HEATHER'S POV:
“Anong meron?” Nagtatakang tanong ko kay V nang mapansin siyang kakatapos lang ilagay ang cellphone sa harapan niya. Kapag nilagay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon. Panigurado na masisira ito agad.
Ang laki kasi ng cellphone niya. Este mahaba.
Nagpalabas naman siya nang mahinang buntong hininga. Kita sa mukha niya ang lungkot.
‘Pero saan naman kaya?’
“You know Zicko, right?” Paglilinaw niya sa akin na ikinatango ko naman pero bakas pa rin ang kalituhan sa aking mukha.
‘Ano ba kasing meron?’
“Oo kilala ko si Zicko. Siya lang naman ang panganay na anak ng Mafia Queen. Ang gusto kong malaman ay kung bakit ganon kabilis si Hizura na umalis?” Pag-uulit ko pa sa aking tanong.
“As what I've said, Zicko's in danger. Kahit na hindi sila ganon magkakilala. Siguro 8 months lang, pero pinaramdam ni Zicko na mahalaga siya. Ang kaso nga lang. . . umalis si Zicko nang hindi nagpapaalam. Kumain ka na lang at siya. Babalik din ang lalaking 'yon. Nga pala mabuti hindi ka natatakot sa masamang ipinupukol niya sa iyo. First time ko lang makakita ng isang babae na walang kinatatakutan. ” Namamangha niyang sambit sa akin.
Hindi na lang ako lumingon sa direksyon niya. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Hindi dapat binabalewala ang grasya na ibinibigay sa akin ngayon.
“Wala namang dapat katakutan sa kaniya. Kahit na isa siyang mafia. Hindi dapat ako umaatras. ” Tanging naisagot ko na lang.
Pansin ko kasi na naghihintay siya sa sagot ko. Kaya pagbigyan na.
“He's not a mafia. Only his father.” Komento naman nito na ikinanganga ko.
Napabagsak pa ang aking hawak na kutsara sa plato kaya nagkaroon ng ingay rito. Napangiwi kaming dalawa pero hindi ko pinansin 'yon.
“S-seryoso? Hindi siya mafia? Bakit ganon siya umasta? I mean bakit ang galing naman niya sa pakikipaglaban? Akala ko nga matatalo siya 'e, pinagbantaan ko pa siya bago ako mawalan ng malay.” Nagtataka na talaga ako sa lalaking 'yon.
Kung hindi talaga siya mafia. Bakit ganon siya? Bakit ang galing niya makipaglaban?
Grabe manghang-mangha na talaga ako sa kutong lupa na 'yon. Sana all!
“Hindi man siya mafia. Lumaki naman siya na may alam sa pakikipaglaban. Ayaw niya ng gulo, pero ang gulo naman ang lumalapit sa kaniya. Kaya mas mabuting lumayo ka kay Hizura habang may pagkakataon pa.” Paalala na naman niya na ikinatango ko na lang.
“Sino naman ang magkakagusto na makasama si Hizura? 'Yung masungit na 'yon? No way! Baka maging World War 4.5 million pa ang mangyari.” Naiiling na turan ko sabay kuha na naman ng kutsara na nahulog sa plato at muling nagdamak ng pagkain.
Napansin ko rin na paubos na ang nasa harapan namin.
“Akala ko ba World War 3?”
“Makabago naman. Lagi na lang World War 3 ang naririnig ko, p'wede bang baguhin naman. Saka dapat nga 5 million o 10 million na 'yan, sa rami ng tao ang nagsasabi na “baka raw magkaroon ng World War 3 kapag kasama nila ang lalaking kinaayawan nila” 'di ba?” Tiningnan ko pa siya nang nakataas ang aking kaliwang kilay.
Samantalang siya naman ay natatawa na lang. Napailing pa siya at sumubo na lang ng pagkain na nasa pinggan niya.
Napabalik na rin ako sa aking kinakain at doon na lang pinukos ang sarili.
“Mabuti naman may makakasama na akong madaldal din sa bahay na ito. Lahat ng mga tao rito napakaseryoso! Ultimo magtatanong ka na lang, pipilosopohin ka pa. Haist!”
“Ilan ba ang naninirahan dito?” Nagtataka ko namang tanong sabay baling sa buong paligid.
Napalingon ako sa kanang direksyon na sinasabi ni Hizura.
