HEATHER'S POV:
Habang naglalakad kaming dalawa sa may hallway. Kung anu-ano na lang ang mga itinatanong niya sa akin. Tungkol sa gang at bakit ako napunta ro'n.
Sagot naman ako nang sagot. 'Yung totoo at walang halong biro.
“By the way, what's your name? I'm really confuse about your personal identity. You look like a Japanese citizen? Am I right?” Nababahiran ko ang pagkagulumihan sa tono nitong si V.
Sabi niya ay mas mabuti na lang daw na tawagin siyang V. Mas maiksi, mas maganda.
“I am Heather Taki Matsumoto. Yeah I am Japanese. Pero wala akong alam sa tunay na pagkatao ko. I just only know my name, not my real personality. ” Ngumiti ako nang mapakla sa lalaking ito.
Muli akong napalingon sa aming harapan. Ngayon ay papunta na kami sa counter na tinutukoy ni Hizura. Ang cool ng name, ang pangit naman ng nagmamay-ari.
“Oh! What a tragic part of your life, I'm sorry for asking you that, Missy.” Tinapik pa ako nito sa aking kaliwang balikat para pagaanin ang kalooban ko.
Kaya ang tanging nagawa ko na lang ay tumango. Wala na rin naman akong sasabihin pa.
Saka hindi pa rin ako komportable makipagkomunikasyon sa iba.
Natatakot na rin akong magtiwala. 'Yun kasing pinagkakatiwalaan ko, hindi man lang ako itinuring na parang tao.
“V!” Baritonong boses na nagpatigil sa aming paglalakad.
Kahit na matagal ko na siyang hindi napapanood sa mga social media. Hindi dahil sa pagiging Mafia King niya, kundi sa pagiging businessman niya.
Alam na alam ko pa rin ang kaniyang boses. Ang tono na may accent ng isang pagiging Amerikano.
“You already wake up, young lady. By the way nice meeting you and don't be shy to look around. Malayang-malaya ka at huwag kang mag-alala. Hindi ka namin sasaktan. If you don't mind. ” Nakangiti itong lumapit sa aming direksyon.
Nilahad niya pa ang kaniyang kanang kamay para makipag-shakehands kaya ginawa ko rin ang kaniyang gusto.
Nang mahawakan ko ang kamay nito. Pinisil niya pa 'yun nang hindi ganon kasakit lang. Parang gentle lang kumbaga.
Sabay alis na rin matapos niyang gawin 'yun. Wala akong alam kung ano bang meron. Pero baka ‘way of welcoming’ lang niya talaga 'yun.
‘Mga mayayaman nga naman. Wala akong kaalam-alam.’
“I don't mind po, Sir Mic—”
“You can call me, Tito. No need to be formal. By the way what's your name?”
“Heather Taki Matsumoto po, T-Tito,” hindi talaga ako sanay na tawagin siya ng ganon lang.
Masyado kasi siyang mataas para sabihan lang ng isang katulad ko na mahirap na isang ‘Tito’.
“Nah! Nah! Too long. I'll call you, Taki. Like my son. . . speaking of him. Did you already meet him?” Takang tanong nito sa akin kaya ngumiti naman ako ng malawak.
“Opo. Siya po ang unang nakilala ko. Gusto ko sana pong magpasalamat sa kaniya, pero umarangkada po ang pagiging masungit—”
"Sinong masungit?” Tanong ng isang lalaki sa likuran ni Tito.
Kaya napangiwi ako sa aking nakita. Hindi ko inaasahan na nandiyan na pala siya.
‘Bakit ba pasulpot-sulpot 'tong lalaking ito? Kabute ba siya?’
“Ah! 'Yung kaibigan ko. . .”
“I'm not stupid like you. Wala kang kaibigan, remember?” Sarkastikong aniya sabay ismid pa.
Tumalikod pa ito sa aming lahat. Akala mo kung sinong modelo na naglalakad papunta sa kaliwang daan.
‘Madapa ka sana overload. Sungit.’ Angil ng aking isipan habang matalim ang tingin sa naglalakad na kutong lupa na palayo sa direksyon namin.
“Ehem,” mahinang tikhim ni Tito Michael kaya napabalik ako sa aking diwa.
Napakamot naman ako sa aking batok sa matinding hiya. Baka sabihin nito na papatayin ko ang anak niya. . . tapos mag-iisip na agad ito na palayasin ako sa bahay nila.
Mag-isa lang na anak ni Tito Michael si Hizura. Hindi na kataka-taka na protektado niya ang unico ijo niya.
Isang 'unico ijo' na walang modo at sobrang sungit na akala mo laging may buwan ng dalaw.
“Paumanhin sa inasal ng anak ko. Ewan ko nga rin ba r'yan. Masyadong masungit pero may sapak sa utak kung minsan. Ikaw na lang ang umintindi, o pa'no ba 'yan una na muna ako! May kailangan pa akong tapusin. Enjoy your breakfast, Taki.” Kumaway pa ito sa amin at maglalakad na sana para umalis sa aming harapan nang sumingit ang lalaking ito.
‘Nandito pa pala si V? Akala ko wala na. Ang tahimik kasi 'e.’
“Ako tito? Hindi mo sasabihan ng ganiyan?” Nagtatampong anito kay Tito na napailing naman.
“Matanda ka na. Saka bakit pa kita sasabihan? Patay gutom ka, 'di ba? Alis na ako.” Hindi na muli siyang tumigil pa at nagdiretso na nga na umalis patalikod sa amin.
Napangiti naman ako nang pilit. Baka sabihin nito na wala akong modo. Si Hizura lang.
‘Saka bakit pa si Tito magtataka sa ugali ng anak? Halata naman na nagmana sa kaniya ito. Hays! Nga naman.’
“Tara na nga. Mag-ama talaga sila. ” Tanging naisabi na lang niya na ikinatango ko naman.
Naglakad na kaming dalawa para pumunta sa direksyon na dinaanan ni Hizura.
Napanganga pa ako nang tuluyan ko ng maabot 'yon. Este naming dalawa ni V.
Hindi ako makapaniwala na may ganito pala sa loob ng bahay nila. Parang sa bar lang. Pero kakaiba ito.
Walang makikitaan ng kahit anong alak sa buong paligid. Kundi kitchen utensils lang at mga plato na iba't iba ang sukat at disenyo.
May wall clock din na nakasabit sa pinto. Panigurado na ang pinto na iyon ay ang pinaka-kusina nila.
Napansin din namin si Hizura na tahimik lang na kumakain ng napakaraming pagkain. Nakaupo siya sa mataas na upuan habang nakasandal naman ang kaniyang katawan sa sandalan nito.
“Food is life nga naman. Hindi na bago.” Naiiling na sabi ng katabi ko.
Kahit na naguguluhan ay hindi na lang ako nagsalita pa.
“Akala ko kakainin na kayo ng hallway. Tsk. Bagal. ” Masungit na pambubungad naman ng lalaking ito sa amin pagkalapit namin sa direksyon niya.
Umupo ako sa tabi niya pero hindi ganon kalapit.
“Atleast nakarating. Kaysa hindi. ” Bigla akong napahawak sa aking bibig sa nailabas nito.
Matalim ako nitong tiningnan pero muling ibinalik ang sarili sa kinakain.
“Kumain ka na lang. Pinaluto ko pa 'yan kay Caleb. ” Sabay turo niya sa mga pagkain na mga kilala ko rin naman kahit pa-paano.
May kaldereta, sweet and sour fish fillet, lumpia, bacon, egg rolls na ang palaman ay cheese. At hindi mawawala ro'n ang kanin. S'yempre!
“Here's the coffee! Hi! Ate! ” Napalingon agad ako sa nagtawag sa akin no'n.
Nakita ko ang isang cute na lalaki na nakangiti habang may hawak na tray. Kinalalagyan ito ng malalaking tasa na puro kape.
Napanganga naman ako nang makita na kulay itim na itim nito.
“Wow! Thanks! Gusto—”
“Hindi niya tinatanong. Ilagay mo na lang sa bawat harapan namin. At saka umalis ka na.” Pagpapatigil na naman ng lalaking ito sa aking pagsasalita.
Pagkatapos ilapag ni Caleb ang mga tasa sa aming harapan. Yumuko muna siya sa direksyon ni Hizura bago tuluyang nilisan ang lugar namin.
“Haist. . . sungit talaga.” Napangiwi pa ako nang nawala na si Caleb sa aming paningin.
Kinuha ko na rin ang plato na nasa tabi lang niya at ibinigay ang isa kay V. Ganon din ang kutsara at tinidor.
“Thanks. And o! Nga pala Hizura bigla akong kinontak ni Zicko,” pasimula nitong si V.
Samantalang ako ay tahimik lang na kumukuha ng kanin. Pagkatapos kong kumuha ng hindi ganon karaming kanin, sinunod ko naman ang egg rolls at ganon din ang lumpia.
Napansin ko rin sa aking peripheral vision ang matalim na tingin ng lalaking ito. Pero ibinalik niya rin ang paningin ang sa pagkain.
“And?” Walang gana nitong tanong sa kaibigan.
Kaibigan nga ba o wala lang para sa kaniya?
‘Hmm. . . Bahala sila. Basta ako kakain ako. Enjoy my breakfast 'daw' 'e kaya wala ng hiya-hiya. Food is life kaya!’
Nagsimula na akong kumain ng mga kinuha ko. Hindi ko na rin sila iniintindi pa. Wala rin namang kwenta ang pinag-uusapan nila.
Kilala ko rin 'yung Zicko na 'yun. Anak siya ng Mafia Queen. Hindi isang Mafia Queen ng isang organisasyon, kundi lahat talaga. Mapa-illegal at legal.
Magkakilala pala sila?
Nga naman, isa rin pa lang mafia ang kutong lupa nq 'to. Hindi na kataka-taka pa.
“He need your help, well. . . he's in danger right now. Maybe 3 hours, 45 minutes and 60 seconds na lang ang natitirang oras niya kapag hindi. . .”
“Fackka! I need to go! Text me where he is! Shiyah!” Inis na singhal niya at nagmadali na ngang tumayo sa kaniyang pagkakaupo.
Gulat na gulat akong napalingon sa lalaking ito na aligaga na para umalis. Hindi na rin siya nagpaalam. Kusa na lang siyang tumakbo palayo.
“Errr. . . O-okay. . .”