto. Nakalagay ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng pants niya.
“By the way I'm Dr. Venice De Ventura. Ako ang gumamot sa 'yong sugat. And if I'm not mistaken, the person you calling ‘Kutong Lupa’ is Hizura Miguel Trainer. . .”
Para atang napantig ang tenga ko sa aking narinig. Hindi naman kasi ako tanga para hindi mapansin ang apelyido na 'yun.
“W-wait. . . you mean nasa bahay ako ni Sir Michael Trainer? 'Yung Mafia King?” Paninigurado ko pa.
Malay mo nagkamali lang talaga ako ng pag-iintindi. Minsan kasi kung anu-ano na lang ang naiisip kong mga bagay bagay.
Dahan-dahan naman siyang tumango sabay ngisi nang nakakaloko. “Yep! That's why I'm warning you. . . don't be too close with Hizura. Mabait ang father niya, but Hizura? Nah! Hindi siya nagdadalawang-isip na pumatay ng kinaiinisan niya. Kaya habang malaya kang naninirahan sa bahay nila. Iwasan mong galitin ang dragon ng mga Trainer.”
Sa sinabi niyang 'yon bigla akong napayuko sabay sapok sa aking noo ng aking kaliwang palad.
Nagpalabas pa ako ng mahinang buntong hininga sa mga naiisip ko.
‘What did I do? Kaya pala kung mambanta ang lalaking 'yun ay over. Dahil puro masasama talaga ang nasa isipan niya. Ewss! Rest in peace na lang, Heather.’