May daan doon na hindi ko alam kung saan ba 'yon papunta. Kinaliligiran ito ng mga halaman na namumulaklak. Pero ngayon ay kulay green pa.
Parang sa kulay ng kanilang mga mata, kulay green na green. Akala ko contact lense lang ang gamit ni Kutong Lupa pero hindi pala. Parehas sila ng daddy niya.
At tama nga ito, kapag sa kanan ako lumihis, bahala kang maligaw r'yan. Hindi ko kasi maaninag kung may daan pa ba.
Maze ba 'yan?
“Ilan? Hmm. . . siguro nasa limang daan na tao. Lahat ng mga myembro ng organisasyon ni Tito Michael ay nasa Training field. Pansin mo 'yung daan pakaliwa noong lumabas ka sa kwarto ni Hizura?” Pagtatanong niya na ikinatango ko naman.
Muli ko siyang sinulyapan. Ang kubyertos ay nasa harapan niya. Nakasandal ang kaniyang kamao sa may kanang pisngi niya.
Seryoso itong nakatingin sa akin. Na ikinataas ko naman ng aking kilay.
“Oo, saka anong meron sa mukha mo?”
“Wala lang. Napansin ko lang na maganda ka, kung nag-aayos ka nga lang.”
Napatawa naman ako nang sarkastiko. Dahan-dahan ko ring iginalaw ang aking mata pakaliwa.
“Ibig bang sabihin pangit ako? Ganon? Ha! Ha! Ha! Kakat-awa.”
“Joke lang naman hindi ka mabiro. Sige na magseryoso ka na sa pagkain mo para matapos na tayo sa kakain. Kaparehas ka ni Hizura na ‘food is life’. Himala na ikaw ang nakaubos ng hinain ni Caleb 'e. ”Pang-aasar niya pa sa akin habang tinuturo ang mga pinggan na wala ng kalaman-laman.
Kung kanina ay puno pa ito ng mga ulam ngayon nasimot na.
‘Kasalanan ko bang nasarapan ako?’
“Sabi ni Tito Michael na “Enjoy your breakfast” daw 'e kaya ayan. Hindi ko na kasalanan kung mauubos ko 'yan.” Pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
Muli kong iginalaw ang aking kutsara para simutin ang natitirang kanin at itlog sa aking pinggan. Bago ko ito isubo at napangiti na lang pagkatapos kong mabusog.
Kinuha ko na rin ang tasa at uminom ng kape na hindi na ganon kainit. Kanina pa kasi ito hindi nagagalaw.
*BLURP*
Na-pa-peace sign naman ako sa harapan ni V sa hindi ko sinasadyang mapadighay sa matinding kabusugan.
“Sorry. My fault.”
“No need. Ganiyan na ganiyan din ang anak ko. Sanay na ako.” Naiiling na aniya na ikinalaki naman ng singkit kong mga mata.
“Woah! Really? May anak ka na? Ilang taon ka na ba?”Hindi ko makapaniwalang tanong sa kaharap ko.
Hindi ko aakalain na hindi na pala siya single.
‘I don't like him. Hindi lang kasi halata sa kaniya na may anak siya.’
O hindi rin ay asawa.
“I am 25 years old. Nagkaroon ako ng anak sa naging girlfriend ko noong college ako. 19 years old ako ng si Anna ay isinilang. At isang taon naman siya ng mamatay ang girlfriend ko sa aksidente.” Ngumiti pa siya sa akin nang mapakla na ikinangiwi ko na lang.
“Oh! Sorry!”
"No need to worry. Matagal na 'yon. Saka masaya na akong kasama ang anak kong si Anna. She's a blessing into my life, ” napalingon pa siya sa kaniyang cellphone ng ito ay biglang tumunong. “Oh! Needed to go now. Thank you for your time. Magliwaliw ka na lang muna. Alis na ako. ” Sumaludo pa ito sa aking harapan at mabilis din ang kaniyang kilos para makalayo sa aking direksyon.
Napailing na lang ako sa aking nakikita bago mapalingon sa hallway sa kanan. Kung saan doon kami nagmula kanina.
May mga nakita akong mga armadong lalaki na nakakulay itim habang may hawak na mga armas.
Napanganga pa ako sa mga baril na mahahaba. At mga katana na nakasakbit naman sa iba.
“W-wow.”