UHDS 11

1417 Words
HIZURA MIGUEL'S POV: ‘They are in “Kumaliwa ka, talo ka street” hanapin mo na lang ang manloloko forest. Nandoon nakatago ang tatlo. . .’ - V. Napataas naman ang aking kilay sa nabasa. Bakit nasa manloloko forest ang mga 'yon? Hindi ba niya alam na delikado ang pumunta sa lugar na 'yon? May mga nakapaligid na mga gangster na rason kung bakit bawal pumunta ang mga tao ro'n. Pero ano pa bang bago? Mahilig sa gulo ang lalaking 'yon. Minsan ko na siyang nakita na nakipag-away sa mga Hapon na kalalakihan. At makikipagkita man siya sa akin ay may band-aid na siya sa kaniyang pisngi. Napailing na lang ako sa mga naiisip ng aking utak. Saka ako lumabas sa aking kotse. Nandito na ako sa tinutukoy na lugar ni V. Nakarating ako ng gabi na sapagkat ang layo at makipot pa ng daan. May nangyari rin na aksidente bago ako makarating dito. Isang lasing na nagmamaneho ng kotse at drayber ng truck. Hindi ko na rin sila pinansin pa. Buhay na nila 'yan. Pero pagkarating ko rito. Mga lubak-lubak pa ang daraanan kaya nahirapan ako sa pagbyahe. Palinga-linga pa ako sa buong paligid, pinagmamasdan kung may paparating ba na mga armado. Pero wala. Kaya malaya akong nakapaglakad papasok sa isang napaka-creepy na daan. May putik pa sa ibaba kaya naghahanap ako ng pagdaraanan ko. 'Buti na lang may damuhan sa gilid ng mga sanga ng halamang bulas. “Haist.” Wala sa sariling wika ko pero mahina lang. Napatingin pa ako sa aking kaliwang braso na natamaan ng isang sanga na may tinik. Nasugatan pa ako. Kaya ayoko sa mga ganitong lugar na puro puno ng d**o. ‘B'wisit!’ Nagpapasalamat ako na sa mahaba-habang paglalakad ko. Nakarating na ako sa pinakagitna ng kagubatan. Napatago agad ako sa puno na nasa aking harapan nang makita ang mga nilalang na nakapalibot sa tatlo. Hindi ko makita kung nasa'n si Zicko. Nasa'n na nga ba 'yun? Pero nasagutan ulit ang aking katanungan ng maalala na naman ang text ni V. ‘. . . pero iba na ang mukha ni Zicko. Kapag may nakita kang lalaki na kulay blonde ang buhok. Siya na 'yun. Nagpa-plastic surgery ang g*go.’ Dugtong na kaniyang sinabi. Kaya muli akong sumilip sa kinaroroonan nila. Nakumpirma ko na kung sino si Zicko sa kanila. Siya lang naman ang nag-iisang malayo sa dalawa. Pero anong pumasok sa kokote niya at nagpabago siya ng mukha? ‘Catmother talaga!’ “Sinong nagpadala sa inyo rito?” Rinig kong tanong ng lalaking leader ata ng grupong ito. Kalbo siya at may hawak na malaking baril. Hindi 'yun nakatutok sa kanila. Ang mga mata lang nito na nanlilisik ang nakatingin sa tatlo. “Bakit naman namin sasabihin sa 'yo? Special ka?” Sarkastikong sambit naman ng lalaking nasa tabi ng babae. Kulay black ang buhok nito at may tattoo pa sa kaniyang kanang braso na isang dragon. “Hangal ka!” Unti-unting umasim ang aking pagmumukha ng makita kung paano gamitin ng leader ang dulo ng baril na pangtadyak sa kasamahan ni Zicko. Napaluhod sa lupa ang lalaki at nagpalabas ng malakas na ubo kasama ang kulay pulang tinta mula sa kaniyang bibig. “Arghh!” Sigaw nito sa matinding sakit na naramdaman galing sa pagtadyak ng leader sa kaniyang ulo. Basag ang utak niyan panigurado. “Tama na. Huwag ninyo siyang sasaktan!” Pagmamakaawa naman ng babae at pilit na inaabot ang kasamahang nasa sahig ang mukha. ‘What a tragic love ending? Mahal ba nila ang isa't isa? Tsk.’ “Kung ayaw ninyong sabihin sa akin kung sino ang nag-utos sa inyo na pumunta rito. Malilintikan sa amin ang babaeng ito!” “AHH!” Hiyaw ng babae matapos siyang hilahin ng mga kalalakihan. Ang nasa kaliwang bahagi nito ay sinakal siya sa harapan nila. At si Zicko naman ay nagpupumiglas na para makalayo sa mga nakahawak sa kaniya. Pero patuloy siyang hinahawakan nang mahigpit ng mga ito. ‘Anong magagawa mo ngayon, Zicko?’ Tanong ng isipan ko. Imbis na tulungan sila sa mga walang hiyang 'yon. Nandito ako sa puno habang nagsasayang nakatingin sa kanila. “Boring,” Napalakas ata ang pagkakasambit ko kaya natigilan sila sa paggawa ng eksena at tinutukan agad ako ng kanilang mga baril. Itinaas ko naman ang aking mga kamay. Pero ang akin namang mukha ay wala sa normal na ayos. I'm just looking at them with my bored face. “Sino ka?” Matapang na sabi ng leader nila pero tinaasan ko lang siya ng aking kilay. “Ako si San Pedro. Nandito ako upang kunin ang mga kaluluwa ninyo.” Seryoso kong sagot pero wala man lang naniniwala. “Huwag mo kaming maloko-loko. Nasa teritoryo ka namin. Buhay mo ang—” “Wala akong pakealam.” Pagpapatigil ko naman sa dapat sasabihin niya. Napaka-boring kaya nito at walang kwenta. Ganiyan din naman ang mga sinasabi sa mga palabas. “Wala kang galang! Gusto mo bang mamatay?” “Gawin mo na lang. Huwag ka ng pasikat. Juicemother.” Walang emosyon ko naman siyang tinapunan ng aking tingin. Napansin ko naman ang pagsenyas niya sa mga ito. Kaya napangisi ako. Mabilis akong napatago ulit sa puno. Nagsilapitan ang mga balang kanilang nilalabas sa baril. Kaya todo ang aking pagtago. Ilang minuto ang kanilang ginagawa sa pagbaril nang tumigil na sila. “My turn.” Malademonyo akong napangiti at kinuha sa aking likuran ang aking baril na nakatago lang sa aking beywang. Kinasa ko muna ito bago nagpakita sa akin. “Die f*cker!” Malakas na sigaw ko at pinatamaan ang mga ito. Sa sobrang bilis ng aking galaw. Nakita ko na lang ang ilan na napahiga na lang. Pero napatalon din ako sa malayo nang muntikan na akong matamaan ng bala sa aking mukha. Kung hindi lang umarangkada ang aking pandama. Baka natamaan na ako. Napansin ko naman na naubusan na ako ng bala sa matinding paglabas nito. Kaya kinuha ko rin ang dalawa pa sa aking tagiliran. Muli ko itong kinasa at pinag-aasinta ang mga natitira. Sampo lang sila na nandito. Panigurado na ang iba ay napatay na ng tatlo. Ang apat ay napatay ko na kanina pa. May anim pa na natitira kasama ang leader nila. “Argh!” “Ahh!” Mga hiyawan ng mga natamaan ko ng nag-aalab na bala. Napatayo na rin ako sa aking pagkakahiga sa lupa. Si Zicko na rin ang nagtapos sa iba pa. Nakalaya na siya sa paghawak ng kasamahan ng leader. Kaya nagawa na rin niyang makipaglaban. Samantalang ang babae naman ay dinaluyan ang kasamahan nila na wala ng malay sa matinding pagtadyak ng leader. Speaking of leader naman. Nandito siya sa aming harapan. Hawak na agad siya ni Zicko. May nakalagay na kutsilyo sa may bandang leeg nito. Hawak 'yon ni Zicko. Matalim din ang tingin niya sa leader. Siguro sa ginawa nito sa kasamahan. Samantalang ako naman ay ngumisi ng demonyo saka iginalaw ang aking ulo pakanan at pakaliwa. Nilalaro ko rin sa aking kanang kamay ang baril na may laman pa ng bala. Ang isa ay naitapon ko. “As what I've said. Ako ang kukuha ng kaluluwa mo. Are you ready?” “N-no. . . p-please. . . I-I'm begging. . .” nagmamakaawa nitong sambit sa akin na ikinailing ko naman. “Hindi ako naaawa. Demonyo ako. At ang isang demonyo, walang kinaaawaan. Goodbye?” Tinutok ko na sa kaniyang noo ang baril. Pero tinaasan ko lang ng aking kilay ang lalaking nasa likuran. “Gusto mo ring mamatay?” “Tsk.” Tanging nasabi na lang nito at lumayo. May chansa na ang leader na makatakbo kaso naunahan agad siya ng bala ko. Sapol na sapol ang kaniyang pisngi na nagpanganga na lang sa kaniya. Nagkaroon pa ng matinding impact ang bala kaya nagsipulsitan ang mga dugo sa aking mukha. Napaismid naman ako sa aking nagawa bago ko punasan gamit ang aking kaliwang kamay ang mukha ko. Nakapikit na rin ang lalaking pinatay ko kaya wala ng dapat problemahin pa. Inilagay ko sa aking likuran ang baril ko saka tumalikod na sa kanilang lahat na inalam pa na buhay pa ba o hindi ang kalaban. Nagising na rin ang lalaki. Naglakad na ako palayo. Hindi na sila pinansin pa. Bahala na sila rito. Tapos na rin ang misyon ko. Ang misyong iligtas ang taong ni minsan ay hindi man lang nagparamdam at nagpaalam. “Hizura teka lang!” Sigaw ni Zicko. Naramdaman ko pa ang paghawak niya sa aking kanang balikat. Napalingon naman ako rito at binigyan siya ng masarap, malinamnam at makabagong pagbati. Napaupo agad siya sa lupa dahil sa ginawa ko. Pumutok pa ang kaniyang gilid ng labi dahil sa pagsuntok ko. Pero tiningnan ko lang siya nang walang emosyon. “I'm glad to meet you again, Zicko the Zero.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD